"Entertainment Live!" offers exclusive interviews on its first anniversary

(Top) Luis Manzano interviews rumored girlfriend Angel Locsin; (bottom) Mariel Rodriguez gets an exclusive interview with her idol Claudine Barretto.



Everything is set para sa bonggang first anniversarypresentation ng Saturday showbiz-oriented talk sa ABS-CBN hosted by ToniGonzaga, Mariel Rodriguez, Bianca Gonzalez, and Luis Manzano, ang EntertainmentLive! Umuusok ang mga magaganap na harapan ng mga artistang nagkaroon ngkontrobersiya at isyu sa mga host ng Entertainment Live! ngayong Sabado, August16, pagkatapos ng Wowowee.

For the first time, maghaharap ang iniintriga noon na sinaBianca at KC Concepcion sa Entertainment Live! Matatandaan na nagkaroon ng isyubetween Bianca and KC dahil sa pagkaka-link nila pareho sa direktor na si LinoCayetano.

Dalawang Sabado na ang nakararaan, nakunan ng pahayag si KCsa pagpayag niya na ma-interview ni Bianca. Naganap ang pahayag na ito ni KC sapresscon ng movie nila ni Richard Gutierrez na For The First Time ng StarCinema. And from Bianca, ni-reveal naman niya ang kauna-unahan nilangpaghaharap ni KC sa isang hindi sinasadyang pagkikita, kasama ang magkasintahangRyan Agoncillo at Judy Ann Santos.

May one-one interview naman si Mariel sa kanyang paboritong aktres na siClaudine Barretto. Ito rin ang kauna-unahang appearance ni Claudine sa isangshowbiz-oriented talk show pagkatapos sumabog ang kontrobersiya sa kanilani Angel Locsin.

And speaking of Angel, ibubulgar naman ng co-host ngEntertainment Live! na si Luis Manzano sa una nilang paghaharap ang mga sikretong young actress. Ito rin ang unang pagkakataon na mapapanood na magkasama angnababalitang magkasintahan na sina Angel at Luis sa isang programa. Bukod sa mgasikreto ni Angel, abangan din ang iba pang rebelasyon sa kanila ni Luis.

Maghaharap din sa unang pagkakataon ang dalawang babaengnagkaroon ng ugnayan sa Fil-Am actor na si Sam Milby na sina Anne Curtis atEntertainment Live! host na si Toni. Ito ang kauna-unahang engkuwentrongmagaganap sa ex at current special someone ni Sam sa isang mainit na tsikahan.

Darating din ang Asia's Nightingale na si Lani Misalucha safirst anniversary celebration ng Entertainment Live! First time niyang uupo atmagigisa sa mga isyu ng live sa pang-Sabadong showbiz-oriented talk show ngABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa lahat ng nabanggit, inaasahan din angpagdating ng maraming Kapamilya stars at iba pang mga sorpresa sa unang anibersaryong Entertainment Live!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN