Jenny Miller relates how Valerie Concepcion snubbed her at Belo party

"Sana, hindi siya namimili ng makakatabi kung big star ba orhindi. Sana din wala sa kanya yung maliit sa industriya at walang big star,"says Jenny Miller (left) after relating how she felt offended by Valerie Concepcion's(right) refusal to share a table with her at Dr. Vicki Belo's party last Friday.



Marami talaga ang puwedeng maganap sa isang party, katulad ngkatatapos na bonggang Belo anniversary party sa Shangri-La-Makati noong August8.

Napag-alaman ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) na may hindi magandang engkuwentro na naganapbetween sexy actress Jenny Miller and young actress Valerie Concepcion.

PEP decided to contact Jenny na noongmga oras na kausap namin siya ay nagte-taping for a GMA-7show. Nagulat pa ito kung paano namin nalaman ang naturang pangyayari. Andwe told her na marami na ang nakakaalam.

Ikinuwento nga ni Jenny sa PEP kung ano ang naganap duringBelo's Venetian Masquerade.

Aniya, "Well, yun nga po, I was a little late kasiand ang dami nang tao sa party. So, wala nang masyadong upuan at maynagpe-perform. So, we don't want naman to walk and look for seats habang maynagpe-perform. Si Elise, yung secretary ni Dra. Belo ang nakakita sa placeni Valerie na may mga bakante po. She asked me kung okey lang daw ba saakin na maupo beside Valerie. Ako naman, yeah, oo naman. Kasi, I've knownValerie even before, nagkasama na kami sa isang work and okey naman siya dati. In fact, ang tawag pa nga niya sa akin, Ate Jen.

"So, when I saw her, na-excite pa ako, kasi nakita ko yunggown niya, talagang nag-effort siya. So, I was ‘Wow!' Napa-ganoon pa ‘ko. Kayalang, noong lumapit na kami and Elise asked her, like, ‘Val, okey lang ba ifJenny will seat here for a while?' Yung sagot niya kaagad, ‘Darating kasi si Angel [Locsin]...'Then, si Elise, inulit niya ulit yung tanong and then, sinabi niya talagang,‘for a while' habang hinahanapan pa ako ng seat. Ako, medyo nagtataka na, kasiparang wala lang talaga, hindi siya bumabati or anything. Then, noong inulit niElise yung tanong, sumagot si Valerie ng ‘Darating na si Angel...'"

Sa pagkakataong yun, pareho na raw nilang na-feel ni Elisena may "kakaiba" sa dating sa kanila ni Valerie, at si Jenny na raw mismo angnagpaintindi kay Elise by looking at her and repeating what Valerie told them,"Darating nga si Angel." Yun pa lang daw ang time na naghanap na lang sila ng ibang upuan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Jenny, nanlamig at kinabahan daw si Elise at hindimalaman kung saan nanggaling yung ganoong attitude ni Valerie sa kanya.

VAL SAID SORRY. Hindi na itinago ni Jenny sapagkakataong ito na siyempre pa, na-offend siya sa naging pagharap sa kanila niValerie, lalo pa nga't wala naman daw siyang alam na anumang isyu nila in thepast. At never naman daw niyang naging ugali ang mang-away or makipagtarayan.

Wala raw ideya si Jennykung paano nakarating kay Valerie ang naging pakiramdam niya that night. Maaariraw na si Elise na ang nagparating kay Valerie na na-offend nga siya sa nagingpakikiharap nito sa kanila. Nagulat na lang din daw si Jenny nang lumapit biglasi Valerie sa kanya at nag-sorry.

"Ini-approach niya ako. Ang una niyang sinabi, ‘Di ba,nag-hi naman ako sa ‘yo?' Sabi ko, ‘Huh? Did you? Nakita ko naman kasithere's no sign of welcome.' Nag-sorry siya, wala raw eksenang ganoon. Hindiraw totoong ayaw niya akong paupuin dun. Sabi ko na lang, tanungin na langniya si Elise kung ano ang ginawa niya. And Isaid, kung wala, bakit siya nagso-sorry kung hindi naman pala siyanaka-offend? Sabi ko na lang, ‘Okay.' Then, umalis na rin siya."

POSSIBLE REASON. Nabanggit tuloy ng PEP kay Jenny, posible kayana may koneksiyon ang ganoong pakikiharap sa kanya ni Valerie dahil malapit nakaibigan ni Jenny si Claudine Barretto? Bukod kasi sa iisa lang ang manager nina Valerieat Angel, magkaibigan din ang dalawa. At alam naman ng lahat na nagkaroon ngisyu recently sina Angel at Claudine.

"Actually, yun nga rin ang naisip ko after," sabi ni Jenny."Pero kasi ako, ayokong nakikisawsaw. Kung yung iba, gustong makisawsaw kapagmay isyu or kaaway ang kaibigan nila, ako kasi, hindi talaga ako ganoon.

"Alam ni Clau yun, kapag tipong may kaaway siya, alam niyana hindi ako ganoon. At si Clau mismo, siya mismo nagsasabi na ayaw niyana mai-involve ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

After what happened, how does she feel now for Valerie?

"Well, sana lang po nang mag-sorry siya, from the hearttalaga. 'Tulad nga ng sinabi ko, hindi naman ako yung mapang-away. Sana lang,hindi na maulit sa ibang artista. Sana, hindi siya namimili ng makakatabikung big star ba or hindi. Sana din wala sa kanya yung maliit sa industriya atwalang big star," ang nasambit na lang ni Jenny.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN