Sen. Mar Roxas tells story of six-year relationship with Korina Sanchez

Sen. Mar Roxas and Korina Sanchez have been in a relationshipfor six years now. In his interview with selected members of the entertainmentpress, Sen. Roxas also revealed that he sired a son with an ex-girlfriend but preferred to leave them in peace by not giving details.



Maugong ang pangalan ni Senator Mar Roxas na isa sa mga nababalitangtatakbo bilang presidente ng Pilipinas sa election 2010. Mahigpit na magigingkaribal ni Senador Mar si MMDA (Metro Manila Development Authority)Chairman Bayani Fernando na very vocal na sa kanyang pagtakbo sapagka-presidente.

"Matagal pa yung 2010," bungad ni Sen.Mar nang makapanayam siya ng entertainment press, kabilangna ang PEP (Philippine Entertainment Portal).

Pero gumatong pa ang press na kung TV exposure lang daw angpag-uusapan, lamang na raw si Chairman Fernando sa kanya dahil sa pagsalinito sa Celebrity Duets sa GMA-7.

"Hindi ako marunong kumanta. Mabuti pa siya, may talentsiyang kumanta. Pero okey lang yun. Hindi naman yun nakukuhalahat sa TV exposure. Kanya-kanya namang diskarte ‘yan, e. Kanya-kanyangplataporma. E, kung marunong lang akong kumanta, e, di..." sabay tawa niSen. Mar.

Bulung-bulungan din ang namumuong tandem daw ni Sen. Mar at ang BatangasGovernor na si Vilma Santos-Recto na tatakbo naman daw sa pagka-bise presidenteni Sen. Mar.

"Sa totoo lang, hindi ko pa napapag-isipan yun. Pero lahat naman dapati-consider, batay sa kanilang plataporma, track record, at pagpresinta sa mgatao. Pero ang alam ko, tuwang-tuwa ang mga tao sa Lipa. At ngayon, bilangfirst-term Governor [ni Vilma], maganda naman ang nadidinig natin."

Sa tingin ba niya malaki ang chance ni Senator Bong Revilla kung ito naman angtatakbo bilang vice-president ng bansa?

"Palagay ko naman malaki ang chance niya. Magkasama kami saSenado. Alam ko siniseryoso niya ang trabaho niya. Magka-seatmate kasi kami dati. Ngayonmay isang silya na ang agwat namin."

NOT THE FIRST LADY. Kapag nanalo si Sen. Mar bilangpresidente ng Pilipinas, posible na si Korina naman ang kanyang magiging FirstLady.

"First Lady ko si Korina? Uh, ayoko ng first, kasi maynumber two, may number three. Gusto ko, siya ang my only lady," ngitini Sen. Mar patungkol sa kanyang News and Public Affairs TV host-girlfriend nasi Korina Sanchez, na nakaupo naman sa katabi lang na table.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan nga ba nila balak magpakasal ni Korina?

"Siya ang dapat ninyong tanungin niyan. Ang lalaki,taga-pagtanong pero ang taga-tanggap ng proposal, ang babae. Basta, nagkindatanna kami."

HOW THEY MET. Anim na taon na ring magkasintahan sina Sen. Mar atKorina. Not much is known about how they met, kaya nga tinanong ng PEP angsenador kung paano ba sila nagkakilala ng matapang na ABS-CBN news host.

"In-stalk niya ako. Ha-ha-ha!" birong sagot ng senador. "Hindi, hindi.I'm sure I have a sense of humor naman na hindi naman.... Actually, unakaming...yung sa akin, ha, yung sa memory ko. Hindi ko alam ‘yung sa kanya.Merong isang gabi sa National Press Club (NPC), yung may mural. Meron silangaward-awards na ako, parang outstanding congressman, something like that, siyanaman ‘ata outstanding broadcaster, ganun. Na bumabagyo pa noon,umuulan...et cetera. Malamig, oo, malamig yun,. Malaking okasyon ‘yon, maramingtao. Nagkataon na naging seatmate kami."

Ano ang first impression niya kay Korina?

"E, di maganda siya. Nung panahon na ‘yon, sabi ko, ang ganda nito, bright, angtapang. Isnabera pa ng konti. Parang hindi basta-basta."

Una raw nagpakilala si Sen. Mar kay Korina since siya ang lalaki. Pagkatapos aynag-shake hands sila. May kuryente ba siyang naramdaman nung magkamaysila ni Korina?

"Kumidlat pa nga noon, e."

What did he like best about Korina?

"Our conversation," ngiti niya.

Pagkatapos daw ng first meeting nila ay hindi na sila nagkita pa uli niKorina. Ni hindi nga raw sila nagkapalitan ng number that night.

"Wala pa yatang cell phone noon, e. Kung meron man, hindiyata kami nagkapalitan ng numero. But I think at some point, nainterbyu niya ako. At some point, congressman ako, naintebryu niya. ‘Tapos, ‘Uy,' ganun.‘Kumusta?' ganu'n. Pero...hindi magkatugma yung timing. Di ba, okupado ako,okupado siya? Basta, hindi magtagpo ang schedule naming dalawa."

Pero paano ng sila nagtagpo uli? Sino ang gumawa ngparaan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Diyos," sagot ni Sen. Mar. "Hindi showbiz [na sagot] yun,"bawi't depensa ng playful na senador. "'Eto, peksman. Kasi sa Amerika, e, hindiba...I mean, puwede ring sabihing may interview ako sa ANC, nagkita kami.Hindi, e. Ang laki ng Amerika, ang layu-layo. Kinailangan mo pang mag-visa."

Nagkataon daw na pareho silang may trabaho nung magkita sa U.S. at doon na siyanagsimulang manligaw kay Korina.

"Oo, kasi ...what movie was that nga...in America?" tanong ni Sen. Mar kay Korinana nakikinig lang sa interbyu.

Nag-isip din si Korina kung ano nga ang title ng pelikulang tinutukoy ni Sen. Mar,hanggang sa pareho nilang maalaala. "Matrix!" sabi nila pareho.

"Kaya lang, that time, yung [plane] ticket niya kailangang i-renew,ipapa-validate niya, kaya panay ang text niya para makatagal pa siya saU.S."

Kinabukasan, nag-lunch sila sa isang French restaurant sa New York, at sakainihatid ni Sen. Mar si Korina sa airport.

Sila na ba that time?

"Nagkakindatan na rin kami noon. Ha-ha-ha!"

Sinagot daw siya ni Korina noong May 21, 2002. Hindi raw nila makakalimutan angpetsang yun dahil kasabay ito ng kaarawan ng Superstar na si Nora Aunor.Nagkaroon ba sila ng theme song?

"Hindi na uso ‘yan sa mga over-40," sabat ni Korina from hertable, overhearing the question for Sen. Mar.

"Alam ninyo ginawan kami ng kanta ni Lito Camo," sabi naman ni Sen. Marsa press people na nag-iinterbyu sa kanya.

PRECIOUS TIME. Galante bang boyfriend si Sen. Mar Roxas? Ano-ano na baang gift niya kay Korina?

"Regular lang. Pero yung pinakaginugusto niyang gift, sinasabi niya—yungpanahon. At ako rin ang pinaka parati kong hinihingi at ginugustong gift, timedin.

"'Tsaka yung time na, hindi puwede na sa kaliwang kamay niya cell phone, sakanang kamay niya holding hands kami. Ay, hindi. Kapag hawak niya ang cell phoneniya, ay, hindi, ayoko. Gusto ko, ako lang, ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So ibig sabihin malilimitahan na niya sa pagtatrabaho si Korina kapag kasal nasila. Pipigilan na niya ito?

"Ako, kung ako ang tatanungin, mas gusto ko yun. Pero alam ko kung gaanokalahaga kay Korina ang kanyang career, talagang siniseryoso niya."

Ano naman ang kanilang terms of endearment?

"Depende," sabi ni Sen. Mar. ‘Pero yun, ‘Honey.' Kung magaan na magaan,yung talagang tawanan , light, joking sa text, ‘Heney [Binisayang Honey].'Katuwaan lang."

WHAT THEY TALK ABOUT. Tungkol sa pulitika at national issues pa rin baang pinag-uusapan nila ni Korina kapag silang dalawa na lang ang magkasama?

"Meron, pero madalang na madalang. Kasi kung nagsasama kami, halos, by mutualconsent, yung parang... ‘Puwede ba, huwag natin papasukin ang mundo?'

Kasi yung araw-araw niya, yung araw-araw ko, parehongmagulo. Alangan namang kapag nagkita kami, alangang MOA [Memorandum ofAgreement] pa rin at MILF [Moro Islamic Liberation Front] pa rin angpag-uusapan namin. So, hangga't maaari hindi namin ‘yan pinag-uusapan. "

Ano ang pinag-uusapan nila?

"Wala, landian lang, ganun. Ha-ha-ha!"

Saan niya puwedeng i-level si Korina, sa hanay ng true love, my only love,endless love, o last love?

"Hindi naman puwedeng first love, di ba? May edad na tayo.... Lastlove," lahad ni Sen. Mar.

"Alam mo, di ba, may kasabihan na ang lalaki gusto niya siya ang pinaka,the greatest love? Ang babae, gusto niya siya ang last love."

TAMING KORINA. Kilalang matapang at no-nonsense na public affairs hostsi Korina. Paano niya naman na-tame ang ganitong katapang na babae?

"Taasan ng kilay, ganun! Ha-ha-ha!"

Sweet ba si Korina?

"Hindi. Servicial si Korina. Yung mapagsilbi."

Paano siya sinisilbihan ni Korina?

"'Anong gusto mo?' ‘Saan tayo kakain?' ‘Tapos siya na ang magpapa-reserve.Maasikaso," rebelasyon ni Sen. Mar tungkol kay Korina.

OPPOSITES ATTRACT. Ano ang pagkakaiba at pagkakapareho nila ni Korina?

"Ah, ako...giyera ito. Ha-ha-ha! Ako very orderly ako. Si Korina is more lastminute. In other words, kung merong flight, ako, gusto ko, one hour beforenandun na ako. Ayoko ng ninenerbyos na maiiwanan ka, may traffic, yungganun-ganun, ‘no.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Korina, malaki ang tiwala niya. Hindi naman aantayin siyapero darating siya, ganun. Kaya minsan nung may biyahe kami, kanya-kanyangtiket kami. Basta magkita tayo sa airport kasi talagang..."

Ilang beses lang ba sila magkita sa loob ng isang linggo?

"Madalas na madalas. Pero it's not the number, e, it's the quality. So, kahitkung minsan nagkikita kami, kahit araw-araw, 15 minutes, pero wala, e. Bastamagkita lang. Hindi naman everyday pero halos everyday. Pero ganun lang, ‘O,I have to go, I have to go.' So weekend lang talaga na mas mahaba, masrelaxed."

MILF. Saan sila nagre-relax kapag weekend?

"Kung minsan nagkukulong lang kami, nanonood ng TV. Kasi, di ba masyadong pressure-filled yung buhay ko, yung buhay niya? Siya mismo, di ba? I mean, katulad niyan nung ininterbyuniya si Alhaj Murad [MILF military affairs chief]. E, text ako sa kanya.

"Mamaya, siyempre, baka makidnap din si Korina. Ang posisyon ko, kontra ako sakanila, ganun. Pumunta siya roon. Tinext ko pa siya, na, ‘Makipagpalit ka ngkuwarto sa P.A. mo. Kasi kung, let's say room number 36, e, di at least kapagnilusob yun hindi ikaw ang nandun.'"

Anong gagawin niya kung magmala-Ces Drilon si Korina sa kamay ng MILF?

"Una, mumurahin ko siya. Kasi sinabi ko sa kanya, ‘Huwag kang pumunta roon, e.'Sinabi ko sa kanya, ‘Pambihira, sinabi ko na huwag kang pumunta, e!'"

Pero tumuloy nga si Korina. Humingi ba ng sorry sa kanya si Korina when shewent to the MILF camp?

"Hindi, ipinasa na lang niya ako sa P.A. niya. Yun na ang kausap ko kasi."

USING KORINA? Nang unang mabalitang nanliligaw si Sen. Mar kay Korina, marami ang nagpalagay na gagamitin lang ng senador ang TV host para isulong angkanyang political career.

"Maaaring ‘yan ang naisip ninyo. Nasa sa inyo yun. It's moreof a reflection of you than of me," malaman na sagot ni Sen. Mar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naba-bother ba siya sa gano'ng isyu sa kanya sapakikipagrelasyon niya kay Korina?

"Hindi. Okey naman kami." Kumbaga, ang iniisip na langni Sen. Mar, "Hindi naman ikaw ang ka-holding hands ko. Siya [Korina] yungka-holding hands ko."

Ang tao naman daw kasi iisipin nila kung ano ang gusto nilang isipin.

"May malisya man o hindi, puwede mong aksayahin ang panahon mo na hahabulin molahat ‘yan. Iki-care mo or ilagay mo ang oras mo at atensyon mo sa buhay mo, diba? Mas preferred ko yun."

THE SENATOR'S SON. Kinalikot na rin ng press ang future ng relationshipnina Sen. Mar at Korina nang tanungin ang senador kung ilang anak ba ang gustoniya?

"Kung ako ang tatanungin, siguro mga tatlo o apat. Ilang boys at ilang girls?Kung ako tatanungin siguro...hindi ko alam.

"Alam mo, may anak na ako, e. May anak na ako sa ilang taon na hiwalay kami...He's a boy."

Anak ba yun ni Sen. Mar sa kanyang first love?

"Hindi, not the first [girlfriend]. Sa nanay niya siya nakatira. Pero kungpuwede huwag na nating bulabugin ang buhay niya. Tahimik, e."

So ilan nga ang gusto niyang maging anak na babae at lalaki?

"Ako, masarap yung anak na lalaki kasi kabarkada mo, kalaro mo ng sports. Kaharutan mo, ganun. Pero iba yung anak na babae. Talagang,nakikita ko sa bayaw ko. Asawa ng kapatid ko, may anak sila, nakikitako yung mga daughter niya, mga pamangkin ko."

So, ang gusto naman niya na susunod na anak ay babae?

"Oo, girl. Girls are nice I think."

BALANCED SPENDER. Naisulat din dati na pinapalitan na ni Korina ang reloni Sen. Mar pero hindi raw pumayag ang senador.

"Oo, mura lang ‘to. Timex. Mag-e-18 years na ito sa akin. Pinapalitan ko langyung strap. Binili ko at proud na proud ako kasi US $22!

"O, biro mo may ilaw pa! Kung magbiyahe ka, may pangalawang oras pa,"pagmamalaki pa niya sa kanyang relo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napaka-simple raw kasi ni Sen. Mar. Pero sa bahay niya, nagkalat diumano angmga mamahaling paintings ng tulad ng mga gawa ng National Artist na si FernandoAmorsolo.

"Para maka-afford ka niyan [mamahaling paintings], e, diTimex na lang yung watch ko. Pambalanse," natatawang sabi ni Sen. Mar.



So kuripot ba siya?



"Hindi naman. Pero nasa lugar," depensa niya.



Maglulunsad si Sen. Mar ng kanyang programa na tinawag niyang "RecessionMeal." Sa murang halaga, may sosyal at masustansyang pagkain na angmamamayan.

Naging kakaibang experience daw para kay Sen. Mar ang pagharapniya sa ilang piling members of the entertainment press na nag-interbyu sa kanya.

"Hirap na hirap ako. Parang naglalakad ako sa quicksand."

Tawanan tuloy ang lahat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN