Carlene Aguilar denies reported incident with a Star Magic talent

"Hindi ko alam na may ganung isyu at hindi rin ako sure kungna-meet ko na siya [Regine]. Wala akong inokray at ang kasama kolang sa dressing room, sina Bubbles Paraiso, Precious Adona. Wala talagangganung incident. Hindi ako ganun kamaldita. Hindi ko rin siya kilala paraganunin," says Carlene Aguilar about a report saying that she ridiculed Regine Angeles of Star Magic in the dressing room during the Bench Blackout fashion show.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si CarleneAguilar after the presscon proper of Celebrity Duets Season 2 last night, August 20, sa 17thfloor ng GMA Network Center.

Ang isyung pagba-ban diumano kay Carlene ng ABS-CBN dahil sapang-ookray niya sa isa sa mga talents ng Star Magic ang agad itinanong ng PEPsa kanya. Ang balitang nakarating sa PEP ay nakasama raw ni Carlene ang Star Magic talent at Be Bench winner na siRegine Angeles sa dressing room ng Araneta Coliseum during the Blackout fashionshow of Bench last July 25. Dahil hindi niya kilala, tinanong daw ni Carlene kungartista ba si Regine, na sinagot naman daw ng "oo" ng dalaga.

Inalam din daw ni Carlene ang sequence ng pagrampa nila sastage at nang malamang si Regine ang mahuhuli, nag-dialogue daw si Carlene nabaka sinulot nito ang kanyang lugar. Ang hindi alam ni Carlene, may taga-StarMagic sa loob ng dressing room na nakarinig sa pang-ookray niya diumano sa kanilang talent atdahil doon ay banned na raw siya sa ABS-CBN.

"Hindi ko alam na may ganung isyu at hindi rin ako sure kungna-meet ko na siya [Regine]," simula ni Carlene. "Wala akong inokray at ang kasama kolang sa dressing room, sina Bubbles Paraiso, Precious Adona. Wala talagangganung incident. Hindi ako ganun kamaldita. Hindi ko rin siya kilala paraganunin. Siya ba yun?" tanong ng beauty queen.

May nakausap din ang PEP at pinatunayang may okrayan ngangnangyari, pero hindi raw si Regine kundi si Michelle Carbonel, ang runner-up niRegine sa Be Bench, anginokray ni Carlene. Tanungin daw namin uli si Carlene kung magde-deny pa ito,pero hindi rin alam ng kausap namin ang tungkol sa isyung pagba-ban kay Carlenesa ABS-CBN.

CARLENE'S OTHER SIDE. Sa presscon ng Celebrity Duets ay nagpakita na ngkapilyahan si Carlene nang pabirong okrayin si MMDA Chairman Bayani Fernando.

Aniya, "Ang first reaction ko nang malamang kinukuha ako forCelebrity Duets ay matuwa dahil nagawa ko nang lahat. Sana thistime, manalo na ako. Dream ko talagang kumanta. Pero may aaminin din ako. Nangsumali si Chairman Fernando, muntik na akong mag-back out. Ang daming magti-textsa kanya, pero marami ring inis sa kanya sa mga ginagawa niya, kaya hindi naako nag-back out."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin din ni Carlene na isa sa pumigil sa kanya para hindiituloy ang pagba-back out ay isa pang contender na si Phil Younghusband, na crushat inspirasyon daw niya. Kaya inalam namin kung seryoso siya sa sinabi niyangcrush niya ang 21-year-old Fil-Brit soccer player.

"At least may cute at ka-age namin sa grupo," sambit ni Carlene.

Puwede bang pamalit sa ex-boyfriend at ama ng anak niCarlene na si Dennis Trillo si Phil?

"Bata, e, bata pa. He's only 21, hindi puwede. Siguro crushlang. Naguguwapuhan ako sa kanya. Iba ang looks niya, medyo tisoy, pero hindi ko rinnaman hilig ang masyadong tisoy."

Posible bang maka-duet niya si Dennis sa Celebrity Duets?

"Ayos lang! Kakantahinnamin ang ‘All Out of Love,' kantaniya yun sa album niya para ma-promote na rin. Okey lang sa akin kung okey sakanya. Pero may manager yun at hindi ko alam kung papayag ang manager niyangka-duet ako at, siyempre, kung puwede ang schedule niya."

Kung papipiliin siya, sino talaga ang gusto niyangmaka-duet?

"Si Ogie ang gusto ko, kaya lang host na siya. Sobranggaling niya! Second choice ko si Janno Gibbs. Kahit siguro sino puwede,"pagtatapos ni Carlene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN