Cristine Reyes and Dennis Trillo refused to be interviewed by "The Buzz" crew

"Gusto lang namin ng tahimik na buhay. I mean, ‘pag nasalabas kami, gusto namin sa amin lang ‘yon. ‘Wag na kaming guluhin ng ibang tao.Kasi pinakiusapan namin nang mabuti si Ate [member ng TV crew] na nag-iinterbyusa amin na huwag na kaming interbyuhin. Pero kasi makulit siya talaga, e. ‘Wagniyang ibe-blame si Dennis na bastos or something na uminit ang ulo, kasi kinausap namin siya nang maayos," explainsCristine R



Nagsalita na si Cristine Reyes tungkol sa insidentengkinasangkutan niya at ng TV crew ng The Buzz. Naabutan kasi si Cristinewith Dennis Trillo ng TV crew nung July 5 sa Universal Reality CombatChampionships sa Makati City. Ipinakita sa The Buzz ang pag-iwas nila saTV crew at ang tila hindi magandang pakikitungo ni Dennis sa sumusunod sakanilang TV crew. Nanahimik lang sina Cristine at Dennis kahit na may mganag-react na tungkol sa hindi magandang pagharap ni Dennis sa TV camera ng TheBuzz.

Last Sunday, August 17, nagsalita na si Cristine tungkoldito sa The Buzz mismo.

"Gusto lang namin ng tahimik na buhay. I mean, ‘pag nasalabas kami, gusto namin sa amin lang ‘yon. ‘Wag na kaming guluhin ng ibang tao.Kasi pinakiusapan namin nang mabuti si Ate [member ng TV crew] na nag-iinterbyusa amin na huwag na kaming interbyuhin. Pero kasi makulit siya talaga, e. ‘Wagniyang ibe-blame si Dennis na bastos or something na uminit ang ulo, kasi kinausap namin siya nang maayos," esplika niCristine sa The Buzz.

Dahil sa ginawa nilang pag-iwas at pagtatago sa media,naglabasan tuloy ang iba't ibang mga opinyon sa tabloids tungkol sa kanilangrelasyon.

"Kung ano yung nakikita nila na sasabihin nila na hindiproud or whatever, hindi po ako naaapektuhan doon. Personal na buhay namin ito, di ba? Saka andito kami sa business na ito para sa work. Hindi para ilathalang tao yung private life namin."

Nilinaw din ni Cristine na ang pag-iwas nila sa media aywalang kinalaman sa pagkakaroon ng anak ni Dennis sa dating karelasyon na siCarlene Aguilar.

"Bago ko tanggapin si Dennis, tanggap ko na siyempre yungsitwasyon niya. Ang sama ko naman kung magiging selfish ako, di ba? So, walapong problema sa akin kung hati man ang tingin ng ibang tao. Kasi sa akin,parang hindi nga hati, e. Equal lang lahat."

Nagbigay din ng reaction si Cristine sa pagiging open niCarlene sa relasyon ng sexy star at ni Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, di good! At least, di ba? Para wala nang...tama na yung away-away na ganun-ganun. At least,tama na. Tama na ‘yon."

Next month ay birthday na ng anak ni Dennis at Carlene na siCalix. Pero hanggang ngayon daw ayhindi pa rin nakikita ni Cristine ang anak ni Dennis kay Carlene.Bulung-bulungan na tila hindi raw magaganap ang pagkikitang ito. Isangposibilidad na sinang-ayunan ng sexy actress.

"Syempre nirerespeto ko naman si Carlene dahil nanay siya niCalix, di ba? And ayoko namang makigulo dun, lalo na kung may ibang tao na ayawnaman akong pumunta doon."

Nang tanungin ng The Buzz si Carlene kung invited basi Dennis at Cristine sa darating na first birthday party ni Calix on September13, ang ina ng ex-beauty queen ang sumagot para sa kanyang anak na nasa ibangbansa.

Heto ang text message na ipinadala ng ina ni Carlene sa TheBuzz, "If si Dennis, oo, coz share sila ni Carlene at okey naman sila. Perosi Cristine....never!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN