Jennica Garcia slated to do three movies and one TV show

"Masayang-masaya ako at hindi ko ini-expect na magiging busyako ng ganito at maa-appreciate ng producers at fans ang ginagawa ko.Nagpapasalamat ako sa mga nagtitiwala sa akin at lagi kong sinusunod angpaalala ng mom ko to just enjoy my work and always do my best," says Jennica Garcia.



Nakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jennica Garciasa premiere night ng Loving You,kung saan isa sa mga bida ng movie ang ina niyang si Jean Garcia,kapareha ni PoloRavales, last Sunday, August 17, sa SM Megamall.

Kahit nasa showbiz na siya, mahiyain pa rin si Jennicadahil nang sabihan ng road manager niyang batiin si Mother Lily Monteverde ngRegal Entertainment, nag-alangan ang dalaga dahil nahihiya at baka hindi rawsiya pansinin. Pero nang makita siya ng producer, ito pa ang unang bumati withmatching mention ng kanyang name.

Masaya si Jennica dahil hindi pa man tapos ang Ako Si KimSamsoon, may next project na siya sa GMA-7. Join sila ng ka-love teamniyang si MartEscudero sa cast ng Gagambino, and last Monday, August 18, dumalosiya sa acting workshop ng buong cast na ipinatawag ni Direk Topel Lee bilangpreparasyon sa taping na magsisimula bago magtapos ang buwang ito.

Tatlong pelikula rin ang naka-lineup na gawin ni Jennica atschedule na lang ang hinihintay. Ang mga ito'y ang Shake, Rattle & RollX at Goddess ng Regal Entertainment, at One True Love ng GMAFilms na pagbibidahan nina Marian Rivera, Dingdong Dantes, at Iza Calzado.

Ano ang masasabi niya sa sunud-sunod niyang projects?

"Masayang-masaya ako at hindi ko ini-expect na magiging busyako ng ganito at maa-appreciate ng producers at fans ang ginagawa ko.Nagpapasalamat ako sa mga nagtitiwala sa akin at lagi kong sinusunod angpaalala ng mom ko to just enjoy my work and always do my best. Ang sarap nga ngfeeling ‘pag naririnig kong sinasabing maganda ang ginawa ko at pangako, laloko pang pagbubutihin ang trabaho ko," sabi ni Jennica nang makausap siya ng PEPpagkatapos ng premiere night ng Loving You.

Ipinarating namin kay Jennica na very proud si Jean sa kanyadahil kahit baguhan lang ay mahusay nang umarte at marami ang nagkakagusto sakanya. May ilang viewers ng Ako Si Kim Samsoon na kaya lang nanonooday dahil sa kanya. Naaaliw sila sa character niyang umaarteng mayaman at sa husayni Jennica sa comedy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Talaga, very proud sa akin ang mom ko?" bulalas niya. "Angsweet naman, mana lang ako sa kanya. Pero totoong siya ang number one critic koat sinasabi niya sa akin kung ano ang kulang o mali sa ginagawa ko. Ang dreamko pa rin ay magkasama kami sa isang project. Masaya siguro yun."

Wala pa ring bago sa sagot ni Jennica tungkol kina Jean atPolo. Basta kung saan daw masaya ang ina, hindi siya hahadlang. Magre-reactlang daw siya ‘pag nasaktan ang ina at dun uli siya magpapaka-ina rito. Minsandaw, mas nanay pa ang thinking niya kesa kay Jean at nakikinig naman daw ito sakanya, lalo na ‘pag tama siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN