Judy Ann Santos reiterates she is not pregnant

"Nagulat nga ako nung marinig ko ‘yan. Yung, ‘Ha? Saannanggaling ang isyu na ‘yan?' Para sa akin, yung pagbubuntis, isang bagayna hindi ko naman itinatago. Dapat ko pa nga ika-proud yun dahil 30 na ako. Ipagsisigawan ko sa buong mundo kung buntis na ako," says Judy Ann Santos about rumors that she is already pregnant.



Ibinalita sa Entertainment Live! noong Sabado, August23, na malapit nang ipalabas ang nurserye ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN napinamagatang Humingi Ako Sa Langit. Bukod dito, magiging editor-in-chief din siJudy Ann sa isang special edition ng isang magazine na lalabas ngayong Oktubre.

"This is the first time na magiging editor-in-chief ako.Ilalabas namin yung about me na hindi pa nila nakikita o nababasa sa ibangmagazine. I'm starting to write the editorial note already," pahayag ni Judy Annsa Entertainment Live!

May sariling website na rin si Juday para sa kanyang mgatagahanga, judai.multiply.com.

"They could check it out for information, pictures andfor anything, mga bagong update sa akin."

Inamin din ni Judy Ann na miss na miss na niya ang boyfriendna si Ryan Agoncillo na kasalukuyang nasa Argentina ngayon para sa shoot ngPinoy Fear Factor. "Siguro a test for the relationship also. Kasi ‘eto talagayung longest na nagkahiwalay kami."

Sinabi rin ni Judy Ann na uunahin muna nila ni Ryan ang pagpapatayo ng bahaybago sila magpakasal.

"Kaka-start pa lang magpa-design, yung ganun. Start pa langpinag-iisipan kung ano yung gusto namin na design ng bahay. Hindi yung kung kailanstart na nung construction, ‘Ay, ayaw ko niyan. Gusto kong palitan.' Partetalaga ng plano na magkabahay muna bago magpakasal para, di ba, maging settledmuna rin yung buhay namin para sa kinabuksan."

Nilinaw naman ni Judy Ann ang kumakalat na tsismis na buntissiya.

"Nagulat nga ako nung marinig ko ‘yan. Yung, ‘Ha? Saannanggaling ang isyu na ‘yan?' Para sa akin, yung pagbubuntis, isang bagayna hindi ko naman itinatago. Dapat ko pa nga ika-proud yun dahil 30 na ako. Ipagsisigawan ko sa buong mundo kung buntis na ako. Hindi ako buntis!" ulit niJudy Ann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN