Dingdong Dantes and Marian Rivera treat their fans to a birthday blowout at the Big Dome

Considered as one of the hottest love teams in the country today, Dingdong Dantes and Marian Rivera celebrated their birthdays with a free birthday show at the Araneta Coliusem last night, August 27.


Sa kabila ng kontrobersiya na bumalot kaugnay ng birthdayconcert nina Dingdong Dantes at Marian Rivera—ang Let's Celebrate: The Dingdong-Marian Birthday Blowout!—matagumpay itong naidaos kagabi, August27, sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Matatandaang naging malaking isyu ang pagtatapat ng birthdayconcert nina Dingdong at Marian sa first day of showing ng pelikula ng kapwaKapuso star nila na si Richard Gutierrez kasama si KC Concepcion, ang For TheFirst Time ng Star Cinema. Pero ganun pa man, parehong naging successful angdalawang malaking events na ito. Ayon sa balita, umabot sa P14 million ang kinita ng For The First Time saunang araw nito samantalang well-attended naman ang birthday concert ninaDingdong at Marian.

Halos puno ang Araneta Coliseum kagabi hanggang sa bleacher, maliban sa Upper BoxA kung saan maraming bakanteng upuan. Ayon sa mga taga-GMA-7 ay may ilangticket holders ang hindi nakarating kaya kahit na marami pang tao sa labas ayhindi rin sila pinapasok dahil mahigpit na ipinatupad ng Big Dome ang noticket-no entry policy.

Halos magsisiksikan naman na sa patron at lowerbox section sa dami ng tao at may ilan pa ngang tumayo na lamang para langmapanood ang show.

Except for Atty. Felipe Gozon and Mr. Jimmy Duavit, fullforce ang GMA-7 executives led by Ms. Wilma Galvante and all itsprogram managers and executive producers. Tila itinigil muna yata lahat ng tapings that night para sa birthday blowout nina Dingdong at Marian.

Bukod sa kanila ay namataan din namin ang creativeconsultant ng GMA-7 na si German Moreno, MTRCB Chairman Consoliza Laguardia,Dra. Vicki Belo, at ang mga pamilya nina Dingdong at Marian.

Seven p.m. ang sinabing simula ng Let's Celebrate, peroeksaktong alas-nuwebe na ito nagsimula. The whole show highlighted Dingdongand Marian's dancing prowess, although meron din silang mga song numbers.

Nagsimula ang programa with a grand production numberinvolving throngs of dancers at ang La Diva ng SOP na sina Aicelle Santos,Maricris Garcia, at Mae Flores. Pagkatapos nito ay dumagundong ang buongAraneta nang lumabas sina Dingdong and Marian in a silver luxury car. Parehasding naka-silver ang stars ng Dyesebel. Dito na sinimulang ipinamalas ngmagka-love team ang husay nila sa pagsasayaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

After this ay bumalik ang La Diva singing a medley of "SweetEscape" and "Queen of the Night." Later on the show ay nagkaroon ng separate spot numbers sinaAicelle at Maricris, both GMA Records artists, rendering their hit songs "IkawPa Rin" and "Bakit Ikaw Pa Rin," respectively.

After the La Diva medley, Dingdong did a Latin-inspireddance number with six of the most sought-after young actresses in GMA-7: IzaCalzado, Sunshine Dizon, Yasmien Kurdi, Bianca King, Iwa Moto, and DianaZubiri.

Kung si Dingdong ay napaligiran ng mga magaganda at seksingbabae, hinarana naman si Marian ng Kapuso male stars na sina Mark AnthonyFernandez, Paolo Contis, Dr. Hayden Kho, Alfred Vargas, Marvin Agustin, at angsinger-songwriter na si Ogie Alcasid, who also celebrated his birthday yesterday.Bawat pasok ng mga nagharana kay Marian ay grabeng tilian ang natanggap nilamula sa audience.

Isang sexy dance number ang isinunod agad featuring Dingdongand Marian to the tune of "Careless Whisper."

Binigyan din ng spot number ang dance groups na Maneouversat Speed bago ang dance number ni Marian, kung saan sinayaw niya ang mgapinasikat nitong tracks mula sa kanyang dance album—"Chiquita," "Walk Like AnEgyptian," at "So Sexy." Sinamahan siya rito nina Rochelle Pangilinan, RegineTolentino, at ng Abztract Dancers.

Bago ang song number ni Dingdong na "This Thing Called Love"ay may ipinakita munang VTR kung saan nag-reminisce at bumati ang mga nakasamaniya before sa trabaho. Nagsalita rin ang ina ni Dingdong at ikinuwento angpagsisimula ng young actor showbiz. Nagpakita rin ng rare clips ng mgacommercials at audition ni Dingdong, who started appearing on TV commercials atthe age of four.

After Dingdong's song number ay isany sexy number naman angginawa ni Marian, na naka-nightgown lang, habang kinakantahan ni Jay-R sa saliwng awiting "Love Won't Let Me Wait." But before this, ay meron ding VTR nainihanda para sa kanya kung saan nagbigay ng mensahe ang mga malalapit sa pusoniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Jay-R did a spot number singing his hit song "One HundredWays" from his latest album.

Ipinamalas muli ni Dingdong angkanyang galing sa pag-indak kasama ang Dance Squad, Kids at Work, atManeouvers. Sa hindi nakakaalam, dating miyembro bg dance group na Abztract siDingdong bago siya sumabak sa pagiging artista.

Pagkatapos nito ay lumabas ang LasPiñas Boys Choir kung saan kinanta nila ang "Ikaw" habang ipinapakita sa giantscreen ang mga ilang eksena nina Dingdong at Marian mula sa kanilang mga teleserye.

Nanatili sa stage ang Las Piñas BoysChoir at sinamahan sila ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez. Kinantanila ang love theme ng Marimar na "Mahal Kita."

Bago matapos ang kanta aylumabas sina Dingdong at Marian at sinabayan nila ng sayaw. Sa pagtatapos ngkanta ay naglapat ang kanilang mga labi na ikinatuwa ng lahat, kaya muli nanamang dumagundong ang Araneta.

Naiwan sa stage sina Dingdong atMarian para naman sa kanilang medley of pop songs—"Umbrella," "Bubbly," at"Always Be My Baby."

Pagkatapos nito ay lumabas anglahat ng guests nina Dingdong at Marian kasama ng isang malaking cake atkinantahan sila ng "Happy Birthday."

Nagpalitan din ng sorpresa angmagkapareha bilang regalo sa isa't isa. Una muna ang kay Dingdong, kung saan ipinakita sa VTR ang formal announcement ni Dan Railey ng E! Television sa pagkakapili ng young actor bilang isa 25 Sexiest Men of the World sa isang TVspecial na gagawin ng E!

Hindi naman nagpahuli si Dingdongsa kanyang sorpresa kay Marian. Ang birthday wish kasi ni Marian ay makitangmuli ang kanyang ama na nasa Spain, na si Mr. Francisco Javier Alonzo Gracia, na limangtaon na niyang hindi nakikita. Hindi man nakita ni Marian ang kanyang ama ay nagbigaynaman ito ng mensahe sa anak sa pamamagitan ng recorded message. Purong Kastilaang ama ni Marian kaya Español ang salita nito na in-interpret ng tiyahin ngyoung actress na naroroon din sa Spain. Hindi napigilan ni Marian na humagulgolnang marinig ang tinig ng ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos mahimasmasan ay nagpasalamat na si Marian, patina si Dingdong, sa lahat ng mga tumulong sa kanila upang marating angkinalalagyan nila ngayon.

Para sa mga bumuo ng birthday concert, heto ang mensahe niDingdong para sa kanila: "Sa mga tinanggap ninyong batikos at paratang aysinuklian n'yo lamang ng katahimikan. Maraming salamat sa inyo."

Akala ng lahat ay tapos na ang show kaya nagsimula nang lumabas ang lahat,pero nakakagulat ang pag-entra ni Corazon (Manilyn Reynes) kasama siFulgoso. Natapos ang programa ng bandang 11:30 p.m. sa pamamagitan ng isang Brazilian-inspireddance number.

Click here for more photos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN