Star Cinema agrees to be the media partner of Piolo Pascual's indie movie

Matinee idol Piolo Pascual puts on the producer's hat in the indie film Manila, where he also plays the lead role. The movie is inspired by Ishmael Bernal's Manila by Night and Lino Brocka's Jaguar.



Napakaganda na naman ng katawan ni Piolo Pascual sa muli niyang pagharap sapress para sa first presscon ng pinakabago niyang Star Cinema movie, kung saanmakaka-partner niya si Angel Locsin. Hindi bulky at hindi slim, tamang-tamalang ang pangangatawan niya ngayon at ayon na rin sa top male star of StarMagic, nagpapayat talaga siya para sa pelikula.

"Marami kasing eksena na nagho-horseback [riding] ako so kailangan kong maginglight," paliwanag ni PJ, palayaw ng aktor, sa pag-upo sa mesa namin after thehasty question-and-answer portion for the movie kanina, August 27.

Kaka-meeting niya pa lang daw with Star Magic kahapon para pag-usapan angnext TV show niya at masaya siya na next year na siya gagawa ulit.

"Mas gusto ko na kasi ang one movie a year and one show a year para nakakagawapa ako ng ibang bagay. Sa October, in the middle of the shooting of our movie,aalis muna ako pa States for our Heartthrobs tour. Mabuti nga nagkaroon ako ngbreak from Lobo and this movie kaya natapos ko ang Manila," saad niya.

Manila is Piolo's third independent movie, which is inspired by the classic movies directed by two late National Artists, Lino Brocka's Jaguarand Ishmael Bernal's Manila By Night.

Contrary to initial report, hindi pala ito twin-bill kundi one whole storyna mangyayari sa isang buong araw and directed by two directors—Raya Martin forthe morning sequence na Manila By Night at Adolf Alix for the night sequence naJaguar.

Hindi magkakaroon ng putol ang pelikula ngunit magkakaroon ito ng break sagitna na kaisa-isang sequence na colored. Shot in black and white 16 mm angbuong pelikula—hindi ito digital—at ibu-blow up na lang sa 35 mm. Sa gitnailalagay ang credits kung saan may special participation sina Iza Calzado, JonAvila, and director Lav Diaz. Ito lang ang colored sequence ng Manila.

Proud si Piolo na hindi ito basta-bastang indie movie dahil bukod nga safilm ang ginamit nila, malalaki ang mga makakasama niya na pang-big budgetmainstream movie na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa Manila by Night, kasama ko si Osang [Rosanna Roces] na gumaganap na inako. Si William [Martinez] isinama namin dahil isa siya sa original cast ngmovie, ‘tapos nandito rin si Aleck Bovick. Ako ang gaganap ng originalcharacter ni William. Sa Jaguar naman, makakasama ko sina Alessandra de Rossi,Jay Manalo, Jiro Manio, at si Anita Linda na nasa original Jaguar movie naman."

Masaya ring ibinalita ni Piolo na susuportahan ito ng Star Cinema atmalamang na sila ang magre-release ng pelikula.

"Kinausap ko na si Tita Malou [Santos of Star Cinema] at pumayag silangmaging media partner ng movie. Susuportahan daw nila talaga ang movie kayahappy ako," sabi ni Piolo.

Ang balak ni Piolo, i-submit ito sa Berlin International Film Festival nextyear, ngunit kung hindi aabot baka mauna muna ritong ipalabas ang pelikula. Perodefinitely not November dahil ito ang playdate ng Star Cinema movie nila niAngel, kaya't malamang ay next year na rin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN