Jayann Bautista on her "Pinoy Idol" runner-up finish: "It was so close, yet so far."

"Wala akongmalakas na impluwensiya, at hindi ko alam kung mayroong bang buma-backuptalaga sa akin. But I always believe, I am a better singer kung iku-compare sakanya [Gretchen]," says Jayann Bautista about losing to Gretchen Espina on Pinoy Idol.



Nagpapasalamat nalang si Jayann Bautista dahil kahit pumangalawa lang siya kay Gretchen Espinasa nakaraang Pinoy Idol competition, ramdam na ramdam niya ang mas mainit napagsuporta ng maraming tumunghay sa Final Results Night ng Pinoy Idol noongLinggo ng gabi, August 17, sa SMX Exhibition Hall ng SM Mall of Asia.

"Simula pa langito. Hindi ko sila bibiguin. I won't stop," sunud-sunod na katagangnamutawi sa bibig ni Jayann nang makapanayam siya ng PEP (PhilippineEntertainment Portal). "Kakanta pa rin ako. Hindi ako titigil hangga'thindi ko maabot ang mga pangarap ko. Four years ago, nag-struggle na ako as asinger. Mahabang panahon na ang ginugol ko. Ngayon pa ba ako aatras?

"Hindi dahilanang pagkatalo ko para mag-stop ako. Ito pa nga ang magiging simula. Hindi namansa disappointed ako talaga, kasi nirerespeto ko ang verdict ng mga tao throughtext votes. I feel bad, I really wanted the title," prangkang sabi ngpambato ng Pampanga.

Malinaw na angkakulangan ni Jayann ay sa punto ng text votes.

"Wala akongmalakas na impluwensiya, at hindi ko alam kung mayroong bang buma-backuptalaga sa akin. But I always believe, I am a better singer kung iku-compare sakanya [Gretchen].

"Pero makikitapa rin ninyo ako sa TV, for sure. Sasayaw pa rin ako sa production numbers ngmga Broadway hits!" at natawa na lang si Jayann.

Automatically, maymanagement contract na si Jayann sa GMA-7. Pero hindi raw niya alam kung GMARecords ang mag-a-absorb sa kanya para sa recording deal.

May usapan pala silanina Gretchen at Ram Chaves na ang magiging winner, bibigyan ang matatalo ngtigwa-P100,000.

"That's true, kaya mayP100,000 pa rin ako," kumpirma ni Jayann.

Patuloy niya, "Tensiyonada talaga ako,kasi parang it was so close, yet so far. Ang lapit-lapit na, pero hindi ko parin nahawakan."

Nagpunta ang bestfriend ni Jayann na si Rachel Anne Go sa gabi ng competition (to think naKapamilya ito), obviously para suportahan ang sinasabing look-alike niyang siJayann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nasorpresaako. Kasi galing pa siya sa isang commitment at akala ko hindi siyaaabot," sambit ni Jayann.

Hindi napigilan niJayann ang mapaluha nang makita niya ang ina niya sa audience na umiiyak na.Medyo disrupted ang pagkanta ni Jayann ng sinasabing final song na likha niOgie Alcasid, ang "To You." Ang mensahe pa naman nito ay mula sa inspirasyong bigay ng inang songwriter.

"Naiyak akokasi siya naman ang sumusuporta sa akin sa umpisa pa lang," sabi niJayann, at tumulo na ang luha ng Pinoy Idol runner-up. "Pumasok din sautak ko yung mga kaibigan ko na lahat sila, naniniwala at sumusuporta.Mami-miss ko ang staff ng Pinoy Idol, pati yung pagkanta-kanta namin everyweek. Yung kaba every week, kakaisip sa kung sino ang mae-eliminate. Pati mgajudges," napangiti uli siya.

Pero naniniwala siJayann na she can still be a winner.

"Sana, totoo yung sinasabi nila na masumaangat ang karaniwang runner-up. Maraming salamat na lang sa tiwala," atmuling napaluha si Jayann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN