Pauleen Luna laughs off Sherwin-Charee rumor

"Sa pagkakaalam ko, magde-debut pa lang si Charee. Paranamang masyadong bata na iyon, di ba? Nagkakausap naman kami ni Sherwin atnatawa rin siya sa tsismis. Hindi naman daw totoo iyon," says Pauleen Lunaabout the rumors linking her ex-boyfriend, Mayor Sherwin Gatchalian of Valenzuela, Bulacan, to young star Charee Pineda.



Nangingiti na lang si Pauleen Luna sa kumakalat na balitang nililigawanna raw ng kanyang ex-boyfriend na si Mayor Sherwin Gatchalian angyoung star na si Charee Pineda.

Si Charee ay dating girlfriend ng isa sa originalStarStruck stars na si Tyron Perez. Nag-break sila last year after three years. Lumabas si Charee sa ilang soap drama ng GMA-7,kabilang na rito ay ang Ikaw Sa Puso Ko (ng TAPE Inc.), Etheriaat Impostora.Naging part din siya ng cast ng Let's Go at Gokada ng ABS-CBN.

May nagparating nga raw kay Pauleen tungkol sa naturangtsismis at natawa lang siya. Masyado raw kasing bata si Charee para pormahanng kanyang ex-bf.

"Sa pagkakaalam ko, magde-debut pa lang si Charee," diin niPauleen. "Para namang masyadong bata na iyon, di ba? Nagkakausap naman kami niSherwin at natawa rin siya sa tsismis. Hindi naman daw totoo iyon."

Kilala nga raw ni Pauleen si Charee at alam niya na SKpresident ito sa Valenzuela, Bulacan. Tinutulungan lang daw ni Mayor Sherwin si Chareesa mga proyekto nito para sa mga kabataan.

"I know Charee at alam ko na she has projects for the youthof Valenzuela. Tumutulong lang si Sherwin sa kanya. Siguro nabigyan lang ngmalisya yung parati silang nakikitang magkasama.

"Hindi naman date yung ginagawa nila, e. Mga charity workang pinagkakaabalahan nila kaya nakakagulat naman na malagyan iyon ng malisya."

Wala nga raw na ini-entertain na mga manliligaw si Pauleenngayon. Para sa kanya ay magpapahinga raw muna siya sa pagkakaroon ng relasyon.Mas gusto raw niyang makasama ang mga barkada niya para mag-enjoy.

"I missed being single kasi. I realized na sa age kong ito,I should be enjoying my single life. Na-miss ko ang mga friends ko at paratinga kaming magkakasama at lumalabas. Masaya ako kahit walang boyfriend, sa totoolang.

"Tulad ngayon, wala pa akong bagong show na ginagawa kasitapos na ang character ko sa Ako Si Kim Samsoon, at Eat Bulaga lang angpinaka-work ko. Kaya I have time to really go out and enjoy my single life."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasabay nga sa pag-enjoy ni Pauleen ay ang patuloy napagpapa-sexy niya. Endorser si Pauleen ng Dr. Joel Mendez Clinic at kitang-kitanga ang kaseksihan niya ngayon sa pamamagitan ng malaking billboard niya saEDSA.

"Nagulat din ako sa kinalabasan ng billboard. Maraming kuhaiyon at hindi ko alam na yun pala ang pinili nila. I'm happy with the resultsand I'm thankful din sa Renew Placenta because mas napapaganda pa nila akolalo.

"Kasi this is the time na I have to be conscious of myfigure and my skin. Single girl nga ulit ako at nasa market na ulit. So, theyhave to see something new and different sa akin. Sabi nga nila na the bestbreakup revenge is to look fabulous, di ba? Kaya yun ang ginawa ko sa sariliko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN