Iza Calzado wants to take time off from TV projects to concentrate on movies

"Usually, I would have something talaga for kids. Perosiguro bigger party. Kasi I'm celebrating my 7th year inshowbiz and I'm turning 27 and I'm with Channel 7, so 777. So, it might be avery good year," says Iza Calzado about her plan for her 27th birthday next year.



Earlier today, August 22, sa Secret Café & Restaurantna pag-aari ni Fanny Serrano ay nagkaroon ng mini-presscon si Iza Calzado withselect members of the entertainment press, kabilang na ang PEP (PhilippineEntertainment Portal). Pa-post birthday treat daw ni Iza ito sa ilangentertainment press dahil last August 12, Iza turned 26.

Last year, Iza thought of having a party dahil 25 na ngasiya, pero hindi rin daw niya nagawa. Pero ang yearly birthday visit niya sailang mga batang may cancer ang hindi niya nakakaligtaang gawin. By nextyear, hopefully raw ay magpa-party siya since 27 na siya.

"Usually, I would have something talaga for kids. Perosiguro bigger party. Kasi I'm celebrating my 7th year inshowbiz and I'm turning 27 and I'm with Channel 7, so 777. So, it might be avery good year," banggit ni Iza sa plano niya para sa susunod niyang kaarawan.

Nang malaman ni Iza na nagbukas na ang coffee shop niFanny, siya raw mismo ang nag-suggest na sa naturang lugar magpa-presscon,through her sponsor, Pink Soda.

"I've known Tita Fanny since bata pa ako dahil nga yung momko at siya yata, nagka-business dati. At saka si Tita Fanny, he's always beenvery nice to me. Tamang-tama, naisip ko yung text niya about his café, kayasabi ko sa daddy ko [Lito Calzado], ‘Naku daddy, masarap ang food dun kasi siTita Fanny, kapag nagpapa-party sa bahay niya, napakaraming pagkain at angsarap!' At hindi ko nga alam na first major gathering pala ko rito," lahad niIza.

UPCOMING PROJECTS. When asked about her TV projects after Joaquin Bordado, walapa raw ani Iza. May mga naka-lineup na raw na soap opera, pero malamang na bynext year na raw mag-materialize ang mga ito.

"Bakit ba, ayaw n'yo ba akong ma-miss?" natatawang sabiniya. "Actually, ganoon din naman ang nangyari from Impostora, nag-end siya ngmga August-September, pero nag-start kami ng Joaquin by February. Hindi n'yolang namalayan because I was very visible. Pero ganoon naman po, di ba?Weather-weather lang ‘yan. Pana-panahon lang ‘yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw rin ni Iza ang lumabas na balita na tumatanggi nasiya sa mga offer ng GMA-7 ngayon for a soap opera, especially an afternoonsoap. Sa ngayon daw kasi, gusto rinniyang mag-concentrate muna sa gagawing movie sa GMA Films at RegalEntertainment, ang One True Love at ang sequel ng Desperadas ng Regal din.

By first week of September, inaasahang makapag-start naraw sila ng shooting for One True Love, kung saan makakasama niya sina DingdongDantes at Marian Rivera.

"Siguro naman, I think by September, makakapag-start na kaming shooting. Kasi alam n'yo, sobrang busy ng dalawa [Dingdong and Marian],especially this month. Buong buwan yung birthday celebration nila. May concertpa sila sa Araneta Coliseum.

"In fact, as early as July, sabi nga ni Popoy Caritativo[Marian's manager], parang imposible nga raw dahil sa schedules nila. In fact,kung dalawang beses yata, lumabas sila ng bansa for this month. So hopefully,by September we'll start shooting na nga."

Iza also confirmed na isa siya sa magiging special guest ninaDingdong at Marian sa Let's Celebrate, The Dingdong & Marian BirthdayBlowout sa August 27.

HAPPY FOR SUNSHINE. Masaya naman si Iza na ang kanyang kaibigang si SunshineDizon ay aktibong muli sa showbiz career nito.

"I'm very, very happy!" sambit ni Iza. "Actually, ang unanglabas niya ulit, kine-claim ko pa, e... Sa SOP, alam n'yo yung sabi ko, ‘At leastnang unang makita ka ulit, sa birthday ko, so thank you.' Nag-thank you talagaako na kumanta siya for me. At saka kagabi lang, magkausap kami dahil excitedkami sa mga future projects namin lahat."

Ito na ba yung supposedly plano nilang Encantadia theConcert?

"Ay, parang put on hold siya!" bulalas ni Iza. "Parang busyyata lahat ng tao. Kami ay magiging busy pa lang. Although siya [Sunshine],nagsu-shoot na siya ng Sundo ngayon. Happy ako for her and excited na excitedsiya to work."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IMPROVING HER CRAFT. At this point in her career, aminado si Iza that she'staking a little time off sa datingsobrang ngaragan niyang schedule. Personal naman daw niyang desisyon ito.Ginagamit daw niya ang panahon niya ngayon sa pag-i-improve pa ng craft niya.In fact, isa sa nabanggit ni Iza ay ang dance lessons atpagdyi-gym para mas mapaganda pa ang kanyang katawan.

In fairness kay Iza, isa siya sa mga aktres ngayon nanapakatapang sa pagtanggap ng mga roles. Mapa-independent-produced films manito o mainstream.

Aniya, "I just love to have fun! Sabi nga nila, bakit dawnagka-cameo ako? Bakit yung mga independent film ginagawa ko? Hindi rin naman lahat ginagawa ko dahilhindi rin naman lahat magagawa mo. And next, it depends on let's say a scriptor a concept or a friend of mine is doing it. Or kaya, I know that I have agood relationship like friendship.

"Tulad din nang inalok sa akin ni Direk Peque Gallaga angPinoy Blonde. Sabi ko, ‘You know, I will grab this opportunity because I feelin the long run, may ibang factor siya. It's not always about the money.' So,yun."


May particular role ba siyang gustung-gustong gawin?

"Naku, marami!" sambit ng aktres. "Yung mga tipong maypagka-Angelina Jolie sa pelikulang Girl, Interrupted and, you know, how Frenchfilms, yung mga babae nila, talagang iba ang atake nila sa mga lead.Gustung-gusto ko yung ipinapanood sa akin ng director namin sa Blackout na Red,White, Blue.

"It's so good! Gustung-gusto ko yung mga ganoong pelikula, common!Common!" tila na-excite pa niyang sabi. "Gusto ko rin yung mga romantic moviena parang Before Sunrise, Before Sunset. It's more on the chemistry ofthe people on screen, rather than magpapakilig kayo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN