"Pinoy Idol" winner Gretchen Espina accepts criticisms about her victory

"Hindi pa nga ako nananalo, nag-uumpisa pa lang nga,grabeng criticisms na ang napala ko. Pero talagang ganoon sa ganitong klasengcompetition. Kailangang harapin kong lahat yun. Handa ako sa pamimintas, sakung ano ang sasabihin ng mga tao, kasi given na 'yan. Kasi ang unang-unangpupunahin sa akin, yung pagkakaroon ko ng amang politician," says Gretchen Espina.



Sa loob ng SMX Exhibition Hall kung saan ginanap noong Linggo,August 17, ang Final Results Night ng Pinoy Idol, most of the audience was cheering forJayann Bautista. But is was Gretchen Espina's name who wasannounced as the very first Pinoy Idol. Obviously, rumatsada si Gretchen overJayann dahil sa text votes.

"Before I joined Pinoy Idol, I'm very much aware aboutthe criticisms," sabi ni Gretchen sa PEP (Philippine Entertainment Portal)."Alam ko namang may mga taong ayaw rin sa akin para manalo, pero walanaman akong magagawa kung ako yung nanalo, at may procedure namang sinusunodtalaga para sa contest.

"Hindi pa nga ako nananalo, nag-uumpisa pa lang nga,grabeng criticisms na ang napala ko. Pero talagang ganoon sa ganitong klasengcompetition. Kailangang harapin kong lahat yun. Handa ako sa pamimintas, sakung ano ang sasabihin ng mga tao, kasi given na 'yan. Kasi ang unang-unangpupunahin sa akin, yung pagkakaroon ko ng amang politician."

Ang ama ni Gretchen na si Mr. Rogelio Espina ay ang gobernadorng Biliran, at nariyang akusahan ang ama niyang pati ang pera ng gobyerno ay nilustay nadiumano para lang bumili ng text votes. Pero natural lang na ang ganitong mgaakusasyon ay dedmahin na lang ni Gretchen.

GRETCHEN'S BODYGUARDS. Ang isa pang isyu, maski sa auditions pa lang, binabantayanna siya ng grupo ng bodyguards, courtesy of her dad.

"Aminado po akong may ipinasamang bodyguards sa akinang father ko noon, pero nasa labas lang sila naghintay. Hindi ako puwedengbantayan sa loob mismo ng venue kung saan ginawa ang auditions.

"But I don't usually go out naman with bodyguards. Insome occasions kasi, for security na lang talaga because my dad nga is apolitician. Pinasasamahan ako kasi baka sakaling magkagulo lang. My bodyguardsnaman don't get in the way, I suppose," paliwanag ni Gretchen.

THE POWER OF TEXT VOTES. Ano ang reaction ni Gretchen na sa loob mismo ng SMX,pangalan ni Jayann ang todong ipinagsisigawan ng maraming naroroon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kanya-kanya naman kasi tayong supporters, di ba?"sabi niya. "Nagpapasalamat lang ako sa marami, sa televiewers at yung mgataga-Biliran na talagang sumusuporta sa akin sa umpisa pa lang. Hindi nila akopinabayaan.

"They may not show up sa SMX o sa Centerstage, peronoong bumalik ako sa Biliran, alam kong naroroon yung mainit na welcome nila, atalam kong through text votes, hindi talaga nila ako pinababayaan. Sobrangoverwhelmed talaga ako."

Nasabi nga ng Pinoy Idol judge na si Ogie Alcasid, from thevery beginning, ang contest ay malinaw na paramihan ng text votes. Ang publikoang maghuhusga rito at kung magpapabaya mismo ang contestants, kung talent langnila ang pagbabasehan nila, mukhang uuwi talaga silang talunan.

"Nagkampanya talaga ako, at wala namang masama doon,"pag-amin ni Gretchen. "Lahat kami, kailangang gawin yun. Constant 'yan. Textbrigade. Sa mga kaibigan ko, maski ako mismo, nagte-text ako sa kanila paratulungan nila ako. Walang sawa yun. Kung gusto ninyo ang isang bagay at isa yun sa paraanpara makuha yun, bakit hindi mo na gawin ang lahat ng magagawa mo?

"Lagi ko narin namang sinasabi, bola or kidding aside, kung talagang nararapat ako, ibotonila ako. Kasi ayoko ring magtagal sa kumpetisyon na wala namang naniniwala saakin. Hindi rin tamang manatili ako sa contest at manalo ako dahil lang sa maypera ako. Yung masabi ko naman, lumaban ako, may karapatan din ako pagdating sakantahan," pagtatapos ng first Pinoy Idol.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN