Comedian Jose Manalo clarifies reported spat with his neighbors

"Hindi ko nga alam kung nakakainggitan ako or what, kasihindi naman kami lumalabas ng bahay. Lumalabas lang ako ng bahay ‘pag pumapasokako sa Eat Bulaga, ‘pag magba-basketball at sinusundo pa ako ng mga taga-doon," explains Jose Manalo.



Isa sa isyung palaging ipinupukol sa mga artistangnagkakapangalan sa showbiz ay ang paglaki raw ng ulo ng mga ito, pagyabang, atpaglimot sa kanilang pinanggalingan.

‘Tulad na lang ng kaso ng comedian na si Jose Manalo, kungsaan lumabas ang balita na may mga ilang kapitbahay raw ito sa nilipatang "townhouse" sa Quezon City ang nagrereklamo dahil nagsisiga-sigaan daw angkomedyante sa kanilang lugar. Inirereklamo rin daw ang business ng komedyante sa kanyang bahay at angwala raw pakundangang pagpa-park nito ng mga sasakyan niya sa harap ng bahayniya na hindi inisip ang kalagayan ng kanyang mga kapitbahay.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay JoseManalo ay agad namin siyang hiningan ng reaksiyon tungkol sa mga ipinupukol na reklamosa kanya at isa-isa naman niya itong sinagot.

"Nung lumabas yung issue na ‘yan, nasa Amerika ako. Tumawaglang sa akin yung wife ko. Actually, yung parking, sa harap ng bahay ko yun. Kung may reklamo sa akin, sa barangaysila dapat pupunta at sana barangay ang pupunta sa akin.

"Hindi ko nga alam kung nakakainggitan ako or what, kasihindi naman kami lumalabas ng bahay. Lumalabas lang ako ng bahay ‘pag pumapasokako sa Eat Bulaga, ‘pag magba-basketball at sinusundo pa ako ng mga taga-doon.

"Siguro nagkaroon lang ng problema sa driver ko at sa driveryata nila. Hindi ko nga alam kung ano ang nangyari. Pero dun sa parking at sanagsisiga-sigaan, hindi totoo yun. Angbahay ko pa mismo ang tinatayuan ng barangay tanod sa gabi. Ibig sabihin nun,hindi ako ganun kasamang kapitbahay."

Tungkol naman sa sinasabing business daw ni Jose na nasabahay niya, nilinaw ng komedyante na wala sa bahay niya ang kanyang negosyo,taliwas sa lumabas na balita.

"Ang business ko nasa Quezon Avenue, nandun yung restaurantko, yung Chicken Inasal, at wala sa bahay," sabi ni Jose.

May mga ilang impormasyon ding lumabas na klinaro ni Josedahil mali-mali raw ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi townhouse yung tinitirhan namin, bahay yun. At hindiako Bicolano, si Wally [Bayola] yun. Mali-mali kasi ang nasusulat," paglilinaw niya.

IN DEFENSE OF JOEY. Naging malaking issue ang nabitawang biro ni Joey de Leon saEat Bulaga! na ang lola raw niya ay pumapatay ng mga press people. Ikinagalit ito ng National Press Club (NPC) at ilang kapatid sa panulat. Nag-ugatang lahat sa lumabas sa isang tabloid, kung saan nasulat na hindi raw gaanongtinao ang nakaraang show ng Eat Bulaga! sa Los Angeles. Idinepensa naman niJose si Joey at sinabing walang katotohanan ang balitang nilangaw diumano ang nakaraannilang show sa Los Angeles.

"Ganun naman talaga, hindi maiiwasan yung ganung mga issue,"sabi ni Jose. "Ang sa amin lang, ‘pag iba ang nagsu-show, walang naririnig onus. Pero ‘pag kami, meron. Pero okey lang yun sa amin.

"Sabi nga ni Tito Joey, tuksuhan lang yun. Hindi gaganda angdalawang show kung walang mangyayaring ganyan. Hindi naman kami apektado,although nasaktan lang si Tito Joey. Kami naman, hindi kami nakikipag-away, although ‘pag may bumabato saamin, sumasagot lang kami.

"Yung sinasabi nilang walang tao sa itaas [bleacher],talagang hindi in-open yun dahil masyadong malayo na. At kahit naman ako angmanonood, hindi ako manonood ‘pag masyadong mataas; dun ako sa makikita kotalaga. Saka nagsalita na rin naman yung producer nung show."

FRANCIS'S BATTLE. Sa Eat Bulaga! kinumpirma ang sakit na leukemia ng isa saco-host ng noontime show na si Francis Magalona. Sa ganitong sitwasyon aysiniguro ni Jose ang pagkakaisa at tulong na ibibigay ng Eat Bulaga! sa MasterRapper.

"Mahal namin si Kiko at lagi naming ipagdarasal angpaggaling niya. Nandito lang naman kaming pamilya niya sa Eat Bulaga!" pahayagni Jose.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN