Rachelle Ann Go not affected by her rivalry with Sarah Geronimo

"Kami kasi niSarah, we don't get affected on that. Sobrang ine-encourage namin ang isa'tisa. Sobra! Like sa ASAP, tinululungan namin ang isa't isa with the songs. Okeypo kami," says Rachelle Ann Go (in photo) about her rival, Sarah Geronimo.



At present, busy ang young singer na si Rachelle Ann Go sapagpu-promote pa rin ng kanyang album na Rachelle Ann Rocks Live! nang makausapnamin siya sa Entertainment Center ng SM North during the third anniversary ofthe radio show na Wow! Ang Showbiz! last Sunday, August 17.

"Noong April po kasi, nilabas na namin yung CD; ngayon naman,ang nilabas namin yung DVD naman po na pinu-promote ko pa ngayon. Ginawa ponaming parang concert. Parang tuloy-tuloy lang siya. So, may CD at may DVDpo siya," simula niyang kuwento sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

RIVALRY WITH SARAH. Sinasabing sina Rachelle at Sarah Geronimo angmagkakumpitensiya pagdating sa kanilang singing career. Pero on Sarah's part,she was able to try acting at sa recent movie niya na A Very Special Love,nakuha niya ang respeto ng mga manonood bilang isang aktres at napatunayan niyana kaya pala niyang gumawa ng isang box-office movie.

Ano ang masasabi ni Rachelle Ann sa pagiging successful niSarah sa larangan ng pag-arte?

"Sobrang happy ako for her! Nasaksihan ko yung premiere [night],sobrang dami ng tao, nakakatuwa! At ang ganda ng kinalabasan ng movie. Sobra,sobrang ganda! Happy ako for her," banggit ng Search For A Star winner.

Na-encourage ba siya after seeing Sarah to try acting too?

"Naku, sino naman po kaya ang manonood sa akin?" pa-humbleniyang sabi na natatawa. "Well, for me, okay lang naman po. Pero wala pa namanpo as of now na mga offers."

Aminado si Rachelle na nagkaroon na rin siya ng actingworkshop at dati pa ay pinag-iisipan na rin niya na subukan ang pag-arte.

"Nag-workshop po ako noon, kasi parang masaya rin. Parangenjoy, magiging friends mo lahat ng makakatrabaho mo. Actually, si Sarah ngapo, palagi ko pa rin sinasabi sa kanya na it's good na hindi pa rin siyanagbabago kahit na malayo na ang nararating niya. Sobrang nakaka-inspire yungganoong klase ng tao," saad ni Rachelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam din ni Rachelle na silang dalawa talaga ni Sarah angpinagkukumpara palagi

"Opo nga, palagi," pagsang-ayon niya "Pero kami kasi niSarah, we don't get affected on that. Sobrang ine-encourage namin ang isa'tisa. Sobra! Like sa ASAP, tinululungan namin ang isa't isa with the songs. Okeypo kami."

RACHELLE'S EX. When it comes to her ex-boyfriend Christian Bautista, walana raw siyang magagawa kung iba ang gustong paniwalaan ng mga tao tungkol sakanilang dalawa.

"E, kanya-kanya ng paniniwala ng mga tao, di ba? Basta ako,alam ko kung ano ang totoo. Hindi ko na kailangang mag-explain sa tao. Bastakami po ni Christian, we're good friends now."

Natawa si Rachelle nang kamustahin ng PEP sa kanya ang mgakissing scenes ni Christian sa dalawang alternating "Maria" sa musical na WestSide Story na sina Karylle at Joanna Ampil. Sabi niya, naikuwento na raw sakanya ni Christian yun.

"Well, sabi ko talaga sa kanya, panonoorin namin ‘yan!" tawaniya.

So, kaya niyang panoorin nang live?

"E, wala na naman po akong ano, kumbaga, kahit ako rin namanpo ang girlfriend niya, wala na rin naman po akong magagawa. Kumbaga, trabaho siya.Kung ilalagay ko ang posisyon ko sa posisyon niya, siyempre trabaho yun, e."

Right now, wala raw siyang ine-entertain na manliligaw atlalong wala rin daw siyang panibagong karelasyon.

"Never po akong nakipag-date," giit ni Rachelle. "Neverpa kong lumabas after namin ni Christian. It's my choice rin naman po. Kasipalagi ko nga pong sinasabi, hindi naman ‘yan hinahanap, kusang dumaratingnaman ‘yan. Ayokong makikipag-date kung kani-kanino para makapili. Ewan ko. Forme kasi, hindi ganoon ang paniniwala ko. I'm just waiting for the right person."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN