"Juicy" host Alex Gonzaga gets tips on hosting from sister Toni Gonzaga

"Up to now, nanonood naman talaga ang Ate ko, ‘taposbinibigyan niya ako ng tips. Sino ba ang lalapitan ko, e, isang kuwarto lang angpagitan namin sa bahay. Saka happy din siya for me kasi this is a differentkind of experience for me," says Alex Gonzaga about her sister Toni Gonzaga.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) angactress-TV host na si Alex Gonzaga sa set ng showbiz talk show na Juicy kahapon,August 21. Sinabi ng younger sister ni Toni Gonzaga na flattered siya sa chancena ibinigay sa kanya ng TV5 para maging host ng isangshow.

"I am honored na napagkatiwalaan ako ng TV5, ‘tapos mag-isapa ako sa show. I am very pleased. Pero may pressure din po kasi kailanganmagampanan ko nang mahusay ang trabaho ko kasi nga po, ako lang mag-isa anghost ng show," pahayag ng dalaga.

Nang malaman niya na siya lang mag-isa ang host ng Juicy,shocked daw talaga si Alex at pakiramdam niya ay tila siya mahihimatay.

"First time ko magkaroon ng show na mag-isa, ‘tapos sinolang ba ang nabibigyan ng pagkakataon like this? Sabi naman nila sa akin, justbe yourself. Pinalalakas naman nila ang loob ko."

Humingi pa raw siya ng tips sa kanyang Ate Toni kung paanoniya gagawin ang kanyang trabaho.

"Up to now, nanonood naman talaga ang Ate ko, ‘taposbinibigyan niya ako ng tips. Sino ba ang lalapitan ko, e, isang kuwarto lang angpagitan namin sa bahay. Saka happy din siya for me kasi this is a differentkind of experience for me," sabi ni Alex.

Aminado si Alex na sobrang kaba ang nadama niya nung firsttime niyang sumalang sa Juicy. Ten minutes pa raw bago magsimula ang show ayinaatake pa rin siya ng nerbiyos.

"Pinagpawisan ang kili-kili ko!" tawa niya. "E, hindi namanako pinagpapawisan sa kili-kili ‘tapos malamig pa rito sa studio dahil aircon, peropinagpawisan ako talaga. Siyempre, first time, kaya sobrang kaba."

Kumusta naman ang feedback sa kanyang paghu-host ng Juicy?

"Magaganda kasi puro kamag-anak ko ang nanood!"pabirong sagot ni Alex. "Kiddingaside, maganda naman daw ang feedback ng viewers. Pero kailangan pa ng kontingpolishing sa hosting at sa mga adlib. Pero so far, okay naman daw."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malakingchallenge daw ito para sa kanya kaya malaki ang kanyang pasasalamat sa tiwalangibinigay sa kanya ng TV 5. Bukod sa Juicy, kasali rin si Alex sa cast ng gagshow na Loko Mo Ko na kapalit ng Wow Mali.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN