Dingdong Dantes on Piolo Pascual: "Idol ko siya."

"He's very approachable, given his status. Talagang walangkaere-ere sa katawan. Idol ko siya, wala akong masamang masasabi sa kanya. Heis very humble," says Dingdong Dantes when asked about Piolo Pascual, with whom hehad a chance to work in a TV commercial.



Nanood kagabi ang PEP(Philippine Entertainment Portal) sa Araneta Coliseum ng rehearsal nina Dingdong Dantesat Marian Riverapara sa Let's Celebrate! The Dingdong-Marian Birthday Blowout namamayang 8 pm na gagawin.

Si Marian ang naabutan ng PEP na nagre-rehearsal, kasama angsangkatutak na dancers. Binati nito ng ngiti ang PEPat saka nagpatuloysa pagsasayaw. Dahil wala sa stage si Dingdong, ibig sabihin, libre ito for aninterview.

Sa isa sa mga dressing rooms ng Big Dome siya nakita ng PEPna nagbibihis, at ilang sandali pa, kaharap na siya ng PEP. Kung pareho sila ngschedule ni Marian, ibig sabihin 3 pm pa humataw ng rehearsal si Dingdong. Perohindi siya kinakitaan ng pagod at game pa ring sumagot sa mga itinanong sa kanya.

"Sobra akong pagod, pero may isa pa akong sayaw naire-rehearse. Ayokong mapahiya sa manonood, kailangang ayos ang pagsasayaw ko.Matagal na rin akong hindi sumasayaw, kaya excited akong muling magsayaw.Marami kaming gagawing numbers ni Marian, plus sa parte ko, may ipalalabas nacompilation video. Hindi ko alam kung ano, sorpresa raw. Sila [ang staff] anggumawa," pauna nitong kuwento.

Nahihiya man, sumang-ayon si Dingdong na ito ang biggestbirthday celebration niya, ngayon lang siya nagkaroon ng birthday concert at saBig Dome pa. Noong August 2, pa ang birthday niya, pero parang August 27, angactual birthday niya sa laki ng okasyon.

"Regalo namin ni Marian sa fans. Bihira sa tao angmagka-show sa Araneta and yet, binigyan kami ng privilege na mag-show dito,kaya kailangang pagbutihin. Nakakahiya namang magkamali."

Inulit na naman ni Dingdong ang sinabing malaki ang nagawang Marimar sa kanya. Right project daw ito, dumating at the righttime, plus malakas ang chemistry nila ni Marian at nasabay sa desisyon niyangmag-change image.

Sa rami ng numbers na gagawin nina Dingdong at Marianmamaya, isa sa pinakaaabangan niya ay ang duet niya [sikreto at sorpresa] ngfavorite Michael Bublé song niya. Minsan na raw niya itong kinanta sa S.O.P.at ngayon lang uli gagawin. Ang ibang magagandang numbers ay bawal isulatat baka hantingin kami ni Perry Lansigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TONI'S COMING OVER. Naalaala ng PEP na darating ngbansa si Antoinette Taus sometime in October dahil isa siya sa bridesmaid sawedding nina CheskaGarcia at Doug Kramer.

"Nabalitaan ko ngang darating siya, pero hindi kami magkikitaroon dahil hindi ako invited sa kasal."

Nagulat ang PEP sa ibinalita ni Dingdong na gustongmagpa-manage ni Toni sa manager niyang si Perry habang nandito siya, at okey lang itosa kanya.

"We're okay, at nagbatian naman kami nang magkita kami saLos Angeles, sa presscon ng Eat Bulaga!. ‘Andun siya dahil editor siyang M7 magazine. Nag-usap kami at happy naman siya."

Fan daw si Toni ng love team nila ni Marian, any reaction?

"Ganun ba? Maraming salamat naman. Hindi naman siguro siyanakakapanood madalas ng show namin, alam kong busy siya. Pero ang alam ko, maygagawin siyang TV show roon," sagot ni Dingdong.

ADVOCACY, NOT POLITICS. Ipinasagot din ng PEP angintrigang ginagamit niya sa binabalak na pagpasok sa pulitika ang in-organizeniyang basketball game sa PMI Colleges recently.

"No! Walang kinaalaman ang pulitika roon. Gusto ko langtalagang makatulong sa mga gustong mag-aral. Randomly selected ang two scholarsna napili dahil sa exhibition game na yun at naghahanap pa ako ng isa. Dati pa,may scholars na ako at marami na ang nag-graduate. Naging spokesperson na rinako ng DepEd [Department of Education]."

"Huwag naman nilang bigyan ng malisya ang ginagawa kongpagtulong. Kung magkakaroon ako ng balak na magpulitika, sasabihin ko naman,pero ito, gusto ko talagang gawin. Kapag nakita nila akong tumakbo sa 2010, dunnila ako tirahin," sabi ni Dingdong.

WORKING WITH PIOLO. Ipinarating ng PEP na marami angnatutuwa sa Pond's TVC nila ni Piolo Pascual, May mga nagtatanong nga kung sina Marianat Angel Locsin ba ang dalawang babaeng nakatalikod na kasama sa TVC. Inalam ngPEP kay Dingdong kung sina Marian at Angel nga yun.

"Akala ba nila sina Marian at Angel yun? Hindi sila yun,iba."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How was it working with Piolo sa shoot ng TVC, na last monthpa pala kinunan sa isang lugar sa Makati, pero naitago sa press?

"He's very approachable given his status. Talagang walangkaere-ere sa katawan. Idol ko siya, wala akong masamang masasabi sa kanya. Heis very humble."

GETTING READY FOR E! Bago pa muling sumabak sarehearsal, inalam ng PEP kay Dingdong kung kailan siya iinterbyuhin ng E!Entertainment para sa segment niya sa 25 Sexiest Men of the World. Sabi nito, maycoordination niya sa side nila at nagpadala na sila ng materials, footages, hisbody of work at iba pang kailangan sa feature. Kung kailangan siyanginterbyuhin, aayusin niya ang kanyang schedule.

"Pupunta ako sa States sa October for a vacation at paradumalo sa kasal ng best friend ko sa grade school. Kami lang ng mom ko angaalis, mga two weeks lang. Best friend ko yun at siya ang nagpasok sa akin sacommercial, noong grade school pa lang kami, at nagtuluy-tuloy sa showbiz,"pagtatapos ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN