Willie Revillame fires back at Joey de Leon’s "mukhang aswang" joke

Wowowee host Willie Revillame (right) lashes out at ace comedian, Joey deLeon, for calling his co-host Pokwang (left) "mukhang awang" during Eat Bulaga's Los Angeles show. He said: “Hindi ka banagkakaroon ng puso sa kapwa mo Pilipino, pati babae ginaganyan mo?”



Umalma si Willie Revillame sa binitawang biro ni Joey deLeon laban sa Wowowee mainstay na siPokwang noong nakaraang U.S. show ng EatBulaga! na ginawa sa Los Angeles, California.

During the show kasi ay nag-render ng isang parody number siJoey halaw sa melody ng "Imagine"—ang pamosong peace anthem na isinulat ngex-Beatle na si John Lennon noong early ‘70s.

Sa nasabing parody number ay pabirong tinalakay ni Joey angscenario kung saan walang GMA-7 at tanging ang rival station, ABS-CBN,lamang ang nag-e-exist.

"Channel 2's the only one / Makikita araw-araw ay mukha langni Pokwang..." awit ng ace comedian kasabay ng malakas na hiyawan ng mgamanonood.

Hindi pa doon natapos ang delivery ni Joey, dahil sumundotpa ito ng mga linyang: "Makikita araw-araw / ay mukha lang ng aswang..."

DEFENDING POKWANG. Kahapon,August 18, sa programang Wowowee aynagsalita si Willie publicly upang ipagtanggol si Pokwang sa diumano'y below-the-belt na linya ni Joey.

"Ipagtatanggol ko ito dahil kilala ko ang pagkatao ng taongito," sambit ni Willie habang katabi ang lumuluha na si Pokwang.

"Sana ho kung magbibiro tayo, puwede naman kayongmag-compose ng kantang hindi kayo nakakasakit ng kapwa n'yo, e. Wala akongkinantang nakasakit ng kapwa ko," dagdag ng controversial TV host bagamat hindi niya direktang binanggit ang pangalan ni Joey.

Kasabay nito ay nanawagan si Willie sa mga subscribers natanging sa istasyong kanyang kinabibilangan na lamang mag-subscribe.

"Ako po nakikiusap sa ating mga subscribers, isang channelna lang ang kunin ninyo, ABS na lang, TFC na lang. Wala kayong madidinig nasakit na salita, na galit, wala kayong madidinig sa amin! Wala kaming pakialamsa ratings, ang pakialam namin ‘yong kaligayahan ng bawat Pilipino sa buongmundo!" pahayag ni Willie.

Idinagdag din ni Willie na dahil daw sa naging biro ni Joeyay naging tampulan ng tukso ang anak ni Pokwang sa paaralan.

"Ang anak po niyang isang babae, ngayon niloloko, ‘Nanay moaswang.' Mahabag naman tayo sa taong nagsisikap!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isiningit ring patutsada si Willie tungkol sa tamang pagbabayad ngbuwis. Hindi nga lang gaanong naging malinaw ang konteksto ng kanyang pahayag.

"Dapat magpapasaya ka, ‘yong hindi ka nakakasakit ng kapwamo! 'Tsaka dapat nagbabayad ka ng tamang tax mo! Maglabasan tayo ng tax... Okay,noong first quarter nagbayad ako ng 3.7 [million], 6.2 [million] kahapon, kahitmagbayad ako ng 10-million, basta totoo lang ang tax mo!" giit ni Willie.

Bilang pangwakas ay pinagsalita ni Willie si Pokwang: "Salamat po sa mga tumitira sa akin. Ibig lang sabihin niyan, nakikilala na ako. Pero sa lahat pong nagtanggol sa akin maraming, maraming salamat po. Sa lahat po ng naniniwala,thank you po. Pagpalain kayo ni Lord. Thank you po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN