Kid Camaya not giving up on his dream to become a singer even after "Pinoy Idol"

"My dream doesn't end here in Pinoy Idol," ngiti pa ni Kid. "Sanay naman na ako sa mga ganitongsitwasyon. I experienced getting rejected and not winning. Hindi na bago parasa akin ito. I'm just happy na umabot pa ako sa Top 5. Pinakamalaking achievementna iyon para sa akin," says Kid Camaya.



Nagtapos na ang unang season ng Pinoy Idol at na-declare na angtaga-Biliran na si Gretchen Espina (daughter of Governor Roger Espina) bilangkauna-unahang Pinoy Idol GrandChampion. Ang first runner-up niya ay si Jayann Bautista of Pampanga.

Natapos man ang naturang competition, hindi pa rawito tapos para sa isa sa naging Top 5 finalists na si Kid Camaya ng Pampanga.Sa naging panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Kid after nggrand finals night na ginanap sa SMX Convention Center sa SM Mall Of Asia,kahapon, August 17, sinabi nito na hindi raw magiging hadlang ang hindi niyapagkakapasok sa Top 3 para hindi niya i-pursue ang kanyang dream na magingisang singer.

Sabi nga ng dating assistant bank manager ay patuloysiyang makikipagsapalaran sa larangan ng pag-awit hanggang sa marating niya angmatagal na niyang pinapangarap.

"My dream doesn't end here in Pinoy Idol," ngiti ni Kid. "Sanay naman na ako sa mga ganitongsitwasyon. I experienced getting rejected and not winning. Hindi na bago parasa akin ito. I'm just happy na umabot pa ako sa Top 5. Pinakamalakingachievement na 'yon para sa akin."

Noong ma-eliminate si Kid a week ago, inaminniyang umasa siya na mapasama sa Top 3 finalists. Pero at the same time aynatuwa siya dahil deserving naman daw sina Gretchen Espina, Jayann Bautista, atRam Chaves to be the in the Top 3.

"They deserve to be there. Lahat sila naging closesa akin at kung ako naman din ang magiging text voter, I would give my votes sakanilang tatlo. Sinabi ko nga whoever wins sa kanilang tatlo sa grand finalsnight, walang kuwestiyon kasi lahat sila deserving na manalo."

MISSING THE OTHER GUYS. Mami-miss ni Kid ang masayang samahan nilangmga Pinoy Idol finalists. Maganda rawkasi ang naging bonding nila sa ilang weeks na pagsasama nila sa iisangtirahan.

"Lahat naman kaming mga nakapasok sa Pinoy Idol, we have fond memories of thecompetition. Yung bonding namin ang mami-miss ko kasi bago kami mag-perform andbefore elimination, nag-uusap kami. Kapag may na-eliminate, pare-pareho kamingmalulungkot kasi nga nabawasan na kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Walang naging problema sa amin during the manyweeks na magkasama kami. Kung may problema man, minor lang kasi iba-iba angugali namin talaga. But we try to adjust and make the most of it habangmagkakasama kami."

TALENTED GRETCHEN. Ngayong declared first Pinoy Idol winner si Gretchen, ano ang masasabi ni Kid sa negative reaction ng marami, na idinaan daw sa yaman ang pagkapanalonito.

"Like what I said, kung sino ang manalo kinaGretchen, Jayann, at Ram, no question dahil pare-pareho silang magagaling. Itjust so happened na si Gretchen ang mapalad and she's very talented. Huwag nalang natin tingnan ang family background niya, and focus on her talent. Magalingsiya talaga."

PAMPANGA-BOUND. Ano ang next step na gagawin ni Kid ngayong taposna ang competition?

"Gusto ko munang umuwi sa Pampanga at magbakasyon,"ngiti niya. "Gusto kong magpapayat kasi tumaba ako nang hustoduring Pinoy Idol. Dapat after akongma-eliminate last week ay uuwi ako, kaso nag-start na kami ng rehearsals for thegrand finals night. Kaya hindi ako natuloy umuwi at tumawag na lang ako sailang kamag-anak namin.

"Now, I want to go home and be with my whole familywho I miss so much. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga kabalen na bumotosa akin kahit na hindi ako nakaabot ng grand finals. Malaking bagay na yungnakaabot ako ng Top 5 out of the thousands na nag-audition at sumubok."

Balak ba ni Kid na balikan ang dati niyang trabahoo magtuluy-tuloy sa kanyang singing career?

"Puwede naman ako bumalik sa dati kong trabahoanytime. Very supportive naman sila sa akin. Hindi ko lang alam kung ano angplano sa amin ng GMA-7. If there is a plan, maghihintay ako baka nga naman maymagandang mangyari. Kung wala naman, I can always go back to my old job. Butlife goes on for me. Like what I said, my life doesn't end with Pinoy Idol. Simula pa lang ito ng masmagagandang pangyayari sa buhay ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN