Robin Padilla OKs love team for daughter Queenie

"Okey lang na magkaroon ng love team si Queenie kasi bagaynaman siya sa mga drama-drama. Yun ang puwede, kasi malalim mag-isip ang anakkong ‘yan. Nabawas-bawasan na nga ang pagiging revolutionary niyan, e. Pero yung pagiging matulungin niya at pagiging involved niya sa mga issues saMindanao, nandoon pa rin," says Robin Padilla about his daughter QueeniePadilla.



Hindi napigilan ni Robin Padilla na maiyak sa tuwahabang pinapanood ang kanyang anak na si Queenie na umaawit sa entablado ngMusic Museum sa Greenhills, San Juan City, kagabi, August 27.

First public performance ni Queenie ang pag-guest nito saconcert ng tinaguriang "King of Moro Songs" na si Datu Khoemeni. Hindibinigo ni Queenie ang mga kapatid niyang Muslim na pumuno ng naturang venuedahil pasadong-pasado ang boses niya bilang isang singer.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayBinoe, sinabi nito na mahilig daw talagang kumanta si Queenie at nag-offer nanga ang Viva Records para sila ang mag-produce ng album nito.

"Matagal nang may offer ang Viva. Gusto nila, solo albumpero gusto naman ni Queenie ay silang tatlong magkakapatid ang magkaroon ngalbum. Nandito na si Kylie at si Shen [Sherileen Zel] naman ay darating paramagsama-sama na ulit sila.

"Natutuwa ako kasi ito ang gustong gawin ni Queenie. Mahilig'yan sa mga iba't ibang klaseng mga awit na ako mismo hindi ko maintindihan.Kilala n'yo naman ako, hanggang Elvis Presley lang ang alam natin!" malakas natawa ni Binoe.

Papasok na rin nga sa pag-aartista si Queenie at kasama nanga ito sa bagong TV series ni Binoe sa GMA-7 na Totoy Bato. Pinayaganna ito ni Binoe na pasukin ang pag-arte at okey lang daw sa kanya na magkaroonito ng love team.

"'Yan yung plano noon pa ng Viva kay Queenie. Bata pa kasisiya noon kaya hindi ako pumayag pa. Pero ngayon, okey na kasi nakikita konaman na gusto rin ng bata. Pero si Queenie lang ang puwedeng may love team. SiKylie kasi, mga bata ang audience niya kaya kahit walang love team, okey lang.

"Itong pagiging singer nga niya, nagugulat ako. Hindi koakalain na magkakaroon ako ng mga anak na kaygaganda ng boses. Kaya yungtalento nilang ‘yan, gusto kong ipagyaman nila kasi malayo ang mararating nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey lang na magkaroon ng love team si Queenie kasi bagaynaman siya sa mga drama-drama. Yun ang puwede, kasi malalim mag-isip ang anakkong ‘yan. Nabawas-bawasan na nga ang pagiging revolutionary niyan, e. Pero yung pagiging matulungin niya at pagiging involved niya sa mga issues saMindanao, nandoon pa rin."

Malaki nga raw ang concern ni Queenie sa mga taongnaapektuhan sa kaguluhan ngayon sa Mindanao. Kaya kapag may pagkakataon aysumasama ito sa isang grupo na parating nagbibigay ng tulong.

"Kelan lang ay sumama nga siya sa isang grupo, ito nga iyongkina Datu Khoemeni, na bumisita at tumulong sa mga naging evacuees sa Mindanao.Maawain siya sa mga bata roon na hindi na nakakapag-aral dahil sa nagaganap nakaguluhan doon. Gustung-gusto niyang makatulong talaga.

"Nitong ngang huli, gusto ulit niyang sumama sa grupo napupunta naman sa isang lugar doon. E, narinig ko sa TV na medyo magulo atnagkakabarilan, sinabi ko sa kanya na huwag muna kasi baka kung mapaano siyaroon. Ang pinakamaaapektuhan kasi ay ang mommy niya [Liezl Sicangco]. Hindi nganito gusto ang ideya na pumasok siya sa showbiz, yung maipit pa kaya siya sagiyera?

"Kaya tama lang na nag-guest siya sa fund-raising concert naito ni Datu Khoemeni kasi ang kikitain ng concert ay magiging malaking tulongsa mga evacuees sa Mindanao. Natutuwa ako at nag-guest si Queenie dahilmalaking bagay ang maitutulong niya sa maraming tao."

At dahil marami ang nagagandahan kay Queenie, imposiblengwalang may gustong manligaw dito. Publicly in-announce na nga ni Binoe na okeyna raw na ligawan si Queenie.

"Puwedeng-puwede na," pagmamalaki ni Binoe. "Nakikita konaman kay Queenie at sa ibang mga anak kong babae na napakaresponsable nilangmga bata.

"Alam ko na kakayanin nila ang bagong sitwasyon ng buhaynilang ito. Kaya okey na kung may manligaw sa kanila. Basta huwag lang nilangkalimutan na bigyan ako ng dowry. Tradisyon iyon sa kulturang Muslim, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero siyempre, nandito pa rin ako para magbantay sa mgaanak ko. Gustong ligawan sila sa tamang lugar at iyon ay sa tahanan namin.Hindi puwede yung sa labas o dinadaan lang sa tawag o text. Kailangan pormalpara makilala siya ng ibang miyembro ng pamilya."

Kahit nga sobrang busy si Binoe sa sunud-sunod na trabaho,nagagawa pa rin niyang puntahan ang mga special occasions ng kanyang mga anak.Busy nga si Binoe sa pag-shoot ng pelikulang Sundo ng GMA Films withKatrina Halili, SunshineDizon and Rhian Ramos, at magsisimula na siyang mag-taping para sa TotoyBato.

"Importante sa akin ang mga activities ng mga anak ko. Walakasi ang ina nila rito at nasa Australia, kaya ako ang tumatayong ama at inanila.

"Nagpapaalam naman tayo nang maayos sa mga bossing natin parapayagan tayo. Minsan lang naman magkaroon ng kakaibang ginagawa ang mga anak kokaya kailangan nandoon ako parati para sa kanila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN