Billy Crawford too busy to get into a relationship

Billy Crawford says he can't get into arelationship yet because he will be busy flying in and out of the countryto finish his album in the U.S.and attending to his commitments here.



Eksakto ang paglabas ni Billy Crawford saGrams restaurant sa ABS-CBN loop last night para magsigarilyo pagkataposmag-dinner, kasama ng kapwa niyang host sa PinoyDream Academy at nali-link sa kanya ngayon na si Nikki Gil. Kasama ringnag-dinner nina Billy at Nikki si Luis Manzano at iba pang production people ngABS-CBN.

"Hindi kami magkasama [ni Nikki]. I camefrom hosting the showbiz segment on ‘TV Patrol.' Wala kasi ang star patrollernila, si Phoemela [Baranda]. Then, galing naman sila [Luis and Nikki] sa MYX,"esplika ni Billy sa amin.

Siya na ba gabi-gabi ang magho-host ng"Star Patrol" segment ng TV Patrol World?

"Ah, no," tanggi ni Billy. "Just tonightand I don't think I can do it again."

NOGIRLFRIEND FOR NOW. Kumusta sila ni Nikki?

"We're friends, just like what I saidbefore. And I think it will be hard for me to have a relationship right now,"lahad ni Billy.

Most of the time daw kasi ay palipat-lipatsiya ng bansang pinupuntahan. Gayana lang sa susunod na buwan, babalik na siya sa U.S. para ipagpatuloy angpaggawa ng kanyang album. Although, susubukan daw niyang magpaalam kung puwedesiyang makabalik ng Pilipinas every two months.

Kinumpirma rin ni Billy na matagal nasiyang walang girlfriend. The last time he had a girlfriend ay nung nasaStates pa siya. When he came home to the Philippines,he just got off from a breakup sa kanyang girlfriend sa U.S.

"No third party involved," sabi ni Billy sadahilan ng breakup nila.

Nagulat kami nung sinabi ni Billy na angdahilan ng breakup nila nung last girlfriend niya sa U.S. ay nung nalaman niya na yunggirl ay natulog na katabi ang dalawang male dancers.

DADDY'SCANCER. Nabanggit din ni Billy na babalik nang Pilipinas ang kanyang ama na naka-base sa Texas. Malungkot na kinuwento ni Billyna may cancer sa lalamunan ang kanyang daddy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naoperahan na siya dati pero bumalik,e," malungkot na sabi ni Billy.

Dito na raw sa Pilipinas magpapagaling angkanyang daddy para makasama ng kapatid ni Billy. Mag-isa lang daw kasi sa Texas ang daddy niya andit's not good na walang titingin sa kanya doon. Billy's dad is 71 yearsold.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN