Three months after giving birth, Viva Hot Babe Sheree is back to her sexy form

"Siyempre po, mas nabago na ang katawan ko. As indati, wala akong puwet at balakang. Ngayon, lumaki ang puwet ko at nagkaroonako ng balakang! Parang mas nagkaroon nga ng shape o mas naging proportion angbody ko, e. At saka mas lumaki yung boobs ko, ha-ha-ha-ha!" Sheree boasts.



Three months after giving birth, mas lalong naging sexy ngayon ang dating Viva HotBabe na si Sheree. Nakapanayam siya ngPEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, August 15, sa Celebrity Night ngNational Press Club sa Intramuros, Manila at masayang ibinalita ng morenangsexy star na back to normal ulit siya.

SHE'S BACK. Maraming nakaline-up na trabaho si Sheree, kabilangdito ang isang indie film, ang paglabas niya sa FHM this September, ang pagkakaroon ng bagong album at ang pagigingbahagi ng cast ng Codename: Asero napinagbibidahan ni Richard Gutierrez.



"Yung indie film, ang title Puntod.Pero hindi ko pa actually alam kung sino ang kasama ko rito. Ang alam ko lang,bata siya. So, tomorrow ko pa malalaman iyon, ang director namin ay yungdirektor ng Banal, si Direk CesarApolinario.



"Tapos kasali rin ako sa Asero. Akosi Malta rito, isa ako sa agent na, kung iyong iba ay ‘HD' [hidden desire] nilasi Richard, ako ipinapakita ko talaga na gusto ko siya na garapalan talaga.Magkakampi kami ni Richard ngayong robot na siya, pero hindi ko alam kung sabandang huli ay ganoon pa rin.



"Then, may gagawin din akong album, pero under negotiations pa, pero baka saSony-BMG. At saka lalabas ako next month sa FHM,so three months after kong manganak, balik na ulit ako," nakangiting panimulani Sheree.



"Nagpapasalamat din ako sa GMA-7, very thankful ako sa Kapuso Network dahil sila‘yung nagbigay sa akin ng chance para makabalik agad ako. Kaya tinatanaw kotalagang malaking utang na loob iyon," dagdag pa niya.



Inusisa ng PEP kung paano niya nagawang maging sexy ulit sa loob lang ng maigsingpanahon matapos niyang isilang ang love child nila ni Gian Magdangal na si GianHaley.



"Hindi ko alam e, ano ba ang ginawa ko? Kain lang naman ako nang kain e, sigurolang ay nasa metabolism ko rin e, mabilis lang siguro yung metabolism ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, kailangan lang ng galaw nang galaw, e, at saka nasa Shall We Dance [program ni Lucy Torressa TV5] kasi ako, kaya medyo nae-exercise rin kahit paano. Ang partner ko roonay si Kiko ng Maneuvers."



PREGNANCY BLUES. Inamin din niSheree na nagkaroon siya ng depression nang nalamang buntis siya noon.



"Ay oo, siyempre na-depressed-depressed din ako at pumasok talaga sa isip ko nakatapusan na yun ng career ko. Parang sabi ko sa sarili ko, ‘Wala na, tapos naito.' Kaya nga hindi rin agad naminsinabi ni Gian sa publiko nang nalaman naming buntis ako, kasi iniwasan naminyung mga negative write-ups, which islumabas talaga nang nabuntis ako, na ganoon nga raw, tapos na ang career ko.Kaya actually, na-depressed ako noon e. Pero sabi ko naman, si Lord, hindinaman niya nakakalimutan... na talagang God will always make a way naman, e.



"So, masaya naman ako pagkatapos kong manganak. Bumalik na agad yung katawanko, two days after nga. Ang talagang una kong tiningnan ay yung tiyan ko. Mabutiat walang stretch mark at two days after, as in nag-flat din agad siya.



"And bago ako nagbuntis, 22 ang waistline ko e, ngayon 24 na, medyo lumaki siya.Pero natakot talaga ako, kasi yun talaga ang worries ko after I gave birth,kaya nang nakakatayo na ako, dumiretso talaga ako sa salamin, yun agad angpinuntahan ko para matignan ko kung okey pa ba ang katawan ko, ha-ha-ha-ha!,"nakatawang esplika pa niya.



CHANGES IN HER BODY. Idinagdag pa niSheree na ang pagbabago sa katawan niya after giving birth ay mas paborablepara sa kanya.



"Siyempre po, mas nabago na ang katawan ko. As in dati, wala akong puwet at balakang. Ngayon, lumaki ang puwet ko at nagkaroon ako ng balakang. Kaya mas thankfulako ngayon dahil yung mga insecurities ko before, like, sabi ko nga, ‘Shit, walaakong puwet.' Pero ngayon, may puwet naako, may balakang na rin. Parang mas nagkaroon nga ng shape o mas nagingproportion ang body ko, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka mas lumaki yung boobs ko, ha-ha-ha-ha! Umabot pa nga ng 36 inchesdahil panandalian akong nag-breast feed, e.



"Kaya no regrets, dahil talagang sobrang happy ako ngayon sa pagiging mommy ko.Happy ako ngayon sa career ko and at the same time ay haping-happy ako sa babyko and happy pa ako sa daddy niya," nakatawang wika pa ng morenang aktres.



Kasal na ba sila ni Gian?



"Hindi pa po, pero may plano na kami. Bale, mag-iipon muna kami,para talagangbongga yung wedding, hindi ba? Ha-ha-ha-ha!"



This year kaya o next year pa?

"Kasi, yung mommy ko hindi pa rin makauwi ngPilipinas, nasa States siya. So, hihintayin ko muna na makauwi siya, dahil sabiniya sa akin, huwag muna akong magpapakasal hangga't hindi pa siya nakakauwi. So, hopefully kung makakauwi na ang mom ko,baka next year kami magpakasal ni Gian."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN