KC Concepcion reveals her many firsts on "The Buzz"

"Wala akong guards. Hindi ko pinipigil yung sarili ko. Hindiako nag-iisip masyado. Yung heart ko lang talaga yung gumagana, oo. Yun angna-realize ko, mas maganda pala nung nasa teens ako. Yun lang yung mundo ko. Wala kang iniisip na iba," says KC Concepcion about her first love.



Pagkatapos ng kontrobesiyal na first live interview ni KCConcepcion sa The Buzz two Sundays ago, August 10, nagkaroon ng usap-usapan samga binitiwan niyang rebelasyon. (Click here to read related article.) Pero may mga tanong pa ang hindi nasagot ni KCsa panayam sa kanya ni Boy Abunda saThe Buzz kaya naman muli silang nagharap last Sunday, August 17.

This time, hinimay ni Boy ang naikuwento ni KC na tungkol sapagnanais niya na mapasama sa youth-oriented show ng ABS-CBN na Ang TV, perohindi siya pinayagan.

"Siguro ten years old ako or 11 years old," pahayag ni KC."Oo, parang favorite kong panoorin yung mga pambatang mga shows. Naalala kotalagang ninenerbiyos ako and I went out to my mom na seryosong-seryoso, napara akong magtatanan!" sabay tawa niya.

"'Ma, okey lang bang mag-Ang TV ako? Gusto ko talagangmag-Ang TV, e.' ‘Tapos hindi ako pinayagan. Iyak ako nang iyak. Sabi niya,‘When the right time comes.'"

LOVE & BEING BEAUTIFUL. Ibinahagi rin ni KC ang advice na ibinigay sa kanya ni Sharon Cuneta pagdating sa pag-ibig.

"She said, well, siyempre na mag-ingat. Huwag magpaloko, nakailangan strong ka bilang babae. Para kahit ano'ng mangyari, maaalagaan moyung sarili mo."

Tinanong ni Boy si KC kung kailan niya nalaman namaganda pala siya.

"Ha?" nagulat na reaksiyon ni KC. "Kasi Tito Boy, may bracesako dati. Three years akong nag-braces. So, talagang pumayat ako nangtodong-todo. When I went to the States, 13 ako nung bumalik ako, or 14. Andpumayat talaga ako and after that, people were saying, ‘Hey, you look reallygood! Umiba yung hitsura mo!' Kasi I was a chubby, nine, ten years old."

FIRST TIME TO MEET RICHARD. Ni-reveal din ni KC ang mga first sa buhay niya gaya nunguna niyang makita ang leading man niya sa kanyang first movie na For The FirstTime na si Richard Gutierrez.

"The first time I saw him talaga yung sa high school party.He was a friend of a friend. So, hindi naman like yung Richard Gutierrez nanakikita natin ngayon. And at that time, he was a nice guy who had a nicesmile, who was parang very friendly, ganun. Nagkatinginan lang kami and then he said ‘hi,' I said ‘hi.'In-introduce kami na, ‘This is my friend,' you know. And then, may iba na akongkausap and siya rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But then, ayun, when I left for Europe, ‘pag bumabalikako, I would always watch TV para alam ko pa rin kung ano'ng nangyayari, ganun.And I would see him. Yung mahaba pa yung hair niya. Hindi ko nga lang maalalayung pangalan nung show niya, pero one of these seryes. And then, hindi ko na-recognize. Hindi ko naalala na siya yung guy na na-meet ko dun sa party."

FIRST LOVE. Ikinuwento rin ni KC ang first time niyang naramdaman yunglove niya sa kanyang tanang buhay.

"Wala akong guards. Hindi ko pinipigil yung sarili ko. Hindiako nag-iisip masyado. Yung heart ko lang talaga yung gumagana, oo. Yun angna-realize ko, mas maganda pala nung nasa teens ako. Yun lang yung mundo ko. Wala kang iniisip na iba,"saad ng 23-year-old actress.

Inamin din ni KC ang una niyang pag-iyak dahil sa pag-ibig.

"When I broke up with my first boyfriend," sabi niya.

Umiyak daw talaga si KC that time.

"Oh, yeah. Na-depress talaga ako nun, like isang taon. Oo,talaga, sobra! Hindi ako makatulog! Super, super! Important experience sa akinyung first breakup talaga."

First kiss?

"My first kiss was a dare!" tawa niya. "Barkada ko yungnag-dare sa akin. High school ako nun. And then, dare lang siya. Ginawa ko! Yunna yung first kiss ko."

BEING FAMOUS. Napag-usapan din kung paano hina-handle ni KC angkatanyagan.

"I always try to remember... My Mom always says, ‘Don'tbelieve your press. And huwag mong ididibdib lahat ng mabasa mo, madinig mo,good or bad.'"

Sa paghawak ng pera, nag-aaral na rin daw si KC kung paanomag-handle nang mabuti.

"I'm learning. I read books. In control, alam ko pa rin kung saan ko gagamitin. And I make sure nalagi kong ginagamit."

RICHARD IS LIKE AN ONION. Inilahad din ni KC ang mga nadiskubre niya kay Richard sa 13days na pagsasama nila sa Greece.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Chard, maraming layers. Maraming layers 'yan. Parasiyang sibuyas. Through time and through his trust sa 'yo, dun lang yunisa-isang natatanggal."

Nasaang stage na sila ni Richard ngayon?

"Ay, hindi ko alam! Yun lang yung alam ko, Tito Boy."

Feeling naman ni KC, parang pinangungunahan sila ng mgamagulang nila ni Richard na parehong boto sa kanilang dalawa.

Sa huli, inalam ni Boy kung nasaan na si Richard sa buhayniya ngayon.

"Well, I'm sharing a lot of firsts, like we went to Greecetogether and then... As time goes by, we become better friends," pagtatapos niKC.





Trailer courtesy of Star Cinema


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN