Gov. Vilma Santos on son Luis and Angel: "Ano pa ba ang aaminin nila?"

"Huwag muna. Ayoko pang maging lola. My son's enjoying hislife, maawa kayo, he's only 27. Right now, I know he's very, very happy atbilang ina, masaya ako if he's happy. Kung kailan siya ready, open ako at alamkong up to this day, wala kaming inililihim sa isa't isa. We're verycomfortable sa mother and son relationship namin," says Gov. Vilma Santos-Rectowhen asked about her son Luis Manzano's love life.



Dinaluhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) anglaunching ng "Laki sa Gatas" Nutrition Education Campaign ng Bear Brand naginawa sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, kahapon ng tanghali,August 21. Present ang top man ng Nestle at si Batangas Governor VilmaSantos-Recto na top advocate ng campaign at endorser ng Bear Brand.

"I believe in their advocacy" ang main reason ni Governor Vikung bakit ang Bear Brand ang piniling i-endorse na milk product. Sinabi namanng mga taga-Nestlé ang three top reasons why she was chosen to endorse theirproduct.

"Because she's a mother not only to her family, but also toher constituents. Also, her program in Lipa is very much aligned to thecampaign of Bear Brand. Number three, because she's very credible at alamnaming she'll be a very powerful spokesperson for the brand."

Nilinaw ni Vilma na walang kinalaman ang pulitika sapamumuno niya sa "Lakisa Gatas"campaign.

"Walang political agenda ito. Whether tatakbo ako o hindi,this has nothing to do with the 2010 campaign. Wala sa isip ko ang sinasabinilang pagtakbo kong vice-president. Ang focus ko ay ang malnutrition problemsa Batangas. Iniisip ko lang ang makatulong. I want to help and I want to make adifference."

"In anything I do...hindi ko puwedeng sabihin na it's aprestige for me na from a governor I will be the vice-president, hindi po. Angfocus ko, ano yung puwede kong gawin...Batangas lang. Wala akong interes sa nationalpositions, hindi ko pa kaya.

"Tsismis lang yung planong pagtakbo kong vice-president orpresident, forget it, there's no plan and I believe in destiny. Wala sa planoko yun. Gusto ko lang muna talagang makatulong. Nakakaalarma na sa mga bata,malnutrition ang problema, pero sa adult, obesity," mahabang pahayag ng actress-politician.

MOVIE WITH JOHN LLOYD. Ikatutuwa ng Vilmanians angibinalita ni Gov. Vi na malapit na siyang gumawa ng pelikula. Ito yung nasusulatna pelikula nila ni John Lloyd Cruz para sa Star Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Before end of the year, magsu-shooting na kami. Wala pangtitle, pinag-uusapan na. Si John Lloyd pa lang ang alam kong kasama; ang ibangcast, hindi ko pa alam. Ito yung ‘di natuloy last year, matutuloy na rin sawakas. First ito sa three movie commitmentsko sa Star Cinema. May movie rin ako with Luis [Manzano] and Sharon [Cuneta],"kuwento ni Vilma.

LUIS'S LOVE LIFE. Hindi rin nakaligtas si Vilma nangtanungin sa love life ng anak na si Luis. Maraming nali-link sa kanyang binata,sino ang pinakamalapit sa puso ng anak, si Angel Locsin ba?

"I find Angel very, very nice. Masaya sila and I'm happy formy son, period. No comma."

Ready na ba siyang magkamanugang?

"Huwag muna. Ayoko pang maging lola. My son's enjoying hislife, maawa kayo, he's only 27! Right now, I know he's very, very happy atbilang ina, masaya ako if he's happy. Kung kailan siya ready, open ako at alamkong up to this day, wala kaming inililihim sa isa't isa. We're verycomfortable sa mother and son relationship namin."

Posible ba ang movie na magkakasama sila nina Luis at Angel?

"Why not! Basta, enjoy lang."

Sa palagay niya, may relasyon na sina Luis at Angel?

"Nakikita ninyo ang galaw nila at may mga estrelya ang mgamata nila, ano pa ba ang aaminin nila? Basta ako masaya ako sa anak ko."

Biniro si Vilma na ibinuking niya ang anak, pero sabi namannito, hindi itinatago ng dalawa na masaya sila tuwing tinatanong ng press.

"Lagi nilang sinasabing masaya sila and I understand, maymga bagay-bagay na hindi puwedeng sabihin. Alam ni Luis kung saan ilalagay ang sarili,pero ayaw niyang mag-deny," pagtatapos ni Vilma.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN