Pokwang to Joey de Leon: "Peace."

"Sana matapos na anggulo. Maliit lang ang industriya, darating ang araw na magkakatrabaho din kamikaya ayoko na ng ganyang mga away o gulo," says Pokwang about wanting peace with comedian Joey de Leon.



Lumaki na ang isyutungkol sa pagpapalit ng lyrics ni Joey de Leon sa kanta ng Beatles na"Imagine" sa show ng Eat Bulaga! sa Los Angeles noong July 19, kung saan tinawag niya diumanong "mukhangaswang" ang comedienne na si Pokwang.

Idinipensa naman nghost ng Wowowee na si Willie Revillame ang kasamahan niya sa programa sa livetelecast nila noong August 18. Sinabi ni Willie na kung may galit si Joey sakanya ay siya na lang ang pagbalingan nito at huwag nang mandamay ng ibang tao.Tinutukso raw kasi ang anak ni Pokwang sa eskuwelahan na "aswang" ang nanayniya. (Click here to read related article.)

Sa panayam ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) kay Pokwang, inamin ng komedyana na sa kabila ng mganangyari ay nandun pa rin ang kagustuhan niya na matuldukan ang gulo sa pagitannila ni Joey.

"Sana matapos na anggulo. Maliit lang ang industriya, darating ang araw na magkakatrabaho din kamikaya ayoko na ng ganyang mga away o gulo," saad niya.

Sa nabalitangpakiusap daw ni Willie sa Comedy King na si Dolphy na pag-ayusin sila ni Joey,mukhang malabo na raw itong mangyari ngayon dahil nakapagbitaw na rin ng ilangsalita si Willie laban kay Joey upang ipagtanggol si Pokwang. Para sakomedyana, isa itong bagay na sana ay magkatotoo para na rin sa mga manonood.Nagpahayag din si Pokwang na sobra siyang na-touch sa ginawang pagtatanggol sakanya ni Willie.

"Sana tama na yungmga ganyan," pakiusap niya. "Pinapanood tayo ng mga humahanga sa atin, frombata to matanda, especially sa mga bata. ‘Pag nakikitang ganito nang ganito,ano ang iispin nila? Anyway, sa Channel 2, hindi naman sa amin nagmumula,tahimik lang kami.

"Actually," patuloy niya, "natutuwa ako at ang buong pamilyako sa ginawa ni Papi [Willie], sobrang nagpapasalamat kami sa kanya. Kung ako, dededmahinko na lang talaga pero, siyempre, sa awa sa akin ni Papi, hindi na lang niyanapigilan yung sarili niya, yung damdamin niya sa akin bilang isang tao,bilang ako sa ginawa niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Pokwangna noong una ay hindi siya apektado sa pagtawag diumano sa kanya na "mukhangaswang." Pero kalaunan ay naapektuhan na rin siya nang makita niyang apektadona ang anak na si Ria Mae.

"Nung una, okeylang. Pero nung naapektuhan na yung bata, siyempre bilang ina, bilang isangbabae, nasaktan na ako. Hindi ako nasaktan dahil tinawag niya akong aswangdahil hindi naman totoo. Yung tuksuhin lang ang anak ko, yun ang malakingissue. Sabi ko na lang, bayaan na lang kasi ang tao naman ang manghuhusga.

"Totoong naiyak akokasi marami palang nagmamahal sa akin. Nakita ko yung reaksiyon ng mga tao,nabasa ko yung mga e-mails. Kaya akonaiyak because ang daming nagmamahal at sumusuporta sa akin," lahad ni Pokwang.

Nang tanungin namankung may mensahe siya para kay Joey, simple lang ang isinagot ni Pokwang:"Isang word lang, peace."

Bukas, August 27, aymagse-celebrate ng kanyang kaarawan si Pokwang. Ito ang kanyang birthday wish:"Sana dumami pa lalo ang mga kaibigan ko at sana maging malusog lang bawat isasa pamilya ko. Manatiling No. 1 ang ABS all over the world."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN