Phillip Salvador returns to moviemaking after almost eight years with "For The First Time"

"I really miss doing films...everything in it, I'mhungry for more," says Phillip Salvador who's back to doing moviesstarting with For The First Time.



Working birthday for Phillip Salvador kahapon, August 21.Halos wala pa raw siyang tulog dahil galing pa siya nang umagang iyon sashooting ng For The First Time at babalik pa siya sa ilang locationsnila dahil ito na ang last shooting day nila ng movie ng Star Cinema where heplays the father of KC Concepcion.

Sa press conference ng Baler tumuloy si Ipe. Ito angbago niyang gagawing movie na official entry ng Viva Films for the coming MetroManila Film Festival. Nakausap nga ng press si Ipe sa presscon na yun na ginawasa Bayview Salon ng Hyatt Hotel, Manila, kahapon ng lunchtime.

LOOKING FRESH. Pinansin ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) ang pagiging fresh-looking ni Ipe in his Barong Tagalog(by the way, lahat ng male members ng cast ay naka-Barong Tagalog atnaka-Filipiniana costume naman si Anne Curtis). Sabi kasi niya'y wala pa ngasiyang tulog dahil the night before (August 20) ay nag-shooting pa siya atinasalto pa ng mga kaibigang sina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Bong Revilla,Tirso Cruz III, at iba pa nilang friends. Naroon din sina Direk Joyce Bernal, KCConcepcion at Richard Gutierrez, mga kasama niya sa For The First Time,na naki-celebrate ng birthday niya sa Dulcinea Restaurant.

"With the Lord's grace, kahit pagod at puyat, magandapa rin ang feeling ko," nakangiting sabi ni Ipe. "At saka I feel soblessed dahil heto at muli akong gumagawa ng pelikula. Sabi ko nga, it's niceto be back. I'm glad na kinuha ulit akoni Kuya Vic [del Rosario, big boss ng Viva Entertainment]. Sa Viva Films kasiako nagsimula, action and drama movies ang ginawa ko."

MISSING HIS CRAFT. Hindi inilihim ni Phillip na foralmost eight years, wala siyang ginawang movie. Huli pa niya ay ang KaawayHanggang Wakas with Edu Manzano in year 2000. Ano ang naging feeling niyana parang matagal siyang nagpahinga? Na-depress ba siya?

"Hindi naman depression, it's more of missing my craft.I really miss doing films...everything in it, I'm hungry for more,"seryosong sagot ni Ipe. "Inisip ko na lang noon na I'm passing through astorm, but I hung on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit paano, nakatulong din sa akin na nabigyan ako ngchance na makagawa ng mga teleserye. Una kong ginawa noon ang Verano saGMA-7. Isinama naman ako ng ABS-CBN sa teleserye nilang Maging Sino Ka Manat ginawa rin namin ni Gretchen Barretto yung isang episode ng Maalaala MoKaya," kahit paano, parang na-fulfill ko iyong desire kong makabaliksa acting and I'm glad kasi nagkaroon ako ng chance na makasama ko angmahuhusay na young actors natin ngayon.

"Like here in our new movie, makakasama ko sina Jericho[Rosales], Anne [Curtis], Carlo [Aquino], Baron [Geisler], and Bernard[Palanca]. Si Echo nagkasama kami sa AngPanday nang mag-guest ako roon, pero hindi kami nagkaeksena.

"And I think it's worth the waiting na makasali ako saisang napakalaking pelikula, big-budget, itong Baler na first time koring makakatrabaho ang pamangkin ko, si Direk Mark Meily. I'll play the role ofNanding, father nina Anne at Carlo, active member ng isang Filipino rebelgroup. I'm looking forward sa shooting namin, na tamang-tama naman na tapos kona nga ang For The First Time, na guest performer naman ako,"kuwento pa ni Ipe.

IPE'S TAKE ON KC AND RICHARD. Kinumusta ng PEP kayIpe ang dalawa niyang kasama sa For The First Time na first time din niyangnakasama, sina Richard Gutierrez at KC Concepcion.

"Kagabi, bago ako nag-dub, shooting/dubbing kasi kamisa movie namin, pinanood ko muna iyong mga shoots nila sa Greece, at nakita kona may chemistry ang dalawa, may kilig ang mga eksena na parang hinayaan ni Bb.Joyce na gawin nila itong natural, na parang walang camera na nakatutok sakanila. Napansin ko rin na maraming mannerisms si Sharon [Cuneta] na nakikitako kay KC.

"Para sa akin, mabigyan lang ng dalawa pang movies si KC atmahusay ang direktor na magha-handle sa kanya, kikilalanin na ang husay niya saacting dahil magaling siya, bukod pa sa napakabait na bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Richard, nakita ko sa mukha niya ang frustration,ang kanyang passion sa pag-arte. Saka ko na lamang ipaaalam kay Richard kungano ang gusto kong sabihin, pero sabi ko sa kanya, puwede naman niyang i-mixang action at drama."

Kasabay na nagsi-celebrate ni Ipe ng birthday ang kanyangtwo-year-old son na si Pics, pero dahil sa trabaho, hindi pa nila nabigyan ngwife niyang si Emma ng party ang bata. As to his other son [kay Kris Aquino],si Joshua, paminsan-minsan daw naman ay nagkakausap sila ng anak.

Bago umalis si Ipe para bumalik sa location ng For TheFirst Time, muli siyang nagpasalamat kay Boss Vic del Rosario sa opportunityna ibinigay sa kanya at kay Senator Edgardo Angara, na isa sa producers ngmovie, dahil napakaganda raw nito sa industriya at maraming mabibigyan ngtrabaho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN