Jean Garcia insists she and Polo Ravales are just "very good friends"

"Yung ibang tao kasi, nilalagyan lang ng malisya. Para saakin, opinion nila ‘yon kaya okey lang. Basta kami ni Polo, wala kamingitinatago or gustong hindi ipaalam sa mga tao. We're very good friends at yunlang ‘yon," says Jean Garcia about her relationship with Polo Ravales.



Isang source ang nagbalita sa PEP (Philippine EntertainmentPortal) na nakita diumano sina Jean Garcia at Polo Ravales na tumitingin ngkotse sa isang car showroom kamakailan. Ito nga ang natanong namin kay Jean nangmag-celebrate siya ng kanyang birthday last August 22 sa Dolce Club sa TomasMorato, Quezon City.

Dumalo sa kanyang kaarawan ang kanyang mga close friendssa loob at labas ng showbiz. At siyempre, laging nakatabi sa birthday girl siPolo noong gabing ‘yon.

Nang tanungin si Jean kung totoo ba ang nakita ng amingsource, walang pagde-deny mula kay Jean o maging kay Polo. Totoo raw na maytinitingnan silang kotse, pero hindi nila sinabi kung para kanino ang kotse.

"Actually, kotse angregalo sa akin ni Pol!" sabay tawa ni Jean. "Ang ganda ko naman masyado, di ba?Kotse na ang nireregalo sa lola n'yo!

"It's true na may tinitingnan kaming kotse ni Pol. Pero kungpara kanino ay hindi ko na sasabihin. Who knows na baka para pala sa akin opara kay Pol. Kailangan lang namin ng opinion ng bawat isa kung tama ba yungkotse o hindi. Yun lang naman ‘yon," paliwanag niya.

Dagdag pa ni Jean, ganyan naman daw sila ni Polo sincenaging very close sila. Tuwingmay naiisipang bilhin si Jean ay hinihingi niya ang advice ni Polo and viceversa.

"Wala namang masama doon, di ba? It means that we trust eachother's taste sa mga bagay. It's part of the friendship na nabuo na namin withone another kaya huwag ninyong lagyan ng malisya!" sabay tawa ni Jean.

Pero may nagsabi kay Jean na gawain lang daw ng magkasintahan angmag-consult sa bawat isa ng kung ano ang tamang bilhin. In fact, gawain din ‘yan ngmag-asawa.

"Gano'n? Nakakaloka naman ‘yang interpretation ninyo!" tawaulit ni Jean. "Siguro naman kahit friends kayo, you can do that. Not unlessmedyo personal na, siyempre ikaw na ang magdesisyon. Pero when it comes namanto some things ay kailangan din natin ng opinion ng kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung ibang tao kasi, nilalagyan lang ng malisya. Para saakin, opinion nila ‘yon kaya okey lang. Basta kami ni Polo, wala kamingitinatago or gustong hindi ipaalam sa mga tao. We're very good friends at yunlang ‘yon."

THANKSGIVING PARTY. Hindi lang dahil sa birthday ni Jean kaya siya nagpa-partykundi isang thanksgiving party na rin daw 'yon dahil sa sunud-sunod na blessings nanatatanggap niya at ng kanyang pamilya.

"Matagal ko nang gustong gawin ito pero mas maganda kung maykasabay na okasyon, which is my birthday," ngiti ni Jean. "For the past threeyears, ang ganda ng takbo ng career ko sa TV especially when I did soap dramaswith GMA-7 starting with Majika, Atlantika, Impostora, La Vendetta, and nowwith Dyesebel. ‘Tapos may mga movies pa ako na ginagawa at may mga endorsementspa.

"I'm also thankful dahil sa pagtanggap ng marami sa anakkong si Jennica [Garcia]. Ever since na nag-showbiz siya, nag-enjoy na talagasiya and she's doing very well. Nagsimula siya sa Impostora and she has sincedid Boys NxtDoor, Babangon Ako't Dudurugin Kita, Ako Si Kim Samsoon, atkasama rin siya sa Gagambino.

"So, marami akong gustong pasalamatan sa Panginoon for beingso good to me and my family. Kaya there's a reason to celebrate, aside from mybirthday," pagtatapos ni Jean.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN