Precious Lara Quigaman says claim that her boyfriend went to "Wowowee" was a lie

"Hindi ko nga na-explain nang mabuti when I was interviewedabout it, pero he's never been on the set of Wowowee. Never. Unang-una,bawal ang lalaki doon. May mga guard doon na nakatayo. Ultimo kapatid ko na tenyears old na lalaki, he was not allowed inside. So, all those lies that they'vesaid that he kept on loitering? It's not true," says Precious Lara Quigaman.



Nagtatag ng sariling national beauty pageant ang MissInternational 2005 at dating co-host ni Willie Revillame sa Wowowee nasi Precious Lara Quigaman. Kasama angdalawa pang ex-beauty queens na sina Karen Loren Ostrea (BinibingPilipinas-Universe 2002) at Denille Lou Valmonte (BinibiningPilipinas-Internaitonal 2006), binuo nila ang Turismo Pilipina 2008.

"We would like to invite all the young Filipinas out therewho aspire of becoming an ambassador of Philippine tourism. The search is opento all natural born Filipinas, single, 18 to 25 years old, at least 5'5" tall,and a high school graduate with outstanding beauty and personality," pahayag niLara sa ginanap na launching ng Turismo Pilipina na ginanap sa ABE restaurantsa TriNoma mall, Quezon City.

GOING BACK TO WOWOWEE? Kasunod nito aynatanong si Lara kung willing pa rin ba siyang bumalik sa Wowowee kungsakaling alukin siya ulit na mag-co-host sa show ni Willie.

"Not anymore. Ah, I have...sabi nga nila, I might change mymind pero as of now what I'm feeling is not to go back."

Nilinaw ni Lara na wala siyang galit o sama pa ng loob saprograma. Pero bakit sinara na niya ang pinto ng posibilidad na bumalik siya saWowowee?

"It's just sad...sabi ko nga when I was still in the show angdami kong na-realize na mga bagay na Ican do if I'm not there. And it's hardto work in a place you're not wanted in the first place. No hard feelings,really. Pero I don't want parang dagdagan pa yung problema ko sa buhay naipagpipilitan ko yung sarili ko when I know in the first place that they don'twant me there. So, yun."

Hanggang ngayon, wala pa ring nakukuha ang Wowowee nakapalit ni Lara sa show.

"I don't think they need a new one. They can handle it verywell, everyone else."

E, sa tingin ba niya ang nababalitang girlfriend ngayon niWillie na si Nadine Ignacio ang ipapalit sa kanya bilang isa sa mga co-hostsniya sa Wowowee?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kilala ko yun."

Ano'ng masasabi niya na si Nadine na raw ang bagong pag-ibigni Willie?

"Oh, that's good for him. I hope they will take care ofthat."

THEY LIED. Dumadalaw ba sa kanya ang boyfriend niyasa taping nila ng That's My Doc?

"No. You know what? Hindi ko nga na-explain nang mabuti whenI was interviewed about it, pero he's never been on the set of Wowowee.Never. Unang-una, bawal ang lalaki doon. May mga guard doon na nakatayo. Ultimokapatid ko na ten years old na lalaki, he was not allowed inside. So, all thoselies that they've said that he kept on loitering? It's not true. None of those.He doesn't even watched the show, never."

Nagkausap na ba sila ni Willie?

"No, we haven't."

Nakaapekto ba sa kanyang career ang pagkakawala niya sa Wowowee?

"No, no naman. Sabi ko nga, I still believe in the show.Siyempre malungkot ako na natanggal ako sa show na ‘yon. Pero sabi ko nga, it'sa blessing in disguise, na I work from Monday to Saturday, every week for sixmonths. And that's the only thing I can do, di ba?

"I can't do anything else after that, di ba? Even before that. So, after that, ang damirin talagang pumasok na mga offers na work and it's really a blessing indisguise.

"A lot of people were there to support me and encourage me."

Sa kabila ngnangyari, mananatili pa rin daw siya na isang Kapamilya.

"Of course. My loyalty is with ABS-CBN."

Nagkita na ba sila ni Willie?

"No, we haven't. I have never seen or talk to him since May,since the Hawaii issue. Kahit sa ABS-CBN hindi kami nagkikita.

"Pero I did visit the dressing room once. But that was afterthe show, because I had a taping."

Binisita niya si Willie?

"No, not him, the staff. I didn't see him. Pero all thestaff, we're all happy. We were all happy to see each other again. Nami-miss kosila. Valerie [Concepcion] wasn't there anymore. Kasi mga 4 p.m. na yun, so, theywere having a staff meeting. Pero it's good to be back for a while."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May offer ba na ibang show sa kanya ang ABS-CBN?

"Ah, there are some but I'm not sure if I can speak about ityet. It's all under negotiations."

DOING SEXY ROLES? Aarte na ba siya sa isang dramashow?

"Uhm, not really. No, no, no. Magse-sexy star na po ako.Ha-ha-ha!

"Sana may tumanggap! Feeling... ‘O, humarap ka, iha. Humarapka!' Nakaharap na po ako," tawa ulit ni Lara.

But seriously, kaya niya ba ang sexy roles?

"No, I don't think I can do it. Sa hosting pa rin ako. I don'tmind that. Sabi ko nga, gusto kong subukan kung paano magkaroon ng isang TheTyra Banks Show.

"You know, that's something I'm praying for," tapos ni Lara.

"Turismo Pilipina's screening dates are on August 23, 24, 30and 31; and September 6 and 7 from 1 to 6 pm in Hotel Rembrandt, Tomas Morato,Quezon City. Applicants must bring two-piece swimsuit, high-heeled shoes,close-up and fully-body photos.

Magaganap ang Turismo Pilipina, the Pageant coronation nighton October 10, 7:30 pm at the AFP Theater. Available na ang application forms sa Turismo Pilipina HotelOffice sa #10 Kasing-Kasing Street, East Kamias, Q.C., at puwede ding i-downloadang application from www.turismopilipina.com


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN