Richard Gutierrez reveals his "firsts" and a lot more in "The Buzz"

"Batapa ako nun. Nagsimula siya truth or dare lang, ganun. Game lang siya, pero yunggirl na kalaro ko, crush ko na talaga siya. Suwerte ko talaga. So, yung unangkiss ko, sa taong crush ko talaga. Pero kinabahan din ako," revealed RichardGutierrez during his interview with TheBuzz host Boy Abunda. Richard's first kiss was just one of the topicscovered by this exclusive interview with For The First Time star.



Sa unang pagkakataon ay nainterbyu ni Boy Abundaang aktor na si Richard Gutierrez, ekslusibo para sa The Buzz last Sunday. Suot-suot ni Richard ang lava necklace nagift ni KC Concepcion sakanya mula sa Greece.

MEETING KCFOR THE FIRST TIME.Personal na sinadya ni Boy si Richard sa set ng movie nila ni KC mula sa StarCinema, ang For The First Time. Unangtanong ni Boy kay Richard ay kung ano ang nagingreaksyon niya nung una silang magkita ni KC.

"Isaw her in person for the first time and it was amazing kasi I didn't know her.Nabanggit lang sa akin ng isang kaibigan na pupunta kami sa isang party na,'Pare, ‘andun si KC Concepcion. Kilala mo ba 'yon?'

"Sabiko, ‘Hindi. Yung anak ni Sharon?' A, talaga? Hindi ko pa siya nakikita.' Andthen, eventually, nung nakita ko si KC, tinuro sa akin ng kaibigan ko. Pagtinginko, talagang namangha ako sa kanya. Yung reaction ko talaga parang... ‘Wow! Isthat her?'

"Parangmay kakaiba siyang aura talaga na parang siya lang yung naggu-glow dun sa roompara sa akin. Nung lumapit siya nung ipakilala ako sa kanya, talagang stunnedako. Wala akong masabi. I just shook her hand and said ‘hi.' And then...hindiko makakalimutan yung moment na 'yon. Since then in-admire ko na siya."

Naaalala pa ni Richard kung ano ang sinabi sa kanya ni KC.

"Simplelang, e. She said, 'Hi.' Ha-ha-ha! Pero nag-mark sa akin yung ‘hi' na 'yon, diba?"

Inalamdin ni Boy kung kelan nalaman ni Richard na guwapo siya.

"Nungmay mga nagsabi na sa akin na mana ka sa tatay mo," sabay tawa ni Richard. "Sabing nanay ko, mas guwapo raw ang tatay ko."

MORE ABOUT ‘CHARD'SFIRSTS.Ibinahagi rin ni Richard ang maraming "first" sa buhay niya. Gaya ng una siyangnakaramdam ng pag-ibig at kung ano ang naging pakiramdam niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Exciting,hindi ka mapakali. Hindi ka makatulog. Paggising mo sa umaga yun kagaad angnaiisip mo, yung taong 'yon. Iba, ang sarap ng feeling ng magmahal. E,especially for the first time."

Isiniwalatdin niya kung paano manligaw ang isang Richard Gutierrez.

"'Pagnanligaw ako talagang binibigay ko lahat-lahat-lahat. Hindi ako nag-iiwan, kayanga medyo nakakatakot. E, kasi 'pag ako yung nanligaw, nagmahal, wala talagaakong iniiwan.

"Mabilis,medyo mabilis ako ma-in love, e."

Inamin din ni Richard na umiyak na siya dahil sa pag-ibig.

"Yeah,there were instances na naiyak na rin ako dahil sa pag-ibig," lahad niya.

"Hindi ako magpapakaipokrito, totoo."

Perokapag umiiyak daw si Richard hindi niya pinapakita sa pamilya niya. Nag-i-staylang daw siya sa kanyang kuwarto at umiiyak.

Tinanongdin ni Boy ang naging experience niya sa kanyang unang halik.

"Sarap!Ha-ha-ha!

"Batapa ako nun. Nagsimula siya truth or dare lang, ganun. Game lang siya, pero yunggirl na kalaro ko, crush ko na talaga siya. Suwerte ko talaga. So, yung unangkiss ko, sa taong crush ko talaga. Pero kinabahan din ako."

GENEROUSRICHARD.Bilang anak, balitang-balita rin ang pagiging generous ni Richard.

"Yes,ngayong nagtatrabaho ako, ngayong blessed ako, ngayong kumikita ako, nagiginggenerous ako sa pamilya ko, siyempre. Isini-share ko sa pamilya ko, sa mga magulangko. Pero dumaan din ako sa point na hindi rin ako masyadong naging mabutinganak.

"Siyempre may mga instances din na nagrebelde ako ganun. Pero part namanng ano 'yon, e, ng growing up. Na-realize ko yun nung binigay sa akin lahat niLord ng blessing at na-share ko naman sa pamilya ko and I'm trying to do mybest. To be the best son, to be the best brother.

"Bilangkapatid, I'm always there for my brothers lagi akong nandyan para sa kanila atalam nila 'yon."

PROTECTIVE ATE RUFFA.Whatabout your sister?

"Of course, for my sister also. If I'm protective of my sister? Siya yungprotective sa akin. Si Ate [Ruffa Gutierrez] talaga sobrang protective, e, andI love her for that. And talagang napaka-caring niya sa amingmagkakapatid. Ever since, before naramdaman ko talaga yung pagmamahal niya saamin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nandundin daw si Richard nung panahon na may napakahirap na pinagdadaanan si Ruffa.

"Maramingtao ang nagbibigay sa kanya ng advice, mga kaibigan niya, mas nakakatanada saakin. Sinabi ko lang talaga sa kanya, 'Ate, from the bottom of my heart I loveyou so much. And kahit ano'ng mangyari, andito kami para sa 'yo. Kahit ano'ngmangyari.'

"Yunlang ang sinabi ko sa kanya but I meant it with all my heart."

RICH RICHARD. Napag-usapandin nina Richard at Boy kung gaano na kayaman ang aktor ngayon.

"Ah,Tito Boy, ngayon talaga nag-iipon ako for my future. Pangarap ko langnaman masayang pamilya, mabuting pamilya. Makakatulong ako sa kapwa ko,sa pamilya ko kaya nagtitipid ako ngayon.

"Nagkaroonng time na magastos ako and siyempre dumadaan tayo doon pero ngayon nag-iingatna ako sa pera."

Sinabirin ba niya na nagsisimula na siyang mag-isip about marriage.

"Well,I can't deny the fact na sumasagi na 'yan sa isip ko, settling down, di ba? Havinga peace of mind, having a family. But right now I'm not focused on that. I'mlooking at that in a serious way. Sumasagi lang sa utak ko. Pinaghahandaan kolang."

MANAGER-MOMMY ANNABELLE. Napag-usapandin ang tungkol sa kanyang ina na si Annabelle Ramasa The Buzz.

"TitoBoy, sobrang loving ng mommy ko at ibinibigay niya sa amin lahat. Atnararamdaman namin yun ever since before talagang mahal na mahal niya kami. Andshe always cares talaga."

Bilangtalent ni Annabelle, tinanong ni Boy kung paano nila hina-handle angdisagreement sa kanila ng Mommy Annabelle niya at kung sino ang nasusunod.

"Ayokongsabihing ako, kasi nanonood yun, e. Ha-ha-ha! Pero balanced naman yun,e."

Maymga arguments din daw sila ng mommy niya.

"Nagkakaroonkami ng arguments. Masaya yun, parang growth yun para sa aming dalawa, e. Saworking relationship namin, may mga disagreements kami. Pero at the end of theday, uupo kaming dalawa at magkakaroon kami ng desisyon na mabuti."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Veryvocal daw ang mommy niya sa pagsasabi kung sino ang mga girls na gustoniya at hindi, para kay Richard.

"Natatawalang ako kasi may tendency ang nanay ko minsan na, 'pag may girlfriend ako nahindi niya gusto, di ba? Pero 'pag naghiwalay na kami, gusto niya 'yon. So,minsan ako ang naguguluhan, pero ganun talaga si Mom, e. Pero sinabi niya rin saakin na kung sinuman yung babaeng mamahalin ko, mamahalin din niya."

GOING BACK TOKC.Sa huli, pinag-usapan ulit nina Richard at Boy si KC.

"Naramdamanko yung pagiging maasikaso niya sa lahat ng tao, sa lahat ng bagay. At yungpagiging independent niya talaga, nakita ko na kaya niyang i-handle yung sariliniya kahit na ano'ng sitwasyon. Not only that, she's very sweet. She's verysweet to all of us."

Afternung unang pagkikita nila ni KC kung saan namangha si Richard, hanggang ngayondaw ay dala-dala pa rin niya ang pagkamangha sa dalaga ni Megastar SharonCuneta.

"Oo,yung mangha ko sa kanya ngayon nasa ibang level na. Yung mangha ko sa kanya,Tito Boy, ang hirap niya abutin. Suntok sa buwan na babae, di ba?

"Ngayon...peronung nakilala ko siya, nalaman ko na she's an ordinary girl, na normal siyangtao at madali siyang pakisamahan at nakikisama siya sa lahat ng tao."

Ni-revealdin ni Richard sa The Buzz ang best thing about KC.

"'Ayun,kaya niyang makisama sa lahat ng tao kahit saan mo siya dalhin. Kaya niya nahindi mo ine-expect, yun ang ina-admire ko sa kanya.

"Ngayon,she's one of my inspiration talaga sa buhay ko ngayon and I'm very thankfulalso for her na she trusted me with everything and she's very importantright now."

Oneword to descibre KC para kay Richard?

"Extraordinary...that's true."

Nagbigaydin ng mensahe si Richard para kay KC.

"Thankyou. Thank you for everything and I enjoyed her company. I enjoyed experiencingnew things with her and I admire her for who she is."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hulingtanong ni Boy kay Richard ay kung sa anong bulaklak niya ihahalintulad si KC?

"Lotus,it's rare. She is," tapos ni Richard.





Trailer courtesy of Star Cinema


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN