Jodi Sta. Maria working on her fourth indie film

Jodi Sta. Maria is one of the busiest actresses in the country today. Aside from the indie film Cul-de-sac, she is also slated to do two drama series for ABS-CBN and another indie film.



Fourth independent film na ni Jodi Sta. Maria ang Cul-de-Sac(Dead End) ng Cinemabuhay, para sa PLDT-Smart Foundation (PSF) with Mr. ButchMeily, president of PSF, and Albert Martinez, PSF Executive Director (Film Fund). Nauna rito ang Maling Akala, Nars, at Sisana nagkaroon na ng screenings sa SM Centerpoint.

"Bata pa ang new director and scriptwriter namin, siJuan Miguel Sevilla," sabi ni Jodi nang makausap siya ng PEP PhilippineEntertainment Portal) sa shooting ng Cul-de-sac sa isang apartment sa Cubao,Quezon City kahapon, August 19.

Dugtong niya, "I play the role of Raquel, isang callcenter agent, pero may magiging twist sa character ko. Suspense ang story, maymga pumapatay, pero wala pong multo. Hanggang doon na lang po muna ang puwedekong ikuwento.

"Ito rin ang first time naming magkakatrabaho ni Sam[Milby]. Nakakatawa nga, dahil pareho naman kami ng [TV] network, pero ngayon langtalaga kami magkakasama sa isang project. Ngayon din lang ang first shooting day namin together at ang gaan palaniyang katrabaho. Nakatapos na kami ng four sequences at napaka-professionalniya, no complaint siya kahit ano'ng ipagawa sa kanya. Kahit ‘yong paglalagayng prosthetics sa kanya, wala siyang reklamo."

Kapag makikita mo si Jodi in person, hindi mo iisipingmother na siya ng almost three years old na si Thirdy—anak niya kay PampiLacson, na anak ni Senator Ping Lacson—dahil alagang-alaga niya ang katawanniya.

Nahingan din siya ng komento na among the Tabing Ilog cast members,tila sila na lang ni John Lloyd Cruz ang very active sa showbiz.

"Hindi rin po naman," paglilinaw ni Jodi. "Nariyan parin si Paolo [Contis] at ang dami rin niyang projects sa GMA-7, si Baron[Geisler] ay may movies at TV show rin. Si Desiree [del Valle] ay may movie atTV, bumalik na po siya ulit sa ABS-CBN. But we're happy for Paula [Peralejo]dahil magna cum laude graduate na siya sa UP. Si Kaye [Abad], ang alam ko po,siya na ang nagma-manage ng school nila sa Cavite."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba naman siya pinipigilan ng husband niyang si Pampina ipagpatuloy ang kanyang showbiz career?

"Very supportive po niya. Kung pinipigilan niya ako,hindi na ninyo ako mapapanood sa TV," nakangiting wika ni Jodi.

Si Thirdy, hindi ba siya tinatanong nito kung bakit madalassiyang wala sa bahay?

"Hindi naman," ani Jodi. "Saka kung minsan naman,isinasama ko siya. ‘Tulad ngayon, kasama ko siya, nandun, nakikipaglaro sa mgabata sa kapitbahay. Pero kung minsan din, naglalambing siya sa akin, sasabihinniya, ‘Mom, huwag ka na mag-taping, huwag ka na mag-work, dito ka na lang.'Hanggang doon lang naman siya. Kapag nagpaalam na ako sa kanya na magwu-work naako, hindi na siya umiiyak o humahabol."

Sunud-sunod pa rin ang mga projects ni Jodi, bukod pa sa mgaproduct endorsements na ginagawa niya.

"May gagawin po akong dalawang teleserye sa ABS-CBN,hindi pa kami nagsisimulang mag-taping. Pero ‘yong isa, sisimulan namin ngayongAugust at ‘yong isa, sa September namin sisimulan. Hindi ko pa lang po puwedengsabihin kung sinu-sino ang makakasama ko, kahit kung sino ang magdidirek, kasibawal pa po. Hindi ko pa rin alam kungkailan ito ipalalabas. May isa rin po akong gagawing indie film, pero out ofthe country, somewhere in Asia ito isu-shoot."

Ang Cul-de-Sac (Dead End) ay wala pang commercial exhibitiondito kapag natapos nang i-shoot. Pero baka ipalabas ito sa 80th anniversarycelebration ng PLDT sa November. May ilang international film festivals nasilang kinu-consider para i-submit ang movie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN