"Pinoy Idol" winner Gretchen Espina: "Sisikapin ko pong maging karapat-dapat."

"In a way po, I'm ready nang tumanggap ng criticismsdahil I belong to a political family at marami na po talagang intriga. Peroaaminin ko po, I'm still learning pero kakayanin ko po," says Pinoy Idol winner Gretchen Espina.


Husky na ang boses ng first PinoyIdol champion na si Gretchen Espina nang makausap siya ng PEP(Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Grand Results Night kagabi,August 17, sa SMX Convention Center ng SM Mall of Asia. Medyo paos ang boses ni Gretchen noong humarap sa entertainment press, marahil ay dahil sa puyat at sobrang excitement na dulot ng kanyang pagkapanalo.

Ano ang first reaction niya nang marinig niyang ang pangalanniya ang tinawag ng host na si Raymond Gutierrez,matapos ibigay ng representative ng SGV accounting firm ang result ng textvoting, bilang first Pinoy Idol?

"Nanginig po ang mga tuhod ko kahit alam ko namang isasa amin ni Jayann [Bautista] ang mananalo," sabi niGretchen. "Siguro po dahil na rin sa halos wala akong tulog beforethe final night last Saturday, hanggang kagabi. Halos two hours lang po akongnakatulog sa pagre-rehearse ng mga kakantahin ko. Limitado rin ang pagkain kodahil ayokong mag-gain ng weight.

"Itinuring ko pong hell week sa akin ang linggong ito. Hindirin po ako naging kampante noong final night. Pero sabi ko sa sarili ko, dapatmaging galing sa puso ang performance ko, wala na akong restrictions sa sariliko kung ano ang gagawin, wala nang dapat hiya-hiya. Ibinigay ko na ang lahat ngkaya ko. Kaya wala na nga po akong nasabi kundi ang pasasalamat sa Diyosat sa lahat ng mga sumuporta sa akin."

Ngayong siya na ang grand champion, handa na ba siyangpumasok sa showbiz at sa pagdating ng intriga sa kanya?

"In a way po, I'm ready nang tumanggap ng criticismsdahil I belong to a political family at marami na po talagang intriga. Peroaaminin ko po, I'm still learning pero kakayanin ko po," pahayag ni Gretchen.

Heto na ang first intriga. Nang siya ang i-announce nawinner, mas malakas pa ang pagtsa-chant ng mga supporters ni Jayann kesareaction ng mga supporters niya. Ano ang masasabi niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May kanya-kanya naman po kaming supporters," sagotni Gretchen. "Nagpapasalamat po ako sa mga taga-Biliran [Eastern Leyte] dahil alamkong sinuportahan nila ako, based na rin po sa warm welcome nila sa akin nangmagkaroon ako ng homecoming during the competition. Gusto ko na rin posanang makauwi agad sa Biliran para personal silang pasalamatan, pero marami papo akong dapat gawin dito."

Paano kung hindi siya ang nanalo kundi si Jayann?

"Kung hindi po ako ang nanalo, yun lang pongnakarating ako hanggang sa finals, sapat na po ‘yon sa akin."

Biro kay Gretchen, ano naman ang gagawin niya sa mga premyoniya na umabot ng P5.7 million, lalo na yung cash prize na P1 million tax-free,ganung mayaman naman na sila?

"Hindi ko pa po pinag-iisipan kung ano ang gagawin kosa cash prize," aniya. "Pero nag-usap po kami nina Jayann at Ram [Chaves], na kung sinoman ang mananalo sa aming tatlo, magbibigay kami ng tigwa-one hundred thousandsa hindi mananalo. Kaya kapag natanggap ko na po ang cash prize ko,bibigyan ko sina Jayann at Ram ng tigwa-one hundred thousand."

Almost eight months tumagal ang competition, since auditionday niya. Ano ang mga natutunan niya?

"It has been a battle, a journey, may saya, may lungkot,pero ang dami ko pong natutunan. Every time na aakyat ako sa stage, naroonang nerbiyos. Kapag tumanggap ako ng magandang comment from the judges,nagpapasalamat ako. Kapag hindi maganda ang comment nila, tinatanong ko angsarili ko kung ano ang dapat kong gawin. But I took it as a challengelagi.

"Natutunan ko rin ang pakikisama sa kanila nang mag-stay napo kaming Top 24 sa Linden Suites. Wala pong naging pasaway sa amin. Kung meronman, yung pagkalungkot tuwing may mababawas sa amin. Kung mayroon man pongmedyo nag-tantrums, tanggap po naming lahat ‘yon. Pero pagkatapos, bonding parin kami. Kaya nga po isa sa gusto kong gawin pagkatapos nito, muli kamingmagkasama-samang lahat na 24. Magsi-set po ako ng isang araw namagba-bonding kaming lahat," lahad ni Gretchen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bata pa lamang si Gretchen, hilig na raw niya talagangkumanta at umarte. At 20, she's taking up European Studies in UP Diliman.Naging member din siya ng UP Singing Ambassadors. Ni-represent na rin niya angUP sa isang English singing competition in Central China na ipinanalo niya ngfirst prize ang songs niyang "Hero" at "Run To You."

Ngayong tapos na ang competition, ano ang gusto niyang gawinbilang first Pinoy Idol?

"Alam ko pong napakalaking pressure sa akin ang titlena ito, pero sisikapin ko pong maging karapat-dapat, someone na iidolohintalaga ng mga tao," sagot niya.

Ano naman ang unang-una niyang gagawin pag-uwi niya ngbahay?

"Matutulog po ako maghapon at kakain ngmaraming-marami!" natatawang wika ni Gretchen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN