Zanjoe Marudo stars in six ABS-CBN shows and one movie with Star Cinema

"Sana at 30years old, magpakasal na ako para kasabay kong lumaki ang mga anak namin. I'm26 years old now, pero kung nag-30 na ako at hindi pa naman talaga ako puwedengmagpakasal, hindi pa rin siguro matutupad ‘yon," says model turned actor Zanjoe Marudo.



Six television programs sa ABS-CBN and one movie na malapitnang simulan sa Star Cinema, paano kaya ito nakakaya ni Zanjoe Marudo? Ito angunang tanong sa dating model na na-discover sa unang Pinoy Big BrotherCelebrity Edition sa pocket interview na ibinigay para sa kanya ng Star Magicsa 9501 restaurant sa ELJ Loop ng ABS-CBN kagabi, August 26.

"Basta kaya ko, gagawin ko. Sila [Star Magic] naman angnag-aayos ng schedule ko," nakangiting sagot ni Zanjoe habang sinasabayansa pagkain ang ilang entertainment press.

Dagdag niya, "Na-miss ko rin ang pagte-taping dahil twoweeks din akong nawala dahil sa shows namin ng Cover Boys. Pero hindi ko po‘yon makakalimutan dahil first time kong nakarating sa States. Nang malaman kongang magkakaroon kami ng show sa States, inquiry pa lang sa Star Magic,talagang nagdasal akong matuloy ‘yon dahil nandoon ang father ko at tatlo kopang kapatid, sa New Jersey sila naka-based. Kaya nadalaw ko po sila at nag-bondingkami, nagpunta rin kami sa New York, bago ako bumalik ng Pilipinas."

Dalawa sa shows ni Zanjoe ang kasalukuyang ipinalalabas nangayon sa Kapamilya network. Una ang Dyosa, kung saan ginagampanan niya angpapel ni Mars, ang tauhang katambal ni Anne Curtis bilang si Josephine. Siya naman si James sa Varga, kung saan loveinterest naman niya ang girlfriend na si Mariel Rodriguez who plays the title role.

Kasama rin si Zanjoe sa Florinda ni Maricel Soriano, kungsaan makakatambal niya si Roxanne Guinoo. Soon ay mapapanood na rin ang gagshow na Parekoy at nasimulan na rin nila ni Anne ang teleseryeng TheWedding. Every Sunday naman ay napapanood siya sa ASAP '08 with the Cover Boys.

"Nasabihan na rin ako na kasama sa cast ng movie nagagawin ni Senator Bong Revilla sa Star Cinema," sabi ni Zanjoe. "Makakasamarin namin sina Ruffa Gutierrez at Pokwang. Pero hindi ko pa alam kung sinu-sinoang iba naming kasama at kung sino ang magdidirek ng movie."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa na raw si Zanjoe sa most sought-after male actors in thecountry. Sa palagay ba niya ay ka-level na niya ni Piolo Pascual?

"Hindi naman po," sabi ni Zanjoe. "Siguro hindi ko manmaabot ang napuntahan na ni Piolo at ng iba pang actors, yung matutunan ko manlamang ang mga ginawa nila ay sapat na sa akin."

FUTURE WITH MARIEL. Parang nagmamadali siyang kumita, siya ba ang breadwinner ngfamily niya? O paghahanda na ba ‘yon para sa future nila niMariel?

"Hindi naman, tulung-tulong kaming lahat. Kasama kokasi rito ang mother ko at isa ko pang brother and a sister. Hindi pa ito parasa amin ni Mariel. Gusto ko munang masiguro ang future ko, then ang future ngfamily ko, then sa amin ni Mariel.

"Nang magkakilala kami ni Mariel, alam niya may mga pangarapakong gustong matupad. Gusto ko munang makapagpatayo ng sariling bahay, kungpuwede somewhere in Dasmariñas or Forbes in Makati!" biro niya, sabay sabing, "Basta ‘yong lugar namalapit sa trabaho ko, okey na iyon sa akin."

Napag-usapan na ba nila ni Mariel ang pagpapakasal?

"Napag-uusapan din, pero hindi pa ngayon," sagot niZanjoe. "Alam niyang gusto ko munang maging maayos ang family ko. Sana at 30years old, magpakasal na ako para kasabay kong lumaki ang mga anak namin. I'm26 years old now, pero kung nag-30 na ako at hindi pa naman talaga ako puwedengmagpakasal, hindi pa rin siguro matutupad ‘yon. Yun naman ang maganda kayMariel, naiintindihan niya kung ano ang gusto kong mangyari sa buhay ko."

MARIEL'S QUALITIES. Ano ba ang nagustuhan niya kay Mariel?

"Napaka-sweet niya, napakabait, matulungin din siya.Siya yung taong kapag may problema ka, kahit hindi ka naman niya gaanongkilala, gagawa siya ng paraan para matulungan ka. Napakanatural din niya. Kungano yung napapanood mo sa TV, yun din siya sa personal.

"Actually, hindi pa ako sumasali sa PBB, fan na ako niMariel. Napapanood ko na siya noong nagho-host siya ng Extra Challenge withPaolo Bediones. Kahit sinasabi nilang mataba raw siya noon, maganda naman siya.Hindi ko siya kilala nang personal, sa PBB ko na lang siya nakilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magkasundo rin kami ni Mariel sa food. Ako kasi, mahilig akong kumain. Kahit anokinakain ko, hindi ako nagda-diet, hindi rin ako nagwu-workout sa gym. Magandaang metabolism ko kaya kahit ako kumain ng marami, maghapon lang akongmagtrabaho, kinabukasan, payat na naman ako. Kaya sinasabayan ko sa pagkain siMariel. Yun nga lang, mahilig siya sa sweets," lahad ni Zanjoe.

Nagkatawanan nang tanungin si Zanjoe kung ano ang pasalubongniya kay Mariel, at kung ibinili raw ba niya ng underwear ang girlfriend. Sabinaman ni Zanjoe, damit daw lang ang binili niyang pasalubong kay Mariel. Hindiraw niya kasi alam kung ano ang size ng underwear nito.

Sa pagiging sila ni Mariel, nalimutan na ba niya si BiancaGonzalez? Unang na-link si Zanjoe kay Bianca noong pareho pa silang housematessa Bahay ni Kuya at siyang naging dahilan daw ng pakikipag-break kay Bianca ngboyfriend nito noon na si Direk Lino Cayetano

"Hindi ko naman nakakalimutan ang mga taong nagingparte ng buhay ko," nakangiting sagot ni Zanjoe.

HORROR SERIES WITH THE DIAMOND STAR. Since nagte-taping na sila ng horror teleserye na Florinda,hindi ba siya nahirapang makasama si Maricel Soriano?

"Noong una, na-intimidate po ako kay Ms. Maricel," pag-amin i Zanjoe. "Makitako pa lang siya, kinakabahan at natatakot na akong makaeksena siya. Pero mabaitpala siya. Bago kami mag-take, kinakausap niya kami sa gagawin namin. Pagkataposng eksena, natutuwa naman siya sa performance namin. Iba siya.

"Pero mahirap palang gumawa ng horror, matagal gawin angeksena, malakas makaubos ng energy. Maganda lang kung mahuhusay ang artistangkasama mo. Ako kasi, nagdi-depend ako sa mga kasama ko sa eksena at sa direktorko. Kaya sa palagay ko, kung mahuhusay sila, ginagawa ko rin ang best ko parahindi ako mapahiya sa kanila," pagtatapos ni Zanjoe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN