Dingdong Dantes and Marian Rivera off to New Jersey for GMA Pinoy TV event

Dingdong Dantes and Marian Rivera went toNew Jersey, U.S.A., for a GMA Pinoy TV event. Upon their return thisweek, they will start rehearsing for their Let'sCelebrate, The Dingdong & Marian Birthday Blow-out free show in AranetaColiseum on August 27.



Nakuhanan ng Showbiz Central nang umalis patungong New Jersey ang pinakasikat nalove team ng GMA-7 na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong Biyernes,August 15, ng umaga para sa activity roon for GMA Pinoy TV. Nakatakdang bumalik sila ngayong linggong para naman harapin ang paghahanda for theirbirthday show sa Araneta Coliseum on August 27.

Bagama't iniintriga ang pagkakasabay ngkanilang show sa Araneta at ang first-dayshowing naman ng Star Cinema movie na nagtatampok kina Richard Gutierrez at KCConcepcion na For The First Time,halatang masaya ang dalawa sa importansiyang ibinibigay sa kanila ng GMA-7.

Ayon kay Dingdong, ang free show naman nilani Marian sa Araneta Coliseum ay ang paraan ng pasasalamat nilang dalawa dahilsa patuloy na suportang ibinibigay sa kanila ni Marian, simula pa noong Marimar at hanggang ngayon sa Dyesebel.

"Hindi naman siya drama. Hindi siyanarrative. Kumbaga, isa lang siyang celebration. Isang hapi-hapi. Parang it's asort of mini-concert," pahayag nga ni Dingdong.

Kuwento naman ni Marian, hindi pa raw siyamasyadong nakakapag-prepare for their show dahil sa hectic ng schedule niya.Kailan lang kasi ay umalis naman siya for Australiaat halos kadarating lang din nang umalis naman silang dalawa ni Dong for New Jersey nga.

"Actually, si Dong yata nakapag-rehearsena, pero ako, hindi pa. Pero excited ako kasi free yun para sa mga Kapuso natinna nagmamahal sa amin. At bukod sa amin ni Dong, marami pang artista ang daratingpara paligayahin kayo," ang nakangiti at masayang pahayag ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN