Rhian Ramos: "Ayoko pong maging kontrabida sa love team nina Yasmien at JC."

"Walang reason paramagselos. At saka yung mga fans nila, ayoko ring mag-worry sila kasi itong LaLola, isang show lang naman siya. Nakita naman natin na malakas talaga angtambalan nila, ilang shows din ang pinagsamahan nila. Sa tingin ko kapag ganunkalakas ang isang tambalan, hindi ito basta mase-separate," explains Rhian Ramos (left) abou the love team of Yasmien Kurdi (center) and JC de Vera (right).



Hindi nag-aalala si Rhian Ramos na baka magalit ang mgasolid fans nina JC de Vera at Yasmien Kurdi dahil sa pagsasama nila ni JC sa upcomingGMA-7 teleserye na La Lola.

"I don't think naman magagalit ang mga fans nila sa akin.Hindi ko naman po inaagaw si JC. Temporary break lang naman yung tambalan naminni JC. Trabaho lang po talaga ang lahat. Ayoko pong maging kontrabida sa loveteam nina Yasmien at JC," pahayag ni Rhian sa PEP (Philippine EntertainmentPortal).

Hindi rin ba siya nagwo-worry na posibleng siya naman angbagong pagselosan ni Yasmien, na nauugnay nga kay JC? Naintriga kasing nagselosdiumano si Yasmien kay Michelle Madrigal nangmagtambal sila ni JC sa movie na My Monster Mom.

"Hindi naman po siguro," sagot ni Rhian. "Walang reason paramagselos. At saka yung mga fans nila, ayoko ring mag-worry sila kasi itong LaLola, isang show lang naman siya. Nakita naman natin na malakas talaga angtambalan nila, ilang shows din ang pinagsamahan nila. Sa tingin ko kapag ganunkalakas ang isang tambalan, hindi ito basta mase-separate."

Okay ba na si JC ang makakasama niya sa bago niyangteleserye?

"Oo naman po, hinahangaan ko po yung acting skills ni JC, atsaka para makasama ang isang mahusay na artista katulad niya, siyemprenae-excite ako, lalo na mahaba ang magiging pagsasama namin and hopefully maymatutunan din ako sa kanya."

Nagkatrabaho na sina Rhian at JC sa movie na Ouija.Pero ayon kay Rhian sandali lang naman silang nagsama rito, two days lang daw.

Between JC and Mark Herras napareho na niyang nakatrabaho, sino ang mas kumportable siyang katrabaho?

"Actually, pareho naman po. Kasi pareho naman silangprofessional. Si Mark kasi mas matagal ko na siyang nakasama, nagka-soap kami,yung My Only Love; ‘tapos may movie kami, yung I.T.A.L.Y. Si JCnaman, kahit sandali pa lang kaming nagkakasama,we make the most out of it. Si JC kasi napakabait na tao, very friendly, kapagmagkasama kami talagang nag-uusap kami. Kina-career niya yun. At saka funny siJC, ang ganda ng sense of humor niya. Ang witty niya, matalino siya. Kayatuwing magkasama kami, kahit mabilis lang, marami na kaming nalalaman abouteach other."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng pagsulpot ng mga intriga hindi pa man niyanasisimulan ang La Lola, excited naman si Rhian lalo nangayong bidang-bida na siya sa naturang upcoming teleserye ng GMA-7.

"Excited na excited na talaga ako and I can't wait namag-start na kami ng taping. Sana lang din suportahan ng mga fans at lahat ngmga Kapuso ang bagong project ko na ito kasi ibang klase talaga ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN