Nadia Montenegro takes the lie-detector test in "Don't Lie To Me"

Dubbed as "best friend to the stars," Nadia Montenegro took the hot seat as the celebrity guest on Showbiz Central's "Don't Lie To Me" segment.



Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na basta may mgaartistang nasasangkot sa gusot, ang madalas na makikitang visible sapagde-defend sa kanila ay ang tinaguriang "best friend to the stars" na siNadia Montenegro. That's why Nadia can also be called "MissCongeniality."

Sa Showbiz Central noong Linggo, August 17, si Nadia angcelebrity na naupo sa "Don't Lie To Me" segment ni John "Sweet" Lapus. Ayon kaySweet, sa umpisa pa lang ay nangako raw si Nadia na hindi siya magsisinungaling.

Question No. 1: "Good friends na ba kayo ulit niRochelle Barrameda ngayon?" Dati silang nagkaroon ng intriga noon at na-link dinsi Nadia at nagkaroon diumano ng relasyon sa asawa nito na si Jimwell Stevens.

Answer: Yes.

Result: Lie.

First question pa lang, "lie" na agad ang naging resulta.Ayon kay Nadia, "Sweet, ulitin mo ang tanong mo. Okey na ba kayo niRochelle? Never kaming nagkaroon ng problema ni Rochelle. We neverstopped... Never na nawala ang friendship namin. Okey rin kami ni Jimwell."

Then, Sweet asked, "Si Ara [Mina], okay na rin ba kayo?"

"Okey rin kami ni Ara," sagot ni Nadia.

Question #2: "Meron kang friend, kasabayan mo,sabay-sabay kayong ni-launch at ‘yan ang dati mong best friend. Ang tanong,ipinagkalat mo nga ba ang dati mong best friend na actress na ‘yan sa isanglalaking member ng isang political family?" (Minarapat na raw ng Showbiz Centralna huwag na lamang pangalanan, although alam nilang alam na ng tao kung sino angtinutukoy nila.)

Answer: No

Result: Lie

Sabi ni Nadia kay Sweet, "Alam mo, lahat ng tanong, sasayawka na!"

Sabi naman ni Sweet, "Alam mo ikaw, pine-playtime mo ako."

Sagot naman ni Nadia, "Oy, mas ako ang pine-playtime n'yo. Sabin'yo sa akin, walang ganoong tanong!"

Dagdag niya, "Papanindigan ko yun, hindi ko ginawa yun."

Question #3: "Totoo ba na kayo ay nagkaroon ngconfrontation ng dati mong kaibigang actress na ‘yan sa isang hotel?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Answer: Yes

Result: Truth

Nag-follow-up si Sweet kung totoo rin ba yung nagkabatuhansila sa hotel.

"Ay, no comment!" sagot ni Nadia.

Question # 4: "Totoo ba na dahil sa mga gulongkinasasangkutan mo, pinagbawalan ka na ng husband mo na um-attend ng mgashowbiz events? Pero ang mga bulung-bulungan, kaya raw hindi ka nakikita sa mgashowbiz events ngayon ay dahil bina-ban ka ng mga friends mo na organizers ngshowbiz events?"

Sagot ni Nadia: "Hindi ko malalaman kung bina-ban ako, hindiko alam kung may party ako at banned ako. Paano ko malalaman yun?"

So, Sweet changed the question kung ang asawa raw ba niNadia na si Boy Asistio ay pinagbabawalan siya na huwag nang um-attend.

Answer: No

Result: Truth

Sabi ni Nadia, "Sa mga pinagdaanan namin ni Boy,doon ko napatunayan na siya ang unang-unang susugod para sa akin. At sakaalam naman ni Boy ang mga kaibigan ko kaya hindi niya ako pinagbabawalan.Pinagbabawalan niya ako sa mga kaibigan ko na hindi makakabuti sa akin. Yunsiguro ang mga nagba-ban sa akin sa mga parties."

Question # 5: "Napapabalita na nililigawan ang anak mo na siYnah Asistio ni Mark Herras, tutol ka ba kung sakali?"

Answer: No

Result: Lie

"Echosera ka!" biro ni Sweet kay Nadia.

Paliwanag naman ni Nadia, "Hindi! Love na love ko si Mark.Love na love ko ang mga kapatid niya, pamilya niya, papa niya. Siyempre,nag-umpisa ‘yan as friends. Then, nag-one-on-one kami ni Mark. Sabi ko, Ynah isreally too young. Kung makakapaghintay siya hanggang 18, okey lang ako. Andthen, sabi ni Mark, ‘Sige, Tita, alam kong hindi puwede, maghihintay po ako.'

"Si Mark lang ang katangi-tanging lalaki na pumupunta sabahay, humaharap sa amin ni Boy. Kung hindi lang siguro mas bata si Ynah, maybeif she is much older, siguro malaki ang pag-asa ni Mark."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Dalawang truth at tatlong lie ang naging resulta salimang tanong na ibinato ni Sweet kay Nadia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN