Star Cinema interested in doing Richard Gomez-Sharon Cuneta movie

"Wala pang formal negotation between StarCinema and Douglas [Quijano, his manager]. pero, most likely, kung magsasamakami ni Sharon sa pelikula, it will be with Star Cinema. Sa GMA Films kasi,hindi ko alam kung ano ang priority nila roon," says Richard Gomez.


Kitang-kita ang suporta ni Richard Gomez kay PioloPascual bilang endorser ng Pure Passion, ang male scent naisinunod sa pangalan ng huli. Obviously, dahil produkto ito ng Bench naitinuturing ni Richard na pamilya na niya.

Sa Music Hall ng SM Mall of Asia, Manila, kagabi,August 16, hindi inaksaya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) angpagkakataon na lapitan si Goma para sa isang panayam.

"I consider Piolo as part of the family. Wala namang problema sa akin, kasi, Bench 'yan. We'renot just working for Bench, kasama kami sa isang malaking pamilya. Kaya dapat,hindi na iniisip yung sarili lang kapakanan.

"I'm here to support all of them. Maski sina Dingdong Dantes at RichardGutierrez, kahit sino sa kanila ang mayroong ganitong event, kungwelcome ang presence ko, why not? Pupunta at pupunta ako," nangingitingsabi pa ng aktor.

Lumabas ang isyung hindi na raw matutuloy angpag-pull out ni Richard Gutierrez as a Bench endorser, bunga ng insidentengnagmula sa Bench Blackout show saAraneta noong nakaraang buwan.

"Ang stand ko pa rin diyan, yung pabayaan nalang natin sila ang mag-solve niyan. Let Annabelle [Rama] and Ben [Chan] settlewhatever there is to settle. Yeah, it's true. I told Richard to talk to his momregarding the issue.

"Ang concern ko kasi, yung sa Bench mismo. Walaakong intention na makialam. I know Annabelle, mabait naman 'yan, kaya lang,naging emotional. Kaya kung may lumabas mang issue that Richard is staying withBench, hindi na ako magtataka dahil kailangan lang talaga riyan, mag-usap-usapsila at hindi dapat magpadala sa intriga," sabi pa ni Richard.

ENJOYINGCHARACTER ROLES. Sa totoo lang, secure na secure angtayo ng aktor, na wala nang dapat pang patunayan. Ni hindi ngasiya bothered sa sinasabing banta ng mga kabataang artistang na nagigingkontrobersyal para maapektuhan ang posisyon niya o showbiz status.

"Wala na sa akin 'yan, kasi, ini-enjoy ko nalang yung hard work na ginugol ko all through the years. Ito na yung balik saakin. Sila naman ang kailangang magtrabaho nang husto para tumagal din sila sabusiness na ito, at patuloy na mag-survive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kailangan kasi ng maturity para harapin angganyang mga bagay. Ang sa akin lang, sa mga nagawa ko na, sa mga na-achieve kokahit paano, I should be secure na sa ngayon, palagay ko, hindi naman ako bastamaitutumba lang," pagtatapat ni Goma.

Kaya kahit nga sinasabing sumusuporta na lang siyasa mga gaya nina Dingdong at Richard, na lumalabas pa siyang ama ng mga ito samga teleserye, walang pag-iinarte sa sistema ni Goma.

"Kasi, trabaho 'yan. As an actor, hindi namanpuwedeng palaging leading man ang roles ko. I should do character roles. Likeright now, enjoy akong gawin yung role ko sa Codename: Asero, at walang masama kung mag-supporting ako roon.

"May pagkakataon na babalik uli ako sapagbibida, depende na lang sa project. Sa rami ng papel na bidang nagawa ko na,nagugustuhan ko ring mag-tackle ng character or villain roles, na I findchallenging din naman," nangingiting sabi pa ng aktor.

GOMA-SHARONMOVIE SOON? Interesadouli ang Star Cinema sa kanila ni Sharon Cunetapara pagtambalin sa isang project. Saksi ang jampacked crowds sa AranetaColiseum noong gabi ng Megathirtyconcert ni Shawie sa pagkakagulo pa rin ng fans ng kanilang tambalan nangumakyat si Goma sa stage to join his former girlfriend.

"Hiyang-hiya nga ako dahil naroon pa si Kiko[Senator Francis Pangilinan]," sabi pa ni Goma. "Wala naman sigurong masama. Pero, happy ako sareaction ng mga tao. That only means na hanggang ngayon, marami pa rin kamingnapapaligaya ni Sharon.

"Wala pang formal negotation between StarCinema and Douglas [Quijano, his manager]. pero, most likely, kung magsasamakami ni Sharon sa pelikula, it will be with Star Cinema. Sa GMA Films kasi,hindi ko alam kung ano ang priority nila roon," sabi ni Goma.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN