Ex-lovers LJ Reyes and Alfred Vargas work together again in GMA-7's "Una Kang Naging Akin"

LJ Reyes and Alfred Vargas work againtogether in the new GMA-7 Dramarama sa Hapon show Una Kang Naging Akin. "Masarap siyang katrabaho. Magaling siya atmaganda yung una naming eksena," says Alfred of LJ. "Ang taray!Nakaka-pressure!" LJ reacts to Alfred's praise.



After na mag-break nina Alfred Vargas at LJ Reyes,muling magkakasama ang dalawa sa panibagong project sa GMA-7, ang Dramarama saHapon show na Una Kang Naging Akin.Kung inaakala nga raw na magiging matensiyon ang unang araw ng taping ngdalawa, nakuhanan ito ng Showbiz Centralthat they get along just fine.

"Okey naman, noong unang ini-offer sa akin angproject, tinanggap ko naman. Unang-una, hindi naman siya pasaway. In short, masarapnaman siyang kasama, ever since," simulang pahayag ni Alfred.

Ayon kay LJ, wala naman daw silang na-feel natension or anything. Sey rin ni Alfred, "Actually, after ng first scene namin,talagang masarap siyang katrabaho. Magaling siya at maganda yung una namingeksena, kaya dapat abangan nila."

Natawa si LJ at nakapagsalitang, "Ang taray!Nakaka-pressure!"

Pero follow-up naman niya, "Pressure talaga, kasimagaling na director si Direk Joel Lamangan. So, kunwari, may eksena, lalo nakung mabigat, nakakakaba kasi, hindi mo alam kung nasa-satisfy mo ba siya orhindi."

Sabi rin ni Alfred, isa sa malaking dahilan din talaga ang director nila kung bakit niya tinanggap ang project.

"Isa sa mga main reasons kung bakit ko tinanggapang project na ito. Gusto kong maidirek tayo ni Direk Joel para lalo pa kongmahasa bilang isang actor."

At kahit nasa panibagong relasyon na nga raw si LJsa apo ni Henry Sy na si Herson Sy, hindi naman naging balakid satrabaho ni LJ ang muling team-up with her ex-boyfriend.

"Hindi naman sa pagpapaalam. Siguro, sinabi ko sakanya na makakatrabaho ko si Alfred. At saka, understanding at supportivenaman ang boyfriend ko, kaya okey lang sa kanya," tahasan ngang pahayag ni LJ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN