Dingdong Dantes: "Instead of giving a different meaning to it, sana let's just support each other."

"Well, ang sa akinlang, alam n'yo, napakaliit ng industriya natin. We should give credit doon samga talents na nagkakaroon ng opportunity like with Richard and KC, they havean opportunity to do a movie together. And kami ni Marian, may opportunity rin todo to this kind of show. So sana, instead of giving a different meaningto it, di ba, sana let's just support each other. Konti na nga lang tayo saindustriya, pero gawin nating makulay," says Dingdong Dan



Pagkatapos ng SOP kahapon, August 24, ay nakausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si Dingdong Dantes sa saGMA compound bago ito dumiretso sa rehearsal nila ni MarianRivera for their Let's Celebrate, The Dingdong-Marian Birthday Blowout nagaganapin sa Araneta Coliseum, August 27.

Ilang araw pa lang halos mula nang dumating sila mula sakanilang GMA Pinoy TV show sa New Jersey at masaya nga niyang ibinalita nanaging successful naman ito.

"Dalawang araw yung show namin sa New Jersey, pero sadalawang araw na yun, iba'ti bang groups of Filipinos ang nandoon. Siguro merongumulit, pero konti lang. Maraming tao at sa Jersey City siya mismo. Yungreception, halos pareho rin no'ng sa LA [Los Angeles], although mas marami langtao sa LA. Kasi yung sa LA, parang Araneta Coliseum ang venue. So, thisone is a smaller venue.

"Very convenient din kasi yung hotel namin, tabi lang ngvenue. At binigyan din kami ng panahon para makapag-shopping. Kumbaga sa umaga,may oras kami dahil sa hapon lang naman at sa gabi yung event. Kaya ako, yungmga last few days na ako nakapagpahinga," nakangiting kuwento ni Dingdong.

Dagdag niya, dumating din ang ilan sa mga fans nila nanag-welcome sa kanila ni Marian noong nasa LA sila."

Totoo rin daw na naiwan sila ng eroplanong sasakyan niladapat, kaya na-delay ng isang araw ang uwi nila. Nagkaroon lang dawng konting problema, pero naayos din naman.

Doon na raw sila mismo sa airport ng hotel nag-stay. Pareho rawsila ni Marian na nagpahinga at natulog na lang dahil alam nilang pagbaliknila ng Pilipinas, mapapasabak na sila sasunud-sunod na trabaho.

FREE TICKETS IN DEMAND. Excited na raw si Dingdong para sa Let's Celebrate show nilani Marian sa Wednesday, at nakapagsimula na sila ng rehearsal. Kahit free ang concert, may policy na no-ticket, no-entry. Ilang tao na rinang nagsabi sa PEP na nagkaubusan na ng tickets na maipapamigay, peronapakarami pa raw ang nanghihingi at hindi nabibigyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ipinamahagi pala noong Monday at Tuesday sa GMA Networkay para sa General Admission na may bilang na halos 2,000 at yung upper atlower box ay naghati-hati na para sa winners sa pa-contest ng show sa radio atsa Dyesebel mismo. Yung iba naman ay para sa mga sponsors ng show na mismongang GMA-7 ay nagtataka dahil sa interes na ipinapakita ng mga ito na manoodat sa dami ng mga tickets na hinihingi.

Nagugulat din daw ang ilang GMAexecutives dahil sa maging ilang organisasyon na hindi nila kilala ay tumatawagngayon at nagre-request ng tickets. Bukod pa siyempre rito ang mga fans ninaDingdong at Marian.

Wala na ring choice ang GMA-7 kundi magbigay ng kontingtickets sa mismong stars ng palabas na sina Dingdong at Marian para sa mgapersonal nilang pinangakuan. Kahit mag-produce man daw ng tickets pa ay hindimaaari dahil wala na rin pupuwestuhan sa Big Dome.

Ang lahat ng ito ay kinumpirma sa amin ni Dingdong nangmakausap namin siya. Aniya, "Yung tickets lang talaga, sobra kasing damingsponsors, maraming dapat pagbigyan. Like ako, sa ni-request ko is only 10percent of what I requested. Si Mommy nga, medyo namomroblema rin ngayon kasimarami rin ang nanghihingi sa kanya. Kahit ako,personally, marami pang nakalagay sa Inbox ko na nanghihingi sa akin atnapangakuan ko na rin. Pero wala, hindi ko pa alam kung anong magagawa at kungmay magagawa pa ba."

PRODUCTION NUMBERS. On his part, isa raw siguro sa masasabi niyang puwedengabangan sa kanya ay ang pagsasayaw ‘tulad nang ginagawa niya noon araw,especially noong member pa siya ng Abztract Dancers.

"Ako kasi, bihira na akong gumawa ng dance number, as inmatagal na. Gusto ko rin ibalik yun. Pero this time, ibang klaseng pagsasayawnaman, hindi naman hip-hop. It's something to look forward. Kahit ako, isa itosa inaabangan ko.

"Pero karamihan, si Marian talaga ang sasayaw. Siyemprekaming dalawa, may mga song numbers kami, a couple of dance numbers. Generally,it's a high-energy show, so masaya ‘to!" lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Dingdong, halos lahat ng leading men andleading ladies ng GMA-7 will be there, like Iza Calzado,Diana Zubiri, AlfredVargas, Marvin Agustin, and Paolo Contis.

CONTROVERSIAL PLAYDATE. Sa likod ng kagustuhanlang nila ni Marian, at maging ng GMA-7, na magpasalamat sa mga loyalsupporters nila—mula Marimar hanggang ngayonsa Dyesebel—may isyu pang tila pananabotahe dahil sapagkakasabay ng opening day ng For The First Time nina Richard Gutierrez and KCConcepcion at birthday concert naman nila ni Marian.

Anong nararamdaman ni Dingdong tungkol sa controversy?

"Well, ang sa akinlang, alam n'yo, napakaliit ng industriya natin. We should give credit doon samga talents na nagkakaroon ng opportunity like with Richard and KC, they havean opportunity to do a movie together. And kami ni Marian, may opportunity rin todo to this kind of show. So sana, instead of giving a different meaningto it, di ba, sana let's just support each other. Konti na nga lang tayo saindustriya, pero gawin nating makulay," pahayag ni Dingdong.

Tinanong din namin si Dingdong kung manonood ba sa birthdayshow nila ang director nila ni Marian sa Dyesebel na si Bb. Joyce Bernal, naincidentally ay siya ring direktor ng For The First Time.

"Hindi ko pa alam. Hindi pa kami nagkakausap. Butdefinitely, we will support their movie," sabi ni Dingdong.

Sa palagay niya ba ay siya ang sentro, o pinanggagalingan ngmga intriga, tungkol sa bintang na pananabotahe dahil sa sinasabing kumpetisyonsa pagitan nila ng itinuturing naman niyang kaibigan rather than rival na siRichard?

"Ako, hindi...hindi talaga. Actually, wala naman kamingkinalaman diyan. Maraming factors involved. Nandiyan ang Araneta Coliseum, angGMA. Basta kami, we will just do our best on that event and we are also lookingforward to their upcoming movie," saad ni Dingdong.

Sa lahat ng mga intriga kay Dingdong, hindi maikakaila nainuulan pa rin siya ng blessings. Heto nga't napabilang siya sa listahan ng E!Television ng 25 Sexiest Men of the World. Ano ang masasabi niya sa lahat ngito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Kasi, nirerespeto ko naman ang ginagawa ko and I lovemy work. At kung anuman ang dumarating na ganyan, I know naman how to deal withthings because the truth shall always set you free. Kung ano ang tama, kung anoang totoo, doon ako and I will always stick to what I believe in," pagtataposni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN