Sandara Park returns to Korea without seeing ex-boyfriend Joseph Bitangcol

The"Pambansang Krung Krung ng Pilipinas" flew back to Korea last Tuesday, August 12. Sandara Park says she'll comeback again to the Philippines when she already has her own Koreanovela.



Nakabalik na sa Korea ang tinaguriang "Pambansang Krung Krung ng Pilipinas" na si Sandara Park.Inihatid si Sandara sa airport nung Tuesday, August 12, ng ilang malalapit nakaibigang artista at mga dating kasamahan sa ABS-CBN Star Magic.

Dumatingng Pilipinas si Sandara last week. Nang malaman ng ABS-CBN ang kanyangpagdating ay agad na pinag-guest siya sa ASAP '08 at The Buzz last Sunday.

"Kasisummer vacation ngayon sa Korea. Nung Wednesday night, sabi ng mga kasamako aalis daw silang lahat, vacation. Sila yung mga kasama kong trainees. Imean, yung mga nagwo-workshop. Kasi, di ba, lahat sila aalis? So, nainggitnaman ako. Naisip ko, 'Aalis din kaya ako?'



"So, the next day, Thursday night, nandito na ako. Kasi ito lang yungchance na makakaalis ako kasi wala kaming vacation," kuwento niSandara sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



HOW IT WORKS IN KOREA. Nakakontratasi Sandara sa YG Talent Agency sa Korea for four years. Mag-iisang taon na rawsi Sandara ng training with the agency and it's up to them kung anong proyektoang tatanggapin nila para sa kanya.



"Umuuwi kami after classes, after workshop. Isa siyang pinakamalaking ‘chuva'company sa Korea. So, na-train nila kami. Iniisip nila, okey na ako i-launch.Ilu-launch ako agad. Pinipili pa namin ang magandang role. May offer peroinisiip naming baka mas maganda kung next year. Marami kaming plans."

Hindiba siya naiinip na magkaroon ng career doon?

"Hindi.Nag-e-enyoy ako na normal na tao [doon]."

Mayidea ba siya kung anu-ano ang mga offers sa kanya doon?



"Nobody knows. Hindi ko rin alam, kasi baka bigla-bigla na lang. Ganunnaman ang showbiz."

Whatabout endorsements?

"Wala pa. Kasi ang system sa Korea, bago ka i-launch, mga four years natraining. Ganun talaga."

Bago dumating sa Pilipinas si Sandara ay tinext na niya ang dati niyang handlersa Star Magic na si Ana upang sunduin siya sa airport. Kinabukasan aynag-videoke sila ng ilang showbiz friends niya at dating ka-batch sa Star Circle Quest na sina Melissa Ricks at Joross Gamboa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHAT ABOUTJOSEPH?Sa limang araw na pamamalagi ni Sandara sa Pilipinas, nakitulog siya sa bahayng kanyang mga showbiz friends including Melissa. Pero dumating at umalis siSandara, ni wala sa plano niya ang makipagkita sa ex-boyfriend na si Joseph Bitangcol.

"Ah,kahit hindi na," sabi ni Sandara sa posibilidad na magkita sila ni Joseph.

Noonghuli naming nakausap si Joseph nabanggit niya na nag-i-e-mail pa sila niSandara. Pero after a while, naputol din daw ang pagpapadalahan nila ng e-mail.

"Hindi koalam kasi matagal nang walang communication. Kasi parang once or twice langkami nag-e-mail dati. So, baka hindi na kami close!" natatawang pahayag niSandara.

Awareba siya na may dini-date rin si Joseph na isang Koreana rin?

"Huh!Ganun? Baka naghahanap siya ng Koreana."

Bakitniya nasabi yun?

"Sigurona-miss lang niya ang kimchi!" biro ni Sandara.

Nasaanna si Joseph sa puso niya ngayon?

"Ah,baka nandito na siya," sabay turo ni Sandara sa kanyang paa. "Ang tagal nakasi. Madali rin kasi akong naka-move on."

Kailansiya babalik muli ng Pilipinas?

"Kapagmay Koreanovela na ako para pagbalik ko ng Pilipinas, bongga!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN