PMPC organizes feeding program for kids in Hospicio de San Jose


Sa tulong at suporta ng maraming mga kaibigang artista,maluwalhating nairaos ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang kanilangfeeding program sa Hospicio de San Jose noong Agosto 15.

Ayon sa pangulo ng PMPC na si Rommel Gonzales, isa lamangang naturang feeding program sa ilan pang naka-lineup na proyektong maykinalaman sa pagtulong sa mga kapus-palad.

"Mapalad ang mgagaya naming nagtratabaho sa showbiz dahil ramdam namin ang gaan ng buhay kungikukumpara sa mga kapus-palad sa ating lipunan," pangunang sabi ng PMPC president."Kaya nga po nagpapasalamat kami sa mga artista at ilang kaibigang sumuporta saamin, at kasabay ko nito ang panawagang sana ay tumulong din ang ilang pangsektor outside showbiz sa mga gaya ng mga batang pinaligaya namin sa Hospicio de San Jose."

Ayon pa rin sa PMPC prexy, ang ginawa nilang feeding programay patunay na hindi lang ang glamorosong showbiz ang gusto nilang galawan. Kahitmadalang daw ay gusto rin nga nilang makagawa ng mga makabuluhang mgaproyektong makapupukaw sa damdamin ng publiko upang magising tayong lahat sakatotohanang maraming tao ang nangangailangan ng tulong sa labas ng showbiz.

Ninety na mga bata ang kasali safeeding program ng PMPC. Pinakain nila ang mga ito, at bukod dito, namahagi rinsila ng mga materyal na bagay na galing sa maraming mga artistang tumulong saprograma.

Namigay sila ng mga pagkain, manyika, at iba pang mga laruan samga batang kasali sa feeding program. Pero higit sa mga materyal na bagay aynaibahagi nila ang kanilang panahon at atensiyong kailangan ng mga bata upangmagkaroon ng katiwasayan at katiyakang may mga taong nagbibigay-halaga sa mgabatang kapus-palad na gaya nila.

Kaya nga sa kanyang statement, sinabi ng PR ng Hospicio de San Jose nasi Ms. Ann Visitacion na nagpapasalamat siya sa PMPC at mga kapanalig nito sapanahong ibinigay nila sa kanilang mga wards. Umaasa rin sila sa tulong ng mgataong gaya ng nasa likod ng PMPC at ilang pang samahan upang patuloy nilangpangalagaan ang kapakanan ng mga batang alaga nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dahil sa mga taong may mabuting kalooban, napapanatag kamina maibigay namin ang mga pangangailangan ng mga batang nasa kandili namin,"sabi ni Ms. Visitacion.

Ilan sa mga artistang tumulong ay sina Beth Tamayo,Shyr Valdez, Sylvia Sanchez, Jiro Manio, Mosang, Carlo Aquino, Sam Concepcion,Silverdale, at Jairus Aquino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN