"Pinoy Idol" Top 3 finalists give their greatest performances at the final showdown

(From left) Gretchen Espina, Ram Chaves, and Jayann Bautista perform for the last time to determine who will get the title of the first-ever Pinoy Idol.



As early as 12 noon kanina, August 16, sa SMX ConventionCenter ng SM Mall of Asia, both sides ng venue ay puno na ng pila ng mgafans na manonood sa Final Showdown ng Pinoy Idol.

Halos napuno ang venue that can accommodate as many as 8,000 people. Pero may mgaarea na kailangang iwasan ang mga camera at nag-set pa ng stage na doonnag-perform ang mga guest bands, plus the stage for the three judges na sinaOgie Alcasid, Jolina Magdangal, and Wyngard Tracy.

Maganda ang opening number na "Salamat Musika" nakinanta ng Final 3 na sina Jayann Bautista, GretchenEspina, at Ram Chaves. Kasama rin nila ang iba pang 12 finalists na sina DarylCelis, Kid Camaya, Warren Antig, Penelope, Toffer Rei, Sue Ellen, RobbyNavarro, Mae Flores, and Jeni Rawolle, with the UP Manila Chorale atMagnificat Chorale.

Kinatawan ni Jayann ang Central Luzon, si Gretchen angEastern Visayas, at si Ram ang Mindanao.

Ipinahayag ng Pinoy Idol host na si Raymond Gutierrez kung paano maglalaban-laban ang Final3. Three rounds ang pagkanta nila; first round ay Judges' choice, second rounday Mentors' choice, at third round ay song of their choice.

Bago nagsimulang kumanta ang Final 3, ipinakita muna anghomecoming nila sa kani-kanilang bayan kung saan in-announce kung ano ang mgakantang pinili para sa kanila ng mga judges.

Si Jayann ang unang kumanta sa first round na pinili para sa kanya ni Wyngard, ang "I'll Never Love This WayAgain." Pinili naman ni Ogie para kay Ram ang "Bridge OverTroubled Water," at "For Your Eyes Only" ang pinili ni Jolina forGretchen.

Intermission ang pagkanta ni BasilValdez ng "Let The Pain Remain" with Gretchen, Ram, andJayann.

Sa second round, ang piniling mentor ni Ram ay si Jaya naang pinakanta sa kanya ay "I Don't Wanna Miss A Thing." Si Regine Velasquez naman ang favorite mentor ni Jayann naang pinakanta sa kanya ay "You'll Never Walk Alone," na winning songdin noon ni Regine sa isang international singing competition. Si Jaya rinang favorite mentor ni Gretchen at ang pinakanta sa kanya ay "Stand Up ForLove."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napakaganda naman ng rendition ni Regine Velasquez kasama sinaJayann, Gretchen, at Ram ng "Go the Distance" at hindi napigilan niOgie na bigyan ng standing ovation ang kanyang lady love.

Sa next intermission number, sunud-sunod namang nagparinigng kani-kanilang songs ang South Border, Itchyworms,Freestyle, at Cueshe.

Sa third round, kinanta ni Gretchen ang pinili niyang songna "Ngayon" with the UP Chorus Chorale.

Habang nagsi-set up ang banda na makakasama ni Ram,off-camera ay tinanong muna ni Raymond and his co-hosts Karylle and Rhian Ramos ang mga judges kung ano ang masasabi nila,in general, sa performance ng Final 3.

Ayon kay Ogie, much better daw ang performance nila ngayon,hindi tulad noong last week na bitin ang pagkanta ng Final 5 na parang hindisila lumalaban sa competition. Kay Jolina, nararamdaman na raw niya na maycompetition na, naroon na lahat ang mga hinahanap niyang paglaban ng bawat isasince day one. Nag-react ang audience nang sabihin ni Wyngard na"hindi sila magaling," at nagpalakpakan sila nang sundan niya ito ng "dahil saksakan sila ng galing, we were impressed!"

Bitin naman sa audience nang kumanta na si Ram ng piniliniyang "Handog," sana raw ay tinapos nito ang kanta.

Bigay-todo naman si Jayann sa pagkanta ng pinili niyang songna "Proud Mary" at sumayaw pa siya with the Speed Dancers.

Pagkatapos ng performances ay nagbigay na ng kanilang comments ang judges, na sana ay i-consider ng text voters.

Si Jayann ang binigyan ng comment ni Wyngard: "Si Ogie,gandang-ganda sa iyo Jayann, ibubuko ko na siya. Sabi ni Jolina,napaka-powerful ng boses mo. Sa first two songs mo, flat ang pasok mo, Ithink you're very nervous or uneasy. But sa third song, sa ‘Proud Mary,' youprove you're not only a good singer but also a good performer."

Si Jolina ang nagbigay ng comment kay Ram: "Yung firstsong mo, sabi namin ni Ogie suwabeng-suwabe mong nagawa. Yung second song,rock version ito pero puwede mo palang gawing ballad, rock pero hindi maingay.Yung third, maganda. Para sa amin ni Ogie, you did a good job. Pero sabini Wyngard, nag-expect pa siya ng mas maganda mong gagawin. Peronakakadala ka pala ng audience, very good job."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ogie ang nagbigay ng komento kay Gretchen:"Gretchen, sabi ni Jolina, iba ang aura mo ngayong gabi; sabi ni Wyngard,you're a revelation. Last week, I was disappointed with your performancebecause I felt you're too emotional. But tonight, you really sang, you did agood performance, you're a champion. Karapat-dapat na nandiyan ka."

Tomorrow, August 17, after Kap'sAmazing Stories, mapapanood na ang Final Results Night, sa SMXConvention Center pa rin. Pero magsisimula na ang countdown sa SOP dahillive na sasamahan doon si Raymond nina Heart Evangelista,Dennis Trillo, at GianMagdangal. May live feed din sila sa ShowbizCentral para malaman ang mga kaganapan doon.

Mga guest performers tomorrow sina Hajii Alejandro, VernieVarga, Jett Pangan, LukeMijares, Duncan Ramos, Callalily, at Rivermaya.

Sino kaya ang tatanghaling first Pinoy Idol kina Jayann, Ram,at Gretchen?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN