KC Concepcion would love to work with Phillip Salvador again

"Nakaka-inspiresiyang tao lalo na sa mga baguhan na katulad ko. Kung titingnan mo na lang angbody of work niya as an actor, mapapa-‘wow!' ka na lang kasi sa tinagal niya saindustriya, hindi mo alam kung mararating mo rin ‘yon; plus all theachievements," says KC Concepcion about For The First Time co-star Phillip Salvador.



Naroon si KC Concepcion sa ibinigay na surprise birthday party para sa aktor na si PhillipSalvador kagabi, August 20, sa Dulcinea restaurant sa Tomas Morato, QuezonCity. Magkasama sina KC at Phillip sa pelikulang For The First Time,gumaganap bilang mag-ama.

Sinabi ni KC sa PEP(Philippine Entertainment Portal) that she's very honored to have worked with awell-renowned drama actor like Phillip Salvador sa kanyang unang movie. Feel nafeel nga raw ni KC ang mga naging eksena nila ng aktor sa pelikula at hindi rawniya malilimutan ang mga ito.

"Nakaka-inspiresiyang tao lalo na sa mga baguhan na katulad ko. Kung titingnan mo na lang angbody of work niya as an actor, mapapa-‘wow!' ka na lang kasi sa tinagal niya saindustriya, hindi mo alam kung mararating mo rin ‘yon; plus all theachievements.

"I'm justoverwhelmed na he said 'yes' to be part of our movie and we've been so close eversince. Makuwento rin kasi si Tito Ipe and I love to listen to all his stories.Doon ka matututo sa mga kuwento niya."

Gusto raw makasamaulit ni KC si Kuya Ipe sa isa pang pelikula. Mas maganda raw kung matindingdrama ang pagsamahan nilang movie.

"If it's not toomuch to ask, I would love to work with Tito Ipe again. At sana sa mas mabigatna drama movie naman. I gained so much experience working with him. May isangscene nga kami sa movie na sobrang drama and I was able to pull it off dahilnandoon siya.

"I know my mom [SharonCuneta] is very happy kasi nga hindi pa niya nakakasama si Tito Ipe sa movie.Naunahan ko pa siya and it's my first movie pa. Kaya very memorable sa akin itolahat," lahad ni KC.

Ang birthday wish niKC para kay Phillip ay magtuluy-tuloy raw ang career nito para mas marami paitong ma-inspire na mga baguhang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I wish that hecontinues to be generous in sharing his experiences as an actor. He's one ofthe best actors in our country and he deserves the respect that he's gettingright now. I am looking forward to work with Tito Ipe again at sana mangyari ‘yonsoon."

Ibinalita rin ni KC sa PEP na repackaged angkanyang debut album na a.K.a. Cassandra dahil pinasok bilang bonus cut angversion niya ng theme song ng For The First Time.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN