Michael V feels honored as 2nd Filipino to land the cover of "Reader's Digest"

"Inano nila yung history ko. As a person lang na hinditalaga komedyante, as a person lang. Kumbaga, inaalam nila kung bakit nagkaroonng ganoong klaseng humor ang isang Michael V," relates Michael V about being chosen as the cover of Reader's Digest.



Nakausap ng Showbiz Central through a taped interview angmagaling na komedyante na si Michael V tungkol sa pagiging cover niya ngSeptember 2008 issue ng Reader's Digest (Asian Edition). Reader's Digest is awidely read general interest family magazine, which started in the United States and hasinternational editions, including Asia.

Sa naturang cover ay naka-makeup si Michael V na mukhangmatanda at naka-Barong Tagalog. Sa bottom ng cover ay nakalagay ang mgasalitang "Yari Ka!"—tagline ng show ni Bitoy sa GMA-7, ang Bitoy's FunniestVideos.

Ayon kay Michael V, "Parang ngayon nga, hindi pa rin akomakapaniwala. Kasi noong may nagdapala ng sulat regarding the cover, parangpangalawa pa lang daw Pinoy na maku-cover, so parang may pressure. The firstone was President Cory Aquino. Hindi ko alam na gagawin pala talaga. Kasi angalam ko lang, may feature. Hindi ko alam na magko-cover pala, so big dealtalaga sa akin."

Hindi na raw kataka-taka na maging cover si Michael atmakasama sa list ng ilang Asian comedians—Singapore's Mark Lee and Malaysia'sHarith Iskander—dahil kinikilala naman talaga ang kanyang galing sa buong Asya.

"Ang pinagbasehan siguro nila, sa Asian TV Awards becausenanalo na ako ng tatlong beses sa Asian TV Awards for Best Comedy Actor [forBubble Gang]. So, palagay ko doon talaga nila pinagbasehan at malalagay talagasa cover."

Pero ang feature article daw ni Michael V sa Reader's Digestay hindi lang ang pagpapatawa niya dahil seryosong binalikan ang kanyang pagiging komedyante.

"Inano nila yung history ko. As a person lang na hinditalaga komedyante, as a person lang. Kumbaga, inaalam nila kung bakit nagkaroonng ganoong klaseng humor ang isang Michael V. So, ikinuwento ko sa kanila ang pinagmulan ko. Ang buhay ko sa tenementdati. Yung growing up sa tenement, sa elementary at high school, at sa PLM [Pamantasanng Lungsod ng Maynila]."

Dahil daw sa pangyayaring ito, hindi na maiiwasangmaikumpara si Bitoy sa mga batikan nang komedyante sa bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nahihiya pa rin ako," sabi ni Bitoy. "Feeling ko, hindi kopa nagagawa yung mga nagawa nila and at the same time, may mga ganyan nanghonor. So, I'm really flattered."

Natawa naman si Michael V when asked kung sa achievementniyang ito, handa na kaya siyang ipakita ang pagpapatawa sa internationalscene.

"Sana nga," aniya. "Pero siguro...ewan ko...ewan ko... Hangga'twalang offer, hindi naman ako magdya-jump kaagad. Kung meron, e, di okay,ita-try ko rin. Pero sabi ko nga, ang serbisyo ko, para sa mga Filipino muna,first and foremost. Mas maganda if I can make it a lot better here bago ko gawinsa ibang bansa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN