Iza Calzado throws annual birthday treat at Children's Medical Center

"Nung time na dumalaw na ako sa ospital at may dala akongcake, tumayo yung bata. Nakita ko yung joy na naramdaman ng bata. Kumbaga, yungmere presence ko, nakapagbigay pala ako ng kasiyahan sa bata. After nun, I gotthe chance to celebrate my birthday dun sa ospital, ilang kids pa lang yun," narrates Iza Calzado her yearly charity work for the children confined at Philippine Children's Medical Center.



For four straight years, pinili pa rin ni Iza Calzado na i-celebrate ang kanyang kaarawan kasamang mga batang pasyente, karamihan ay may cancer, sa Hematology Departmentng Philippine Children's Medical Center (PCMC) sa Quezon Ave., Quezon City,kahapon, August 22. Noong August 12 ang actual 26th birthdayniya.

Kahapon nga, after ng kanyang presscon cum post-birthdaytreat para sa selected members of the entertainment press, dumiretso si Iza sa PCMC para sakanyang nakagawian nang pagse-share ng blessings sa mga batang maysakit. Nagingsaksi ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa birthday treat atcharity work na ito ni Iza.

Paano nga ba ito nagsimula?

Kuwento ni Iza, "Nag-umpisa ito kasi mayroon akong cousin,si Kuya Dennis Savellano, na nagwo-work as nursesa PCMC. Nagte-Te Amo [Iza's defunct soap on GMA-7] pa lang kami nang tinawagan niya ako. Sabi niya, mayisang bata raw doon na ang pangarap daw niya ay makita si Rosella, yungcharacter na ginagampanan ko sa Te Amo, at saka si SarahGeronimo. E, siyempre, wala naman siyang koneksiyon kay Sarah, kaya ako yungtinawagan niya.

"Nung time na dumalaw na ako sa ospital at may dala akongcake, tumayo yung bata. Nakita ko yung joy na naramdaman ng bata. Kumbaga, yungmere presence ko, nakapagbigay pala ako ng kasiyahan sa bata. After nun, I gotthe chance to celebrate my birthday dun sa ospital, ilang kids pa lang yun.

"Hanggang sa yearly,nagpapadagdag ako ng kids, kasi nadadagdagan din naman ang blessings ko.Hanggang sa maging 100 kids na plus their companions yung nakakasama sa party.At yearly ko na nga itong ginagawa. Siguro next year, balak kong gawing masmalaki yung party para mas marami pang bata yung makasama," lahad ni Iza saPEP.

Pinasaya ni Iza ang mga bata sa ginanap na programa nakinabibilangan ng games, kantahan, sayawan, magic at puppet show, kainan, atpamimigay ng mga regalo at giveaways.

Nakaka-touch makita yung pag-ngiti ng ilan sa mga bata nakahit nanghihina at naka-dextrose pa ay alam mong nakaramdam ng kasiyahan kahitsa sandali lang na ‘yon. Bibong-bibo rin ang ilang bata sa kanilang pagsasayaw atnaki-join pa si Iza

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa pagbati ng "Happy Birthday" at pagbigay ng wish kayIza, bawat bata ay nagbigay ng bulaklak sa aktres. In exchange, halik at yakapang handog ni Iza na may kasama pang bag at iba pang regalo.

Labis namang nagpasalamat ang pamunuan ng PCMC kay Iza dahilhindi nagsasawang mag-share ng blessings ang aktres sa kanilang mga batangpasyente.

Emosyonal din ang isang nanay na representative ng mgamagulang habang ibinibigay kay Iza ang isang plake ng pasasalamat mula sa mgamagulang. Naiiyak ang nanay na nagpasalamat sa inihahandog na kasiyahan ni Izasa kanilang mga anak taun-taon.

Masaya rin si Iza dahil ilan sa mga batang nakasama niya samga nakaraang birthday niya sa PCMC ay gumaling na at nakalabas na ng ospital.Ilan din sa mga batang ito ang dumalo sa birthday treat niya this year.

Dumating at tumulong kay Iza sapagpapasaya ng mga bata ang kapwa niya Kapuso talent na si Jackie Rice.

Sobrang nagpapasalamat si Iza sa GMA Artist Center nataun-taon ay todo ang suporta sa kanyang pagkakawanggawa. Present din ang ilangGMAAC staff sa pangunguna ni Jenny Donato para tulungan si Iza sa event na ito.

Nagpapasalamat din si Iza sa kanyang fans, ang IONS, nataun-taon ay sumasama sa kanya sa PCMC paramag-assist sa pamimigay ng mga pagkain at regalo sa mga bata.

Bagama't may pansariling wish si Iza, meron din siyangwish para sa mga bata. Aniya, "Sana gumaling sila at maging masaya. Sana huwagsilang maggi-give up, pati ang parents nila. Just continue on praying. Prayerscan make wonders."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN