Sam Milby fought for his first indie movie "Cul-de-sac"

"Gusto ko talagang gawin ang movie. When I first read thescript, I was at the edge of my seat while reading it and I finished it in onesitting. I love my character here, so I asked my bosses if I can do this one," says Sam Milby about his first indie movie, Cul-de-sac.



Halatang pagod pa si Sam Milby nang pinapasok sa standby area ng mga pressfor the set visit of the new Cinemabuhay grant movie of new and young filmmakerJuan Miguel Sevilla, ang Cul-de-sac. Katatapos niya pa lang mag-location tapingfor his ABS-CBN primetime series Dyosa at dumiretso agad siya sa shoot ngnasabing suspense movie, which co-stars Jodi Sta. Maria and Chin-Chin Gutierrez.

Kapansin-pansin din ang "sugat" niya sa labi at sa pisngi, so PEP(Philippine Entertainment Portal) asked him kung totoo ito o kung prostheticsniya ito from Dyosa.

"He did this to me!" joke muna ni Sam habang itinuturo ang napakabatangdirektor nilang si Juan Miguel, bago niya sabihing prosthetics pala ito samovie.

Nabanggit namin kay Sam na nasisira na ang mukha niya sa prosthetics niyasa Dyosa. Last time kasi namin siyang nakita sa birthday party ni Cristy Ferminnoong end of July, marami siyang pimples na abot hanggang leeg na niya at na-explainniya na dahil nga ito sa prosthetics.

"I know, but how can I complain? It's a job," sabi niya na lang.

Cul-de-sac is Sam's first independent movie, his first suspense movie, andhis first movie outside Star Cinema. Sam is an exclusive star of the film arm of hisKapamilya station, kaya mildly surprised kami na napayagan siyang tanggapin angpelikula lalo na't wala palang clause ang kanyang Star Cinema contract for anyoutside movie.

"Gusto ko talagang gawin ang movie," sabi ni Sam. "When I first read thescript, I was at the edge of my seat while reading it and I finished it in onesitting. I love my character here so I asked my bosses if I can do this one."

Mahigit isang buwan daw silang naghintay ng kanyang manager na si ErikRaymundo bago siya napayagang tanggapin ang pelikula. For Cul-de-sac, kahithindi niya pa nakatrabaho ang director na inilagay ang pangalan niya as part ofthe director's wish list of actors, tinanggap pa rin ni Sam ang pelikula andeven in his below-the-usual talent fee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The script is that good, I want to do this talaga," sambit ni Sam.

Hindi na rin nagreklamo si Sam na kahit kaaalis pa lang ng kanyangprosthetics sa Dyosa ay lalagyan na naman siya for Cul-de-sac.

Nakiisa rin si Sam sa mga producers of the movie headed by Albert Martineznot to divulge his character for Cul-de-sac.

"I'm a mysterious guy here," ang sabi niya.

Basta hindi raw siya bida, hindi siya kontrabida. Top billing siya overJodi and Chin-Chin at wala silang love interest ni Jodi, and that hischaracter's job is as a call center agent.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN