Pokwang reacts to Joey de Leon's "mukhang aswang" joke

"Hindi po ako galit sa kanya dahil alam ko naman na maynagtatanggol sa akin. Enough na po yun. Thank you, kasi nababanggit mo ako, diba? Bilang isang Joey de Leon, maraming-maraming salamat. More power sa shownila. Positive na lang tayo," says Pokwang about Joey de Leon's "mukhang aswang" joke.



Nasa hot seat ngayon ang komedyanang si Pokwang dahilsa sunud-sunod na intriga na kinasusuungan niya. Isa-isa namang sinagot niPokwang ang mga isyung nakakabit sa kanya nang makausap siya ng PEP (PhilippineEntertainment Portal). Una na ang tungkol sa hidwaan nila diumano ng ComedyConcert Queen na si Ai-Ai delas Alas.

"Ay, wala naman yun!" bungad ni Pokwang. "Naintindihan na niMs. Ai-Ai yun. Okey na yun. 'Tsaka isa pa, hindi naman siya makitid na tao."

RICHARD-KC MOVIE. Pangalawa, ang dapat sana'y participation niya sa latestmovie ng Star Cinema, ang For The First Time nina KC Concepcion at RichardGutierrez, na hindi natuloy. May kinalaman daw ito sa naging isyu noon tungkol pag-i-spoof ni Pokwang sakambal na sina Richard at Raymond Gutierrez.

"Ay, ano po, sabi nga nila, kung hindi talaga kayo, huwagmong pilitin. Malamang mas may nakalaang mas maganda, di ba? Yunlang 'yon. Hindi naman lahat ng gusto mo sa mundo makukuha mo.

"Tsaka hindi naman direktang sinabi sa akin [na kasama akosa pelikula]. May nakapagsabi lang. 'Pagka ganun, hangga't hindi nagro-rollyung camera, huwag tayong umasa sa mga project. Hindi ako nag-expect,"paliwanag ng Wowowee co-host.

Pero gusto rin ba niya na makatrabaho si KC sa ABS-CBNat Star Cinema?

"Yes, why not? Pero malay mo naman in the near future, maytrabaho kami na pagsasamahan."

"ASWANG" ISSUE. Ang latest isyu kay Pokwang ay ang pabirong pagtawag sa kanyani Joey de Leon ng "mukhang aswang" sa isang kantang ginawa niya para sa show ng Eat Bulaga! sa Los Angeles.

"Masaya siya sa ginagawa niya. Hayaan na lang natin siya,"maikling sabi ng komedyana.

Ano ang naging reaksiyon niya nang una niyang malaman ang"mukhang aswang" joke ni Joey?

"Actually, hindi po ako nag-react," sabi ni Pokwang. "Kasinaman, hindi ako marunong mag-computer, e. Hindi ko nga alam lumabas yun sa YouTube-You Tube na 'yan. May nakapagsabi lang sa akin na mga kaibigan sapress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, dapat ko pa nga siyang pasalamatan kasi dahildoon, nalaman ko ang daming nagmamahal sa akin. Nabasa ko yung comment, na angdami-dami talaga. May positive at negative.

"Yung negative, alam naman natin kasi, oo, hindi akomaganda. Alam na natin yun. Hindi na kailangang i-ano, given naman yun, tanggapko na yun. 'Tsaka yun po ang bread and butter ko, di ba? I'm sure kungmaganda ako, baka wala akong mga blessings na ganito karami."

Sa live telecast ng Wowowee kahapon, August 18,nagsalita ang host ng show na si Willie Revillame at ipinagtanggol niya siPokwang. Nakarating daw kasi kay Willie na labis na naapektuhan siPokwang ng pagtawag ni Joey sa kanya ng "mukhang aswang." Nasaktan si Pokwang dahilpati raw ang nag-iisa na lang niyang anak na nag-aaral ay tinutukso saeskwelahan na ang nanay niya ay isang "aswang."

Naluluhang pumasok si Pokwang sa stage ng Wowowee noong siya ay tinawag ni Willie. Ayon sa main host ng nasabing noontime show, maraming taong napapasaya si Pokwangsa buong mundo. At tulad ng ilan sa mga kababayan nating OFW, ang komedyana rin ay maymalungkot na karanasang sinapit habang siya ay nasa malayong lugar at hindikapiling ang kanyang mga anak.

Kuwento ni Willie, namatay ang anak na lalaki ni Pokwang habang nagtatrabahosiya sa Japan. Kaya naman, lahat ng atensiyon at pinagtatrabahuan niya ngayon aypara sa kanyang unica hija, na tinutukso na diumano sa eskuwelahan na ang nanay ayaswang.

Sa kabila nito, winish pa rin ni Pokwang ng maganda si Joey.

"Hindi po ako galit sa kanya dahil alam ko naman na maynagtatanggol sa akin. Enough na po yun. Thank you, kasi nababanggit mo ako, diba? Bilang isang Joey de Leon, maraming-maraming salamat. More power sa shownila. Positive na lang tayo," pagtatapos ni Pokwang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN