Governor Vilma Santos talks about gay role being offered to son Luis in her movie with John Lloyd

"Hindi ako ang problema, e. Kasikahit gustuhin ko na tanggapin ng anakko dahil ang feeling ko challenging yung role, kung hindi siya magiging kumportable,hindi siya makaka-deliver," explains Vilma Santos about the gay role being offered to son Luis Manzano (inset).



Matiyagang naghintay si Luis Manzano sa kanyang ina, angStar For All Seasons at Batangas Governor na si Vilma Santos, na matapos angpress conference para sa kampanya na "Laki sa Gatas" ng Bear Brand sa Annabel'srestaurant kahapon, August 21. Maaga pa lang ay dumating na si Luis sa venuepara sa one-on-one interview sa kanyang mommy para sa Entertaintment Live! namapapanood bukas, August 23.

Tumagal din ang interbyuhan ng mag-ina sa loob ng isangfunction room ng restaurant. Pagkatapos ay magiliw na hinarap pa rin niGovernor Vi ang ilan pang members of the press na mag-i-interview sa kanya.

JUETENG ISSUE. Muli ay tinalakay ni Governor Vi ang mga plano niya para saBatangas. Plus ang hindi matigil na pag-aakusa sa kanya tungkol sa jueteng.

"First month ko pa lang dito sa lahat ng buong bayannagpalabas na ako ng sulat saying na I am not encouraging any form of gambling, including jueteng. And then, may mga lumalabas diyan na may share daw ako,may kotse?

"I mean, you know me better than that. Pero ang point ko, angjueteng is a perennial problem. Nung araw pa ninuno ‘yan. Ngayon, kung ako angpag-iisipan ninyo, hindi ako jueteng lord. Hindi kayo mamomroblema doon. Perotulungan ninyo ako dahil hindi ko ito kayang mag-isa. Kayong mga sector diyan, like Kapulisan, tulungan ninyoako. Pati kina Archbishop humihingi ako ng tulong. Sabihin ninyo sa homilyninyo, huwag tumaya ang mga tao. Youget me?

"Kasi habang nandidiyan ‘yan, ‘yan ang gagawin niya. But forme na sasabihin ko na lang laging kokontrahin, paano ko makokontra ang 1.3million na population? But, ako lang mapapatunayan ko sa inyo, I'm notencouraging it. Walang sugal pupuwede sa akin. Pero I cannot do this alone.Ayaw ninyo, bantayan ninyo. E, Diyos ko, paano ko mababantayan? E, kung kayonga...tulungan ninyo ako," pakiusap ni Governor Vi.

GAY ROLE FOR LUIS. Samanatala, pinutol namin si Governor Vi tungkol sa isyu ngjueteng upang itanong kung aware ba siya na inalok si Luis ng Star Cinema nasiyang gumanap na bading na anak niya at lover ni John Lloyd Cruz sa pelikulangnakatakdang gawin nina Ate Vi at John Lloyd before the end of the year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ah...gay! I think in-offer ‘ata. But I think he's not forit," sagot ni Gov. Vi.

Humingi ba si Luis ng advice sa kanya?

"Ah, iniwan ko sa kanya ang desisyon."

Ano more or less ang ibinigay niyang tulong kay Luis paramakapagdesisyon?

"Wala naman," sabi ni Ate Vi. "I told him lang na angimportansiya ng isang role, hindi sa length. It can be short but very, verymeaningful. Sabi niya, naintindihan naman daw niya. Hindi pa lang niyama-imagine ang sarili niya ng gay.

"Sabi ko, ‘It's not ano naman, e, screaming gay, anak, e.' It'snot even a closet gay. Parang behave lang. Pero sabi niya, isa-psyche lang daw muna niya ang sarili niya lalo na‘yan kung matutuloy with John Lloyd, but I don't know. Nasa sa kanya. If he wants to do it, okay; ‘pagayaw niya, okay."

What if i-turn down ni Luis ang offer ng Star Cinema?

"Kung ite-turn down niya ‘yon, that's his decision and Iwill respect him for that."

Okey lang ba kay Gov. Vi na sa first movie nila together ni Luis ay role ng isang gay ang gagampanan ng kanyang anak?

"Okey lang. Wala namang problema."

Kahit gawin ni Luis ang movie nila ni John Lloyd, maygagawin pa rin daw si Governor Vi with her eldest son sa Star Cinema.

"Supposedly, isa sa plano ng Star Cinema, oo, kungtatanggapin niya. Kung hindi, hihintayin ko na lang yung isa sa usapan ng StarCinema na movie with Lucky."

Personally, gusto ba niya o huwag na lang tanggapin ni Luis yunggay role?

"Hindi ako ang problema, e," sabi ng actress-poitician. "Kasikahit gustuhin ko na tanggapin ng anakko dahil ang feeling ko challenging yung role, kung hindi siya magiging kumportable,hindi siya makaka-deliver. So, that's why I told Star Cinema, kina Inang [OliveLamasan], kina Malou [Santos, Star Cinema's Managing Director], ‘No, don't talkto me.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, kung kukunin niya [Luis], fine with me, okey sa akin ‘yon. Pero kung hindi niyakukunin, then I will respect his decision. Ibig sabihin, hindi pa siya readyfor that role."

Pero ano ang initial reaction niya nang malaman niya nainalok ng Star Cinema si Luis for the gay part sa movie nila ni John Lloyd?

"Challenging yung role!" bulalas ni Gov. Vi. "Kasi mamamataysiya, e. In the middle of the film, mamamatay siya. Kaya doon kami lalongmagkakaengkuwentro ni John Lloyd after mamatay nung baklang anak. Yun ang engkuwentronamin."

Any suggestion sa tingin niya na babagay ang gay role samovie nila ni John Lloyd kapag tinanggihan ni Luis ang offer?

"No, sila ang bahala. They are asking me kung kaninoako... I think kay Ryan Agoncillo, e. Hindi ko alam, e. Parang hindi na rinyata," banggit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN