Meryll Soriano admits she has yet to forgive husband Bernard Palanca

"Wala pa ako saproseso sa pagpapatawad sa sarili ko man lang. Every day is a healing process. Everytime I see my son, he helps me heal. Pero hindi pa ako completely over it," replies Meryll Soriano when asked about forgiving husband Bernard Palanca (inset).



Naging bukas angaktor na si Bernard Palanca sa hirap na pinagdaanan niya nang magdesisyonsiyang pansamantalang manirahan sa Melbourne, Australia, at talikuran sandaliang mundo ng showbiz.

In one interview, headmitted that because he felt unwanted and worthless, he even came to the pointof attempting suicide para matapos na lang ang paghihirap niya. Ito ay matapossilang maghiwalay ng kanyang asawa na si Meryll Soriano bago pa man isilang angkanilang anak na si Elijah.

Nang makausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal) si Meryll, agad namin siyang hiningan ngreaksiyon sa mga pagsubok na pinagdaanan ng ama ng kanyang anak. Ano angmasasabi niya sa tingin ng iba na karma raw ito kay Bernard dahil sapagpapabaya diumano sa kanilang mag-ina.

"Personally, Ibelieve in karma, kaya nga you have to be careful sa kahit ano ang gagawin mo samga tao because you'll never know when karma will hit you. Hindi ko alam kungkarma nga yun, pero kung karma nga yun, e, di karma. But yun pa rin yun, e. Heneeded that to realize things and learn.

"Alam mo, naniniwalaako na kung anuman ang dinadaanan o pinagdadaanan ng isang tao, it's for him. Justlike I've said, he needed that, it's a humbling experience and it's a realitycheck. Hindi ko sinasabi na he deserves it, but he needed that to realize a lotof things.

"Different forms,different problems, pero same emotions. Kung anuman ang pinagdaanan niya, maybepatas ng pinagdaanan ko. God kasi, He just moves in different ways, He shows Himself in different ways, different situations. It doesn't mean problem, it's just an obstacle that you reallyhave to go through. He [Bernard] needed that to become who he is right now. I'msure his family is proud of him," pag-aanalisa ni Meryll.

Sinabi rin niBernard na ang pagkakaroon niya ng trabaho ngayon ay para sa anak na si Elijah.Aminado si Meryll na pagdating sa financial support ay wala pang naibibigay sakanya ang ama ng anak, pero sa sarili nitong paraan ay nagbibigay naman itokahit papaano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung nagtatrabahoman siyang mabuti ngayon, dapat lang naman because parents should do that fortheir kids. I think that's the rightful thing to do on both our sides, becausekung anuman ang pinagdanan mo sa past, sa parents mo, sa life mo, dapat hindiganun ang ibibigay natin sa anak natin.

"Sa ngayon, hindi pasiya nagbibigay ng financial support. But, you know, he gives mga diapers,milk, supplies, and it helps. Yung support financially kasi, I don't ask and Iwill never ask."

Pero nilinaw namanni Meryll na she has a good relationship with the Palancas. Dumadalaw pa rin siya sa kanila, kasama siElijah.

"Mababait sila,mahal na mahal ko yung family ni Bernard, sincerely. Dumadalaw kami, you really have to put aside...para sa anak ko."

Balita rin na may balakna raw si Bernard na ipa-annul na ang kasal nila ni Meryll. Sa parte ng aktres ay walang magigingproblema sa kanya ang desisyon na ito ng aktor.

"Talaga? Hindi koalam ang tungkol diyan, but that's good. Sana siya na lang ang mag-file," saad ni Meryll.

Sa tanong kungnapatawad na ba niya si Bernard sa ginawa nito at sa kinauwian ng pagsasamanila, nagpakatototong inamin sa amin ni Meryl na wala pa siya sa ganitong punto.

"Wala pa ako saproseso sa pagpapatawad sa sarili ko man lang. Every day is a healing process. Everytime I see my son, he helps me heal. Pero hindi pa ako completely over it."

Kasama si Meryll sa cast ng bagong primetimeseries ng ABS-CBN na I Love Betty La Fea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN