JC de Vera does not want to get involved in disagreements among Rhian's fans

"Ayokong makisali sa kanila. Basta ako, tagatanggap langdin ako ng project. Happy ako na ako ang maipa-partner kay Rhian. Nabigyan akong chance ng GMA para magkaroon again ng primetime show," says JC de Vera about rumors that Rhian Ramos's fans prefer JC, rather than Mark Herras, to be her leading man.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang youngactor na si JC de Vera noong naglaro ito sa ball game na in-organize niDingdong Dantes para kumalap ng scholarship fund for Philippine MaritimeInstitute's (PMI) incoming students. Naganap ito noong August 20 sa RizalColiseum.

Isa si JC sa mga nagpakitang-gilas sa paglalaro ngbasketball, dahil mula sa napakalaking lamang ng PMI Admirals sa kanilang teamnoong simula, nagawa nilang makahabol at nag-tie pa sa score na 71 sa bandanghuli. Sabi ni JC, hilig lang daw talaga niya ang paglalaro ng basketball.

"Noong high school ako, bago ako maging artista, playertalaga ako sa [Colegio de] San Agustin. Ever since na maliit ako, naglalaro na ako ng basketball. At hanggang ngayon, basketball pa rin talaga ang favoritesport ko."

Sumasama raw talaga ito sa grupo nilang naglaro ngbasketball, na kinabilangan din nina Wendell Ramos, Antonio Aquitania, Marky Lopez,Arthur Solinap, Marco Alcaraz, at Luis Alandy. Kasama nga raw sana nila siDingdong dito, kaso nasa New Jersey ang aktor.

"Naglalaro kami sa PMI campus sa Quezon City. Kung minsannaman, sa The Fort kami naglalaro. Itong grupo na ito, pati yung nakalabannamin, nag-i-invite kasi sila kung minsan every weekend. E, ako naman, gustoko marami akong makikilala. Makaka-bonding ko rin ang mga ito. So, naglalarotalaga ako,"ang kuwento ng young actor.

Given his busy schedule, paano naman siya napapayag niDingdong na maglaro sa "play for a cause" activity ng leading man ni Dyesebel?

"Inimbitahan nga ako ni Dingdong kung gusto kong maglaro. Saakin, wala namang problema. Basta ang sabi ko sa kanya, ‘Basta 'pag free ako,pare, maglalaro talaga ako. Kahit hindi mo ako i-remind, maglalaro pa rin ako.'Ganoon ako ka-addict, e. Then, ini-explain naman ni Dingdong kung para saanang laro, kung ano ang gagawin, at siya nga ang nagsabi na maglalaro lang kami.So, masaya, di ba?"

Bukod sa basketball at showbiz, may bago nangpagkakaabalahan ngayon si JC. Masayang ibinalita nito na nagbalik-eskuwela nasiya sa U.P. Open University. Although alam daw niya na ilang taon bagoraw siguro niya matapos ang first two years ng general course,pagtitiyagaan na lang daw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE NEXT DRAMA PRINCE? Kasalukuyang palabas sa mgasinehan ang Loving You at natutuwa naman daw siya sa magandang review ngkanilang movie. After Loving You, nakalinya na rin ang TV series na LaLola, at ang Obra. Pero wala pa raw siyang ideya kung ano ang gagawinniya sa huli.

"Hindi pa kasi kami nagmi-meeting regarding Obra.Pero sabi nila last week of August, doon nila sasabihin sa akin kung ano anggagawin kong talaga," ang sabi ni JC.

PEP asked JC kung nararamdaman ba niyang isa siya sa mgaginu-groom ng GMA-7 na maging Drama Prince.

"Hindi ko po alam," ang mabilis nitong sagot. Actually,thankful lang ako na bigay sila ng bigay sa akin at may natatanggap akongmagagandang projects from GMA. Thankful lang ako...Pero yung tungkol sa dramaprince, kapag inisip ko yun, magkakaroon lang ng pressure sa akin.

"Basta sa ngayon, happy ako...very happy. May mga bagay namanako na hindi ko man nasasabi through words... Yun nga, gusto kong magpasalamat sakanila dahil hindi naman lahat ng artista, nabibigyan ng importance. Hindinaman lahat nabibigyan ng project katulad ng sa akin. So, make the most out ofit na lang. Kumbaga, galingan mo na lang."

May personal choice ba siya halimbawang papiliin siya kungsino ang gusto niyang makatrabaho sa Obra?

Aniya, "Ako naman, open naman ako kahit kaninong director.Gusto ko yung palagi akong may natutunan. Ayoko ng nai-stuck ako sa isangdirector lang din. Siyempre, iba-iba ang approach ng mga director, eh. Kumbaga, marami kang matutunan saiba't ibang hahawak sa akin. So, yun nga, looking forward ako na sanamakatrabaho ko yung magagaling na director para, at least, marami akongmatutunan."

Hiningan din si JC ng reaction tungkol sa mga fans ni RhianRamos, ang makakapareha niya sa La Lola, na nag-aaway-away. How does hefeel na sa kanilang dalawa ni Mark Herras, mas gusto raw siyang ka-love team ngyoung actress ?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayokong makisali sa kanila. Basta ako, taga-tanggap langdin ako ng project. Happy ako na ako ang maipa-partner kay Rhian. Nabigyan akong chance ng GMA para magkaroon again ng primetime show," ang sagot ng talentni Annabelle Rama.

Dugtong niya, "Yung tungkol kay Mark, magkaibigan kaminiyan ni Mark. Actually, kanya-kanyang opinion lang naman ‘yan. Pero ang saakin, sana huwag n'yo kong idamay. Siyempre ako, nagwo-work lang din namanako.

"Kung ayaw talaga nila sina Mark at Rhian, wala rin namansilang magagawa kung maipagpa-partner sila, di ba?"

So far, wala raw siyang alam tungkol sa balitang nag-back outna si Mark sa La Lola. Kung siyaraw kasi ang tatanungin, gusto raw niyang makatrabaho si Mark.

"Ngayon ko lang nga nalaman na tinanggal pala siya,"angnagulat nitong sabi. "So, ang alam ko kasi, kasama talaga siya. Ka-triangleko raw kasi, looking forward ako na makatrabaho ko lahat ng kasama ko sa GMA."

Bilang pagtatapos, nasabi ni JC na, "Ako kasi, ayoko ngsinasibihan na, ‘Ay, ayokong makatrabaho ‘yan, pangit ang ugali.' Hindi kasiako ganoon, e... Baka mamaya, ako ang sabihan ng ganoon, ayoko nun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN