Governor Vilma Santos likes positive effect of Angel Locsin on Luis Manzano

"Alam mo, maraming nagsasabi sa akin inspite all the hardships na dinaanan ko, ‘tapos ‘eto, bakit kahit papaanostill I look good, because I'm happy with my family. Ang foundation ko,pamilya, e. Kahit anong trabaho ko, kung sira ang pamilya ko, paano kanggaganahan magtrabaho?" says Governor Vilma Santos.



Nagpahayag siBatangas Governor and Star For All Seasons Vilma Santos sa posibilidad namagsama ulit sila sa pelikula ng perennial rival niya, ang Superstar na siNora Aunor. Kung meron daw kasi na dapat magsalba ng career ni Nora sapelikula, malaki ang maitutulong ni Governor Vi dito.

"Ay, hindi," sagot ng actress-politician sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Walanamang problema doon. Sana makita, kasi hindi ko naman siya nakakausap, e. Alammo ang ibig kong sabihin? Pero kung ano yung nalalaman ninyo, nakakarating dinsa akin. Hindi ko alam kung confirmed, but the way things are going, mukhanghindi nga maganda. Tama ba ako?"

Naniniwala si Ate Vina makaka-recover pa si Nora. Isang magandang vehicle kay Nora kung nanditosiya sa Pilipinas ang independent film na tinanggihan ni Vilma, ang LaIndependencia ng award-winning director na si Raya Martin.

"Hindi, hindi namansa basta tinanggihan," paglilinaw ng actress-politician. "When I read thescript kasi, hindi ako...bitin ako sa character nung nanay. The character of the mother is 30 percent ofthe story. It doesn't matter as long as may tatak, pero doon sa nabasa ko,nabibitinan ako. ‘Tsaka yung pagkamatay niya, ganun, e, bitin.

"I don't mind doingit. Baka nga sa trabaho ko, tama lang yung 30 percent. But there's bitin in thecharacter of the nanay. E, ‘pag ganun ang pakiramdam ko, sabi ko nga kay Raya,‘Raya, pagka ganito ang pakiramdam ko, huwag nating ituloy.' But that doesn'tmean I will not support indie films. Kung meron kang ibang script, ibigay mo saakin ngayon. I'm excited to do one talaga.

"And in fact, I toldRaya, ‘To show you Raya how interested I am na makagawa ng isang indie film,ilang beses tayong nag-meeting ni hindi tayo nag-usap about my fee. Because Iwant to try it.' Unfortunately lang, nung nabasa ko yung script, bitin yungcharacter na gusto ko."

FILM REMAKES. Nilinawrin ni Governor Vi ang pagtanggi niya na lumabas sa remake ng pelikula niyang MissX, na pagbibidahan ni Katrina Halili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala namangkumakausap sa akin. In-interview lang ako sa birthday ni Ate Cristy [Fermin]. Pero yung sasabihin mo may nagsabisa akin, hindi ko alam na may gagawingMiss X, e. Sila lang ang nag-inform ‘tapos magge-guest ka raw. Walang lumalapitsa akin tungkol diyan," saad niya.

But what if maylumapit, tatanggapin ba niya?

"Hindi, depende,"sagot ni Governor Vi. "‘Tsaka hindi ko nga alam, e, kung ano ang puwede konggawin doon. Wala nga akong ideya, e, kaya depende. Walang nakikipag-usap saakin tungkol doon, in fairness. But ifthey want to do a remake, I don't mind. Okey lang sa akin yun. Pero kung mayspecial participation, hindi na muna.

"Hindi ko rin alamkung ano ang gagawin ko diyan, e. Wala akong ideya. Basta ang alam ko, isasiyang OFW na napunta sa Amsterdam. Naging biktima doon. Walang choice, nawalanng pera hanggang maging girl siya sa red-light district. Ang ending niya, inspite of all the hirap, bumalik pa rin siya ng Pilipinas, walang choice. Kayawala akong nakikitang puwede kong gawin doon sa remake."

Wala bang offer forher to do a TV show or even a special?

"Noon pa rin ‘yan.Oo nga, e, yung time ko. Pati yung special meron sila, yung pang-40thanniversary ko nagplano na sina Chit [Guerrero]. Buhay pa yung direktorng Vilma, si Romy Veron.

"Kasi dapat nag-anokami nung 40th anniversary ko sa show business, pero hindi rin nagawa becauseof the time. Pero excited na ako, miss na miss na miss ko na rin ang showbiz,sobra! Nami-miss ko talaga."

Wala ring problemasi Governor Vi kung i-remake ang kanyang mga pelikula ‘tulad ng Langis atTubig, her 1980 film with the late Dindo Fernando and with Amy Austria.

"Okey lang," sabiniya. "Alam mo kasi kung minsan, happy din ako kapag nire-remake ang pellikulako. Ibig sabihin, ang gaganda nung ginawa ko."

Ano naman angmasasabi niya kay John Lloyd na susunod niyang makakasama sa pelikulang gagawinnila sa Star Cinema?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, box-office!Box-office ang pelikula nila ni Sarah [Geronimo]. You know, ang tingin kotalaga kay John Lloyd, para siyang si Dindo Fernando. Yung mukha,galaw, pati yung klase ng acting. Good that he is good at the box-office. SiDindo magaling, pero hindi siya box-office [king] but Dindo Fernando, e.

"Hindi ko panapanood yung movie ni John Lloyd at Sarah [A Very Special Love]. Pero pinapanood ko lahat ang aming kasambahay. Oo! Gusto ko yung trailer, cute. Cute siya. Ang galing ng trailer," sabi ni Governor Vi.

VILMA'S FIRST SON. Anonaman ang masasabi niya sa paghuhubad ni Luis sa bago niyang teleserye saABS-CBN na Dyosa?

Tumawa muna nangmalakas si Governor Vi bago nakasagot.

"Itong anak kongito, nakakabuwisit di! Lagi kong tini-text ‘yan. Sabi ko, ‘Anak, tigilan mo‘yang pagiging exhibitionist mo.' Sabi ko, ‘Aminado ako, anak, maganda.Pinaghihirapan mo yung katawan mo. But you should know your limitations.'Tatawanan lang ako. ‘Hahaha! Mommy. If you have it, flaunt it!'" tawa rin niGovernor Vi.

"Iba na ang mga batangayon," patuloy niya. "That's why parents should adjust. Isipin mo kung akoyung makaluma, nagalit na ako noon sa sagot niya. Pero hindi, you shouldunderstand them."

Ano ang sinabi niyasa sagot ni Luis sa kanya?

"Natawa rin ako. Yunpara bang, ‘O, just know your limits.' Yun lang. Pero ‘pag hindi ka adjusted,mahihirapan ka maka-cope sa klase ng mga bata ngayon."

Nakikita ba niya namay bakas din na susundan siya ni Luis as a public official?

"Yeah," sagot niGovernor Vi. "Later on kung ano, kasi nakikita niya rin ang ginagawa ko.Nakikita ni Luis yung... ‘Pag nakita niya na mahal din ako ng tao, parangpupuwede raw siya. Tinanong ko rin siya, e. Sabi ko, ‘Anak, someday nai-imaginemo ang sarili mong ganito?' Sabi niya, ‘Yes, Mom."

Looking forwardnaman si Governor Vi na magkasama sila ni Luis sa isang movie project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm very proud ofmy son. He can act, pero may room for improvement pa rin. Kasi tini-text ko ‘yan, e. Was it yung Kampanerang Kuba?‘Anak, anak, sobrang lukot ng mukha mo nung umiiyak ka.' Meron naman, ‘Anak,perfect ang tulo ng iyak, ganyan lang. Pag-aralan mo ‘yan.' You know, I tellhim that."

Paano tini-take niLuis yung advise niya?

"Ah, okay sa anakko. Minsan nagtatanong pa siya sa akin. So, may room for improvement si Lucky.Ah, hosting, no doubt. ‘Tsaka kapag napapanood ko, ang yabang ko! Ang galingniya talaga. Singing career, pareho kami! O di ba?" tawa niya.

"Dancing career,kami the best. Ang galing-galing niyang sumayaw! Bihira nga siyang sumayaw saASAP '08. E, hindi tinanong ko rin, ‘Anak, ano bang ano mo sa ASAP?' Host dawtalaga siya. Binibigyan lang siya ng ganun [dance numbers] kapag birthday niya.Pero ang kontrata niya doon is just a host, not really a performer. ‘Tapos angisang proud lang ako sa anak ko, imagine, Lucky now is 27, mabait pa rin, diba?"

POSITIVE EFFECT. Anonaman ang masasabi niya sa nababalitang girlfriend ni Luis na si Angel Locsin?

"I love Angel,"sagot niya.

Ayon sa ina niGovernor Vi, tatlong beses naniyang nakita si Angel sa mahahalagang okasyon ng pamilya. Gusto rin daw niMama Santos si Angel dahil marespeto. Ano ang masasabi ni Governor Vi rito?

"No comment ako," iwas niya. "Huhulihin ninyo ako, e.Basta alam ko maligaya si Lucky. Ayoko because there are some private moments na hindi dapat sabihin. Pero si Mama pala ang nagkukuwento. Pero ano,very marespeto. Nakasama ko siya [Angel] sa Mano Po, marespeto siya at saka tahimiklang."

Maging ang ama niLuis na si Edu Manzano ay sinabi rin na gusto niya ang influence that Angel has on Luis.

"That's very true.That is very, very true. Maganda sa nakikita ko. Naku, ha!"pagpipigil pa ni GovernorVi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maganda yungimpluwensiya ni Angel kay Luis. I agree with Edu. Even yung outlook ng anak kongayon, iba. Maganda, maganda, ‘tsaka laging happy. ‘Tsaka guwapito, kasi nga blooming."

Ipapasa ba niya kayAngel ang kanyang mga panyo if ever?

"Hindi puwede.Bibigyan ko siya, pero hindi ko ipapasaang panyo ko. Because ako ang mawawalan. Ayoko!" ngiti ni Governor Vi, na kilala sa kanyang trademark na panyo.

Nabalita naniregaluhan na ni Governor Vi si Angel ng panyo last Christmas.

"Marami na rin akongnairegalo sa kanya. Pero hindi lang namin sinasabi. Marami na kaming regaluhansa isa't isa. Pero sa amin na lang.

"You know, sanakikita ko, ha, parang maganda yung team nung dalawa. Kasi yung weaknessesnung isa, nandun yung strength and baliktad; and they compliment each otherwith that and they both grow positively. Nagtutulungan sila.

"Kasi yun din angnababanggit sa akin ni Angel kapag nagkakausap kami. At yun din ang nababanggitsa akin ni Lucky. So which means naggro-grow sila positively and sarelationship, yun ang importante. Yun ang maganda doon," saad ni Governor Vi.

Tinuturuan din dawni Angel si Luis na mag-grocery.

"May time na sabaysila [Angel at Luis]. At least ang anak ko natututo. Marunong nang mag-groceryngayon. Magluto? Ay, ano ka ba, e HRM ‘yan! Mas marunong siyang magluto kesa saakin. ‘Pag gumawa ‘yan nung mga gourmet na prawns? Hindi nga ako marunong magluto.Yung anak ko, gourmet kung gumawa.

"Ang dream niyatalaga someday to have his own restaurant and bar. But I told him then na youhave to get also ano, business management [course], in order na ma-guide-an ka,you know."

YOUNGEST SON. Kumustanaman ang bunso niya na si Ryan Christian?

"Pinagbibigyan koonce a month [na lumabas sa Goin' Bulilit]. Si Ryan, alam n'yo ba nung Grade Vsiya, nung finals niya, hindi na siya kumuha ng final exam? Exempted siya.Nagte-test yung iba niyang classmates, siya nasa bahay. Kasi sabi ko, ‘It'syour exam.' ‘I'm exempted, Mama. I just go there to visit my classmates.' Andhe is the president of his class. Ngayon, siya na ang presidente ng klase niya,he's Grade six na," pagmamalaki ni Governor Vi sa kanyang bunsong anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Ay,oo, artista yun. Malambing pa na bata. Alam mo, maraming nagsasabi sa akin inspite all their hardships na dinaanan ko, ‘tapos ‘eto, bakit kahit papaanostill I look good, because I'm happy with my family. Ang foundation ko,pamilya, e. Kahit anong trabaho ko, kung sira ang pamilya ko, paano kanggaganahan magtrabaho?

"I'm proud of my twosons. Ralph [Recto, he husband] is doing good. I'm being guided by Ralph. Mahalka ng constituents mo. Yun ang nagbibigay sa akin ng adrenalin, lakas ng loob.Kaya pinagtatakhan nila paano ko raw nakakaya lahat. Yun yun, e. Parang yungkabuuan.

"Pag-uwi ko,nandiyang tuturuan ko ng assignment yung anak ko. Magkasama kaming nanonood ngTV. Kakain kami kung ano ang gusto namin. Lalaro, magsu-swimming kami. Si Lucky,nandiyan lagi. Walang araw basta pagkagaling ko ng opisina, paglabas ko nito [office],ko-call na ako, ‘Anak, where are you? Anong gimik mo? Do you have work today?'Every day ‘yan, twice a day. One checking in the morning and one after my work,I double check my children," pagtatapos ni Governor Vi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN